10
Transpormasyon
MY CHEST EXPLODED in pain when air entered my lungs. Bigla akong napabangon mula sa kinahihigaan ko at napahawak sa dibdib ko. I gasp for air. The stinging pain I feel inside my chest caused my eyes to burn with tears. Pakiramdam ko ay ngayon lang ulit nakatanggap ng hangin ang baga ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Para bang napupunit ang mga ugat ko sa loob kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapahiyaw sa sakit na nararamdaman ko.
Nakamulat ang aking mga mata ngunit wala akong makita kundi ang kadiliman na bumabalot sa kapaligiran. Kahit katiting na ilaw ay wala akong makita. B-bakit wala akong makita? B-bulag na ba ako? Napasigaw ako at napahiyaw nang maisip kong hindi na ako makakakita. Hindi ito puwedeng mangyari, hindi ako bulag, panandalian lang ang pagkawala ng paningin ko! Hindi ako bulag!
My head hurts like it was being pounded by a large hammer. I kept on crying and shouting at the same time because I can't take the unbearable pain I feel. Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto at mga malalakas na yabag na mabilis na naglalakad patungo sa direksiyon ko ngunit hindi ko makita kung sino ang lumilikha n'on dahil hindi ako makakita.
Humawak ang isang malamig na kamay sa balikat ko. Lalo akong napahiyaw sa pagkagulat. Agad kong pinalis ang kamay na iyon dahil sa matinding takot. May mga brasong yumakap sa akin. Napatili ako ng malakas. Pilit kong inilalayo ang sarili ko sa nilalang na yumayakap sa akin. I kicked and punched even though I can't see a thing in the darkness, until my body went completely numb.
Biglang namanhid ang buong katawan ko. Hindi ko maikilos ang aking mga kamay at paa. "Huwag kang matakot mahal ko," sabi ng isang pamilyar na tinig sa isip ko. Iyon ang boses ng estrangherong pinakasalan ko sa aking panaginip. Masuyong nitong hinaplos ang buhok ko. "Ako ito, si Casper."
Hinagod ni Casper ang likod ko at sinubukan akong patahanin mula sa pag-iyak ngunit sa halip na kumalma ako ay lalo lang akong nagwala. Pinilit kong kumawala sa pagkakayakap nito ngunit hindi ko magawa dahil nagmistulang paralisado ang katawan ko. "B-bitiwan mo ako," hirap na humingang utos ko rito. Hirap akong magsalita dahil naninikip ang dibdib ko kaya hindi ako makapagsalita ng maayos. "Casper, b-bitiwan mo ako," muling utos ko rito sa kabila ng pagiging hirap ko sa pagsasalita.
Pinakawalan ako ni Casper mula sa kanyang pagkakayakap. Naigagalaw ko na ang aking katawan. Sinubukan kong gumawa ng paraan para tumakas kahit wala akong makita. Nababalot ng dilim ang aking paningin nang subukan kong tumakas. Hindi ko makita ang paligid ko kaya laking sorpresa ko nang umusod lang ako ng kaunti ay nahulog na ako sa kama. Nayanig ng malakas na kalabog ang loob ng kuwarto.
Unang tumama ang balikat ko. Nadagdagan na naman ang sakit na nararamdaman ko kaya muli akong napahiyaw. Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Casper nang malaglag ako mula sa kama. Lalo akong naiyak dahil sa kahihiyang nangyari sa akin. Naramdaman kong binuhat ako ni Casper mula sa sahig saka niya ako ihiniga mulis sa malambot na kama.
"Ano ba, mahal ko? Huwag ka nang umiyak. Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan kapag nakikita kitang umiiyak," sabi ni Casper sa akin na may himig ng kalungkutan ang boses.
Masuyong hinahaplos ni Casper ang buhok ko ngunit dahil naiinis ako, marahas kong hinawi ang kamay nitong humahaplos sa buhok ko. "Gago ka ba?! Paanong hindi ako iiyak, nahulog na nga ako tapos pagtatawanan mo pa ako!" nahihirapan na humingang singahal ko rito.
Hindi sumagot si Casper. Hindi ko alam ang ekspresyon ng mukha nito dahil hindi ako makakita. Naramdaman ko ang pag-upo nito sa tabi ko. "Mahal ko, huwag ka na kasing gumawa ng ikasasakit ng katawan mo. Alam kong hindi ka makakita at matindi rin ang sakit na nararamdaman mo. Humiga ka lang muna at magpahinga para mawala na ang sakit at bumalik na ang paningin mo."
Hindi ko ito sinagot. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Lumipas ang ilang oras ng katahimikan kaya inisip ko na baka iniwan na ako ni Casper. Pantay na ang aking paghinga at hindi na rin sobra ang bilis ng tibok ng puso ko kaya hindi na naninikip ang dibdib ko. Tanging ang sakit ng ulo ko na lang ang aking dinaramdam.
+ + +
NAKATULOG AKO NG ilang oras. Naalimpungatan ako sa pagbukas ng pinto. Iminulat ko ang aking mga mata ngunit wala pa rin akong makita. Nanghihina ang katawan ko kaya wala akong gana na magkikilos. "Mahal ko, nagugutom ko na ba?" tanong sa akin ng boses ni Casper.
Hindi ako sumagot dahil kahit ang pagsasalita ay kinatatamaran kong gawin dahil hinang-hina ako. Ang totoo ay kanina pa ako nagugutom. Kumakalam na ang sikmura ko at grabe rin ang pagkauhaw ko. Parang tuyung-tuyo rin ang aking lalamunan. Siguro ay dahil sa paghiyaw ko kanina pero iba pa rin ang dating ng pagkatuyo ng lalamunan ko. Para akong uhaw na uhaw na hindi ko maintindihan.
Napuno ang hangin ng isang masarap na amoy. Kakaiba ang amoy na nalalanghap ko. Takam na takam ako sa pinanggagalingan ng amoy na 'yon. Naramdaman kong itinapat ni Casper ang kamay niya sa may ilong ko dahil sa hangin na nilikha noon. Lalong nanuot ang masarap na amoy sa ilong ko. "Inumin mo," utos ni Casper.
Hindi ko maintindihan ang sinabi ni Casper sa akin. "Ano ba 'yang ipapainom mo sa akin?"
"Dugo," walang emosyon na sagot nito. Ginapangan ang buong katawan ko ng kilabot at pandidiri nang mapag-alaman kong dugo pala ang nakakatakam na naaamoy ko. Muntikan pa akong masuka sa ideyang umiinom ako ng dugo. "Pakiusap, mahal ko. Inumin mo na ang dugo ko dahil kailangan ito ng iyong katawan."
Inilayo ko ang kamay ni Casper sa mukha ko pero pilit nitong ipinaiinom sa akin ang dugo niya. He pressed his bleeding wrist hard against my lips. Kumalat ang dugo ni Casper sa labi ko. I sealed my mouth shut but few drops of blood entered my mouth. Nalasahan ko ang matamis na dugo ni Casper. Bigla ay nakaramdam ako ng matinding pagkahayok sa dugo. Sinasabi ng utak ko na pigilan ko ang aking sarili sa pagnanasa sa dugo ngunit iba ang idinidikta ng katawan ko.
Nang matikman ko ang dugo ay para bang mababaliw ako kapag hindi ako nakatikim pa ng mas marami. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumabas ang aking mga pangil at kusang gumalaw ang katawan ko para sakmalin ang kamay ni Casper. Blood rushed in my mouth. I drank every drop of Casper's blood. Hindi ko tinigilan ang pag-inom sa dugo ni Casper hanggang hindi pa ako nakakaramdam ng pagkabusog.
Humiwalay ako kaagad kay Casper nang mapawi ang uhaw at pagkagutom na aking nararamdaman. Lumayo ako kay Casper at gumapang papunta sa kabilang sulok ng kama. Umiyak ako nang umiya sa sulok na iyon. Umiiyak ako hindi lang dahil sa takot kundi dahil sa pagkawala ng pagiging tao ko. Unti-unti nang bumabalik ang paningin ko. Nakakakita na akong muli kaya nakita ko ang mga kamay ko at ang damit ko na punung-puno ng likidong pula. Lalo akong napahagulgol. Hindi na ako tao mula ngayon. Isa na akong nakakadiring halimaw na obligadong uminom ng dugo ng iba para mabuhay.
_________________________
DON'T FORGET TO VOTE 😀
BINABASA MO ANG
Married to a Stranger [R-18] [Completed] [Published]
General FictionHIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place. Natagpuan niya ang sarili sa isang lumang simbahan at sapilitang ipinakasal sa lalaking hindi niya...