27 Pagpapanggap

24.2K 706 51
                                    

27

Pagpapanggap

KASALUKUYANG NAHIHIMBING SI Rica sa kaniyamg pagtulog, samantalang si Dominic naman ay tahimik na nakahiga sa tabi niya. Marahan niyang hinawi ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha nito.

Bahagyang yumuko si Dominic para gawaran ng halik sa noo si Rica dahil sa pag-aakalang ito ang kaniyang asawa. Kahit gaano pa ito kapasaway, at minsan pa nga ay wala ito sa tamang rason tuwing mag-aaway sila, hindi pa rin niya maitatanggi sa kaniyang sarili na ito lang ang babae na minahal niya ng totoo. Kung bakit ay tanging puso lang niya ang nakakaalam.

Sunod ay mas binabaan niya ang kaniyang ulo para hagkan ang labi nito. Nasaktan na naman niya ito dahil sa pagtataksil na ginawa nito sa kaniya. Mahaba kasi ang oras na ginugugol niya para sa pagtatrabaho kaya minsan ay nawawalan siya ng panahon para rito.

Kahit gusto niyang bantayan ito ng veinte cuatro oras ay hindi niya magawa dahil may iba rin naman siyang pinagkakaabalahan. Subalit ngayon, asawa na niya ito at magkakaanak siya rito. Gagawin niya ang lahat ng makakaya niya para maging mabuting asawa rito.

He pressed his lips harder on Rica's lips. Hanggang ngayon ay nakokonsensiya pa rin siya sa pananakit niya kay Vernice. Wala talaga sa intensiyon niya na saktan ito sa tuwing nagseselos siya, ngunit mas nangingibabaw ang kaniyang init ng ulo kaya hindi niya mapigilan ang sarili na pagbuhatan ito ng kamay.

Marahang iminulat ni Rica ang kaniyang mga mata saka siya ngumiti kay Dominic dahil nakalimutan niyang ang kapatid pala ni Casper ang kasama niya. Dominic planted another small kiss on Rica's forehead. Maaliwalas na ngumiti ito sa kaniya. "Good morning Vernice," abot-taingang bati nito kay Rica.

Namilog ang mga mata ni Rica dahil sa pagkakaalalang siya nga pala si Vernice, at muli ay hinahawakan na naman siya ng kapatid ng kaniyang tunay na asawa. Mabilis na dumaloy sa buong katawan niya ang pagkakilabot. Agad siyang tumayo saka lumayo rito.

Dominic frowned at her strange act. "Are you okay?"

Mabilis na tumango siya rito. "Okay lang ako, okay lang ako. S-Sige, punta muna ako sa banyo," aniya saka patakbong tinungo ang comfort room."

"Goddamn it Vernice, don't run! Baka nakakalimutan mong buntis ka?" dinig niyang pahabol pa ni Dominic habang tumatakbo siya patungo sa banyo.

Pagpasok sa loob ng comfort room ay inilock niya kaagad ang pinto. Binuksan niya muna ang gripo saka siya naghilamos, mayari ay tinitigan niya ang kaniyang repleksiyon sa salamin. Mukha pa rin ni Vernice ang nakikita niya roon. Humugot siya ng malalim na hininga saka pumikit.

Napasalampak din siya sa sahig. Ang usapan nila ni Vernice ay hanggang hapon lang nitong araw na ito ang itatagal ng pagpapalit ng anyo nila. Isinandig niya ang kaniyang ulo sa dingding sa gilid niya. Hindi na niya kayang tumagal pa. Hinahawak-hawakan siya ni Dominic dahil akala nitong siya si Vernice at hindi maganda iyon.

Gusto na niyang umalis, gusto na niyang bumalik sa puder ni Casper pero hindi niya magawa dahil sa hitsura niya ngayon. Masama ang ginagawa niya, nanloloko siya ng tao at isa pa ay parang nagtataksil na rin siya sa kaniyang asawa. Nais na niya talagang umalis.

Tahimik na nagpalipas siya ng oras sa loob ng banyo. Ayaw niyang lumabas dahil paniguradong lalambingin nang lalambingin lamang siya ni Dominic. At may kasamang paghawak ang paglalambing nito dahil napaka-touchy ng mag-asawang Vernice at Dominic sa isa't-isa.

Kung hindi lang talaga siya naaawa kay Vernice at sa dinadala nito, hinding-hindi siya papayag sa gusto nito. Kumakalam na ang kaniyang sikmura ngunit binalewala niya iyon. Uubusin na lang muna niya ang kaniyang oras hanggang sa sumapit ang hapon. Maingat na tatakas siya bago tuluyang bumalik ang sarili niyang anyo, ngunit paano?

Married to a Stranger [R-18] [Completed] [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon