28
Muling Pagkikita
"DOMINIC," MANGIYAK-NGIYAK NIYANG sambit sa pangalan nito. "Hindi ako si Vernice..."
"What?" Dominic stared at Rica confused. "Come on baby, please stop crying. Magiging masama ito para sa anak natin." Dominic was gently wiping away all the falling tears from her eyes but Rica quickly moved away.
Umusod ito papalayo saka siya tumayo para lumapit sa pinto. "P-Please Dominic," she begged while moving her hands up, signing him not to get any closer. "H-Hindi ako si Vernice. I am not your wife. A-Ako si... Ako si Rica," naginginig ang boses na saad niya rito.
Nakakunot ang noong tumitig si Dominic kay Rica. That's impossible, how could my wife be Casper's wife? "Vernice, kumalma ka nga muna," sa halip ay tugon nito sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang problema ng asawa niya at nagsasabi na naman ito ng mga hindi kapanipaniwalang bagay.
Napasabunot si Rica sa kaniyang ulo. She as terrified, fear is tearing every piece of her inside. Kanina lamang ay iniisip niya kung paano siya babalik sa kamay ng kaniyang minamahal na asawa. Subalit nang marinig niya ang kuwento ni Dominic, nagunaw na ang kagustuhan niyang iyon.
Tila ay nilulusaw ng takot ang kagustuhan niyang bumalik sa piling nito. Pulos pangamba ang pumapasok sa isip niya. Everything feels true. The pain she felt several years ago lingers in her skin like it was fresh.
Teeth is shattering, lips are trembling, and her insides are shaking. "Dominic, h-hindi ako ang asawa mo. H-Hindi ako si Vernice, n-nakiusap lang siya sa akin na magpanggap bilang siya. A-Ako talaga si Rica."
"That doesn't make sense!" bulalas ni Dominic. "Come on babe. Tama na." Mula sa aparador sa gilid ay kinuha ni Dominic ang gamot ng kaniyang asawa. "Stop stressing yourself out. Oras na siguro para inumin mo ulit ang gamot mo."
"Dominic ano ba?! Hindi nga ako ang asawa mo! Ano ba ang dapat kong gawin para maniwala ka ha? P-Please, ayaw ko na. Gusto ko nang lumayo sa inyo," anas niya sa mahinang boses.
"Don't you dare say that you want to stay away from me! Kung hindi talaga ikaw ang asawa ko, kung ikaw talaga si Rica, then give me a fucking valid reason why because this isn't funny. You stayed with me since yesterday, at kung ikaw man si Rica, nakagawa ako ng mga bagay na hindi ko dapat gawin sa'yo."
"Gusto mo ng valid reason? Buntis si Vernice at hindi ikaw ang ama ng dinadala niya, sapat na ba 'yon?"
Dominic strode towards her to strangle her neck. "Don't you dare say that!"
Rica struggled to speak as her neck is enclosed by Dominic's hand. "S-See?" she managed to say.
His hardened features turned soft. Namimilog ang mga matang tumitig siya sa anyo ni Rica bilang Vernice. She was right. Alam na niya kung ano ang dahilan kung bakit ito nangyayari. Now it makes sense to him.
Matagal na ang pinagsamahan ni Dominic at Vernice, sa kabila ng mga pananakit niya rito noon ay hindi pa rin siya nito nagawang iwan. Hindi sa dahil wala na itong ibang matatakbuhan, dahil mahal din siya nito. Subalit ngayon, napilitan pa si Rica na magpanggap bilang siya dahil sa takot nitong matulad sa nangyari noon kay Rica.
"A-Alam mo na kung bakit hindi ba?" she cried. "Alam mo na..."
Dominic let go of her neck. "Kung hindi ikaw ang asawa ko, nasaan siya ngayon?"
"Hindi ko alam, ang sinabi lang niya sa akin ay gusto niyang malayo sa iyo."
Malakas na napamura si Dominic. He couldn't live with that! Gusto niyang makapiling ang kaniyang asawa sa panghabang-buhay, gusto niyang mukha nito ang nasisilayan niya tuwing imumulat niya ang kaniyang mga mata. He loves her so much...
Napahugot ng malalim na hininga si Dominic bago siya muling magtaas ng tingin kay Rica. "Tell me, where did my wife go? Please Rica, I'm sorry for what happened to you before. Wala akong kinalaman doon. Kaya sana naman 'wag kang nakikialam sa amin ng asawa ko, labas ka sa buhay naming dalawa!"
"H-Hindi ko talaga alam. Pinagswap lang niya ang anyo namin, hindi ko alam kung paano ako babalik sa tunay kong anyo kaya pumayag na lang ako sa kagustuhan niyang magpanggap bilang siya. Isa pa, naawa rin ako sa kaniya Dominic. Nakita ko kung paano mo siya pagbuhatan ng kamay noon dahil sa sinabi mong pinagtaksilan ka niya. Alam kong mas masahol ang gagawin mo kapag nalaman mong iba ang ama ng dinadala niya."
"You did that for her out of pity? But what about my brother, did you not think about what you'll be doing to him once you decided to stay with me?"
"Naisip ko 'yon! Pero ayaw ko namang saktan mo si Vernice at ang dinadalha niya kaya pumayag ako. At ang kapatid mo, ayaw ko nang bumalik sa piling niya..." Napayuko si Rica, hindi niya kayang salubungin ang mata ng nasa harap niyang duplika ng asawa niya.
Napasinghap si Dominic dahil sa sinabi nito. Maaaring ito rin ang nararamdaman ni Vernice para sa kaniya ngayon. He was getting hopeless. "Kung tutulungan mo ako na mahanap si Vernice, tutulungan din kitang makalayo sa kapatid ko." He had no choice, wala siyang ibang paraan para mahanap ang kaniyang asawa kundi ang babaeng 'to lang.
"No," she answered curtly.
"I promise that I won't hurt her. I don't want to lose the woman of my life Rica. Kung tutulungan mo ako, tutulungan din kita na makalayo sa kapatid ko. Alam kong mali ito para sa kapatid ko, but I really want to be with Vernice okay? Hindi ko kayang tuluyang mawala sa akin ang asawa ko."
Nasa himig ng boses nito ang sensiridad at kalungkutan kaya nagdadalawang-isip si Rica sa kung ano ang isasagot niya. Tutulungan ba niya ito na mahanap si Vernice? Pero kahit naman sabihin niyang oo, wala rin talaga siyang maitutulong dahil hindi naman niya alam kung nasaan ang babaeng 'yon.
Pero ngayong alam na niya ang lahat, natatakot na siyang bumalik pa sa mga kamay ni Casper. Pinipilit niyang alisin ang mga masasamang imahe sa isip niya pero ayaw humulas ng mga iyon. Mukhang hindi na kayang haraping ng tapang niya ang kaniyang asawa matapos niyang malaman ang lahat ng nangyari noon sa kaniya sa nakaraan.
"Kung hindi ka papayag sa kagustuhan ko, then I better summon Casper here and take you away."
"Huwag mo akong pagbantaan ng gan'yan Dominic!"
"Kung gan'on tulungan mo akong mahanap si Vernice! Please, I am begging you..." he bent down on his knees to plead more. "Please, pinapangako ko sa'yo na pagbubutihin ko ang obligasyon ko sa kaniya bilang isang mabuting asawa. Nagmamakaawa ako sa'yo, ayaw kong mawala siya sa akin."
Ikinabigla ni Rica ang biglaang pagluhod nito sa kaniyang harap. Nagpapakababa at nagmamakaawa ito sa kaniyang harapan para lamang sa isang babae. Nadudurog ang kaniyang puso dahil sa awa na nararamdaman niya para rito. His eyes are not lying, he is really desperate.
"P-Pero... kahit pa gusto kitang tulungan, hindi ko alam kung saan nagpunta si Vernice. I'm sorry, wala talaga akong alam."
"Please..." he begged sounding really broken inside.
Rica pulled out a deep breath, "Sige, pumapayag ako. Tutulungan kita na mahanap siya. Pero ipangako mo rin sa akin na tutulungan mo ako na makalayo ako kay Casper."
_________________________
DON'T FORGET TO VOTE 😀
BINABASA MO ANG
Married to a Stranger [R-18] [Completed] [Published]
General FictionHIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place. Natagpuan niya ang sarili sa isang lumang simbahan at sapilitang ipinakasal sa lalaking hindi niya...