9
Rebelasyon
TAHIMIK NA NAKAUPO si Casper sa tabi ko habang tangan nito ang kaliwang kamay ko. Sinamahan ako nito dahil ayaw nitong malayo ako sa kanya kasi nilalapitan ako ng mga ibang lalaki. Kumokopya ang kanan kong kamay sa isang makapal at maalikabok na history book. Alas kuwatro na ng hapon kaya malapit nang mag-uwian, narito lang kami sa loob ng library dahil vacant period namin. Tatlumpung pahina ang aking kinokopya pero nakakaapat pa lang ako ay nangangalay na ang kamay ko. Marami pa akong kokopyahin kaya nag-aalala ko na baka mabagot lang si Casper sa paghihintay sa akin.
Saglit akong tumigil sa pagsusulat saka ako humarap kay Casper. "Casper," tawag ko sa pangalan nito. "Kung nababagot ka na, puwede mo na akong iwan. Maiintindihan naman kita." Nginitian ako ni Casper at mataman akong tinitigan ng mga asul nitong mata. Saglit akong natulala sa mga asul na mata nito, nabalik lang ako sa reyalidad nang mapansin kong hindi ito umiimik. Siguro ay hindi ako naintindihan nito kaya nakangiti lang ito sa akin. Sinubukan kong mag-english para sakaling maintindihan niya ako. "Casper, if you are bored waiting, you can leave. I won't be mad because I will understand."
"No," he says. "I understand what you've just said but I don't want to leave you. I'm fine here waiting, basta katabi kita," sabi nito sabay kindat. Idinampi nito ang kanyang mga labi sa likod ng aking palad na kanyang tangan. Para akong nakuryente nang lumapat ang mga labi nito kamay ko. Kakaiba ang nararamdaman ko tuwing kasama ko si Casper. I always feel tranquil yet anxious whenever he is with me. Idinampi na naman ni Casper ang kanyang malalambot na labi sa likod ng aking palad kaya muli ay para na naman akong nakuryente pero hindi ko na lang pinansin pa iyon.
"Are you sure you want to stay?" muling tanong ko rito. Tumango si Casper kaya itinuloy ko na ang pagkopya sa makapal na history book. Tahimik lang kaming lahat na nasa loob ng library, dahil siyempre, library nga eh.
Lumipas ang oras na nakatikom lang ang aming mga bibig namin ni Casper. Ginugol ko ang oras ko sa pagkopya. Makalipas ang ilang oras ay napansin kong nagsisitayuan at nagsisilabasan na ang mga kapwa ko estudyante kaya napasilip ako sa glass window para tantiyahin kung ano na ang oras. Kulay ginto na ang kalangitan kaya nagbabadya na ang pagsapit ng dilim.
Alas siete na pala. Hindi ko na kasi namalayan ang oras dahil aligaga ako sa pagtapos ng tatlumpung pahina na kinokopya ko mula sa makapal na history book. Binilisan ko ang aking pagsusulat sa notebook ko dahil minamadali ko na ang pagkopya ko. Baka kasi naghihintay na sa akin sa labas ng gate ang sundo kong si kuya Lito.
"Rica," tawag sa akin ni Casper. Nakalimutan kong kasama ko ito at hindi ko na rin napansin ang kanyang presensiya dahil itinuon ko ang buong atensiyon ko sa pagkopya. Magyayaya na siguro itong umuwi dahil papagabi na.
"Bakit?" tanong ko rito habang hindi ko pa iniaalis ang tingin ko sa kinokopya ko. Hinawakan nito ang baba ko saka niya ako iniharap sa kanya kaya napilitan akong salubungin ang kanyang mga asul na mata.
He tucked my hair behind my ear then his thumb gently brushed my lips. His gaze fixed on my lips. "Will you kiss me, Rica?" tanong nito habang nginingitian ako ng nakakaloko.
Natigilan ako sa tanong nito. He is asking me to kiss him, again. Isang beses pa lang kaming nagkakahalikan, ang unang beses ay nang yayain niya akong maging girlfriend niya. Mula noon ay hindi na muling naglapat pa ang aming mga labi. But now he is asking me to kiss him again. Gusto ko siyang halikan pero parang hindi ko kaya. Ang totoo kasi ay naiilang pa rin ako rito. Siya pa lang ang nagiging boyfriend ko kaya hindi pa ako sanay na gawin ang mga ginagawa ng mga magkakasintahan at saka hindi rin talaga nakatulong ang sinabi nito sa akin na hindi ako marunong humalik.
BINABASA MO ANG
Married to a Stranger [R-18] [Completed] [Published]
General FictionHIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place. Natagpuan niya ang sarili sa isang lumang simbahan at sapilitang ipinakasal sa lalaking hindi niya...