7
Tindahan ni Aling Nena
LIMANG ARAW NA ang lumipas mula nang huli kong mapanaginipan ang estrangherong lalaki. Mula noon ay hindi na ulit ito nagpakita sa akin. Hindi ko na rin naririnig ang kanyang boses sa isip ko kaya tinigilan ko na ang pag-inom ng iniresetang gamot sa akin ng doctor. Naging normal na ulit ang mga tulog ko.
Pagpasok ko sa classroom ay agad akong dumiretso sa upuan ko para maibaba ko na ang mabigat kong bag. Kinuha ko ang Physics notebook ko para ituloy ang homework ko na hindi ko na natapos kagabi dahil sa sobrang antok ko. Naramdaman kong pinagmamasdan ako ng katabi kong si Casper habang hindi ako nakatingin sa kanya.
Nagsalita ito. "Guess what, Rica," nakangiting sabi nito. "Marunong na akong magtagalog," Nabigla ako sa pagsasalita nito ng tagalog. Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang lalaking madalas magpakita sa panaginip ko. Siya kaya 'yon? Oh baka naman kambal sila? Psh, hindi siguro. Panaginip nga lang 'yon 'di ba?
"Wow, that's good to hear!" Nagningning ang mga mata ko sa ideyang hindi na ako mahihirapan pati na rin ang author sa pag-i-english. Hindi na magdurugo ang ilong naming dalawa. "Talaga, marunong ka na?"
"Yup!" masiglang sagot nito. "Nagpapaturo kasi ako. Hindi ko kasi maintindihan ang mga subjects natin na itinuturo sa Filipino language," Tumango ako. Wala na rin naman kasi akong ibang sasabihin sa kanya dahil nakakaramdam ako ng hiya tuwing nagkakausap kami. Ewan ko ba, basta iba ang ibinibigay nitong pakiramdam sa akin tuwing magkausap kami. "May gagawin ka ba mamaya Rica?"
"Wala naman," sagot ko rito nang hindi nakaharap sa kanya. Pilit ko na kasing tinatapos ang Physics homework ko para mamaya hindi ko na ito gawin pa. "Bakit mo naitanong?"
"Nothing, I just thought maybe we can hang out together." Tiningnan ako nito ng matagal habang 'di pa rin ako sumasagot. "We can spend time with each other," dagdag pa nito. "So what do you say?"
Nakatitig lang ako ng matagal dito. Akala ko ba marunong na siyang magtagalog? Bakit nag-i-english pa rin siya? Saka bakit niya ako niyayayang sumama sa kanya mamaya, gusto ba niyang magdate kami. Itinaboy ko ang ideyang 'yon ng malanding isip ko. Gusto lang siguro ni Casper na makipagkaibigan sa akin. Ang lantod ko talaga.
+ + +
PAGSAPIT NG HAPON ay dinala ako ni Casper sa isang playground na kakaunti na lang ang bata dahil sinusundo na ito ng kanilang mga magulang. Umupo ako sa isang swing, si Casper naman ay sa kabila. "Casper, bakit dito mo ako dinala? Para naman tayong bata rito,"
Kulay ginto na ang kalangitan at papalubog na rin ang araw. Ang mga tao ay naglalakad na pauwi sa kanilang tahanan. "I just thought that this playground is a nice place, tahimik kapag hapon na. Madalas akong magpunta rito kapag uwian na. Rica, do you mind telling me the things you like? I want to know you more,"
"Mga gusto ko? Mahilig akong magswimming. Gusto ko ring ang pag-aaral ng iba't ibang language," sagot ko sa tanong nito. Totoong mahilig akong magswimming. Bata pa lang ako ay hilig ko na 'yon pero ngayon hindi na ako masyadong nakakapagswimming dahil lumipat na kami ng bahay at malayo na ako sa dagat. Naalala ko tuloy na ang itim-itim ko noon bata ako kasi madalas akong magbabad sa dagat kahit tirik na tirik pa ang araw.
Nagkuwentuhan kami ni Casper. Pulos tungkol sa akin ang pinagkuwentuhan namin kaya wala akong masyadong nalaman tungkol sa hilig nito bukod sa pagpunta rito sa playground bago ito umuwi. Nang magkulay asul na ang kalangitan ay napagdesisyunan na naming umuwi. Nagpaalam na kami sa isa't isa at nagsimula nang maglakad sa magkaibang direksyon.
While walking, the sky turned gray. I turned to a corner, mas mapapabilis kasi ang pagbalik ko sa school kapag doon ako dumaan. Kailangan kong magmadali dahil baka dumating na ang sundo kong si kuya Lito. Lumakas ang ihip ng hangin at nagsimula na ring pumatak ang ulan. Hindi ako masyadong pamilyar sa dinaraanan ko pero naghanap pa rin ako ng masisilungan ko.
BINABASA MO ANG
Married to a Stranger [R-18] [Completed] [Published]
General FictionHIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place. Natagpuan niya ang sarili sa isang lumang simbahan at sapilitang ipinakasal sa lalaking hindi niya...