5
Lunas
Nagpatingin ako sa doktor dahil pakiramdam ko ay nababaliw na ako. Kung anu-ano na kasi ang naririnig ko. Una ay ang boses ng lalaking nagpapakita sa panaginip ko. Pangalawa ay ang mga naiisip ng mga tao sa palagid ko.
Sabi ng doktor sa akin ay wala naman siyang nakikitang diperensiya sa akin. Niresetahan lamang niya ako ng gamot na agad kong binili sa botika.
"Mahal ko...."
Narinig ko na naman ang pagtawag sa akin ng lalaki na madalas lumitaw sa mga panaginip ko, kaya kinuha ko na ang iniresetang gamot sa akin ng doktor para inumin iyon. Naghanda na ako ng isang basong tubig. Handa na akong inumin ang gamot ngunit nang iinumin ko na iyon ay siya namang biglang pag-init ng singsing ko.
"Mahal ko," muling pagtawag ng lalaki sa akin. "Huwag mong inumin ang lason na iyan."
"Lason-lason ka d'yan! Gamot nga 'to sa kabaliwan ko," sagot ko sa hangin.
Nagalit siya sa hindi ko pagsunod sa utos niya kaya nag-init muli ang singsing sa daliri ko. Dahil doon ay nabitawan ko ang maliit na botelyang pinaglalagyan ng mga gamot at kumalat iyon sa sahig.
"Mahal ko, hindi ka baliw!" may diing sabi niya. Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong naiirita na siya dahil iba na ang tono ng boses niya.
Ako, hindi baliw? Masasabi ko pa bang hindi ako baliw kung nakakarinig na ako ng boses ng isang taong napanaginipan ko lang? Tapos, pakiramdam ko rin may superpowers na ako kasi naririnig ko ang mga thoughts ng mga tao sa paligid ko, iyon ba ang hindi baliw, iyon ba?
"Tigilan mo ako! 'Wag mo nga akong kausapin, kung makapag-Tagalog ka wagas! Dinaig mo pa sa kalumaan 'yong mga damit ng lola ko sa baul namin!"
"Patawad aking mahal," paumanhin niya. "Hindi ko pa alam kung paano ang bagong paraan ng pag-uusap ng mga tao ngayon. Kasalukuyan ko pa lang na pinag-aaralan ang modernong lengguwaheng ginagamit niyo."
"Okay." As if namang may pakialam ako. Pinulot ko ang mga natapong tableta sa sahig. Nang akmang iinomin ko na ang isa sa mga iyon ay nag-init na naman ng todo ang singsing sa daliri ko.
"'Tang-ina ano ba?!" galit na tanong ko sa boses sa isip ko. "Namimihasa ka na sa pananakit sa daliri ko, ha!"
"Sinabi kong huwag mong inumin iyang lasong iyan. Kapag ininom mo iyan, mahihirapan akong makipag-usap sa iyo."
"Kaya ko nga ito iinomin 'di ba? Kasi ayaw kong marinig ang boses mo."
"Nasasaktan ako sa mga sinasabi mo, mahal ko. Kung hindi kita mapipigilan sa pag-inom n'yan, sa tingin ko ay dapat na tayong magkita," aniya.
"Talaga? Magpapakita ka sa akin, eh, imagination lang naman kita. Sobrang ambisyoso ni kuya, makapang-charot wagas," iiling-iling na sabi ko na lang sa sarili ko.
"Kapag nagkita na tayo, kukuhanin na kita," banta niya.
Bigla akong nakaramdam ng kaba sa sinabi niyang kukuhanin na niya ako. Pero hindi ba imagination ko lang siya, bakit ako matatakot?
"Eh 'di magpakita ka sa akin," hamon ko sa kanya. "Para namang kaya mo eh resulta ka lang naman ng hallucination ko!"
"Hindi ako resulta ng halusinayon mo. Totoo ako. Naalala mo pa ba noong maligaw ka? Napadpad ka sa isang lumang simbahan noon at doon ginanap ang kasal nating dalawa," pagpapaalala niya.
Napaisip ako dahil sa mga sinabi niya. Totoong naligaw ako noon at napadpad ako sa isang lumang simbahan at doon kami ikinasal. Pero, di ba panaginip ko lang iyon?
"Panaginip ko lang kaya 'yon!"
"Hindi iyon panaginip, alam mo sa sarili mo na totoo ang mga nangyari na 'yon," giit niya.
Bakit ba ipinagpipilitan nitong boses sa ulo ko na totoo ang mga bagay na naganap sa panaginip ko. At ako naman ay nakikipagtalo pa sa boses at ipinagpipilitan kong hindi totoo iyon. Ano ba talaga?
"Lasing ako noon," depensa ko. "Lasing ako noo, nakatulog ako at nagkataong iyon ang naging panaginip ko!
"Kung iyan talaga ang gusto mong paniwalaan, wala na akong magagawa. Basta pagsapit ng hating gabi mamaya, kukuhanin na kita kaya maghanda ka."
I rolled my eyes. "Kdot, kuhanin mo ako kung kaya mo."
~
Nainom ko na ang gamot. Hindi ko na naririnig ang boses ng lalaki sa panaginip ko. Ngunit pagkalipas nang ilang oras ay nagbalik na naman iyon.
"Uulan mamaya ng malakas. Babaha kaya huwag kang—-"
Bago pa niya matapos ang sinasabi niya ay pinutol ko na ang linya niya. "Eh ano naman ngayon kung bumaha? Ano'ng gusto mong gawin ko, sipsipin ko?"
"Huwag kang lalabas ng bahay dahil baka mapahamak ka, gusto ko ligtas ka," paliwanag niya.
"Ayoko nga. Bakit ako susunod sa 'yo? Magsuswimming ako mamaya sa EDSA, wala kang magagawa para pigilan ako!" Tumayo na ako para muling kuhanin ang gamot ko. Umaatake na naman kasi ang kaabnormalan ko.
"Basta kukuhanin kita mamayang gabi," paalala nito. "Ayaw mong makinig sa akin. Sinabi ko na sa iyong 'wag mong iniinom ang gamot na 'yan."
Kukuhanin kukuhanin, blah blah blah. Para namang kaya niya.
"Kaya ko," sagot niya.
Nakalimutan kong nababasa nga pala niya ang nasa isip ko. Kinuha ko na ang gamot ko saka ininom iyon kaya tuluyan nang nawala sa pandinig ko ang boses ng estranghero sa panaginip.
Totoo ang mga sinabi niya, nang sumapit ang bandang hapon ay bumuhos ang malakas na ulan. Muli tuloy akong napaisip dahil nagtataka ako kung paano niya nalaman na uulan nang malakas samantalang wala namang sinabi sa TV. Minsan ay naniniwala ako na totoo ang nakakausap ko pero parang mas lalo lang akong nababaliw sa lagay na iyon. Totoo kayang kukuhanin niya ako mamaya?
_________________________
DON'T FORGET TO VOTE 😀
BINABASA MO ANG
Married to a Stranger [R-18] [Completed] [Published]
General FictionHIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place. Natagpuan niya ang sarili sa isang lumang simbahan at sapilitang ipinakasal sa lalaking hindi niya...