6 Kayabangan

52.1K 1.3K 118
                                    



6

Kayabangan

LAMPAS ALAS DIES na ng gabi. Nakakaramdam na ako ng antok pero hindi ko magawang makatulog dahil kinakabahan ako. Malakas kasi ang kutob ko na totoong may kukuha sa akin. Kumuha ako ng gamot at ininom iyon, matapos ay naisabunot ko ang sarili kong kamay sa akin ulo. Jusko po, napapraning na talaga ako.

Nagpalit muna ako ng damit pantulog bago ako tuluyang humiga sa malambot kong kama. Ilang minuto na akong nakadapa sa kama ko ngunit hindi pa rin ako makatulog. My heart was racing, kinakabahan ako dahil baka bigla na lang may sumulpot na lalaki mula sa kung saan at kuhanin ako.

Hindi mapakaling tumayo ako mula sa kama. Inilock ko ang lahat ng bintana rito sa kuwarto ko pagkatapos ay yumuko ako para silipin ang ilalim ng kama ko. Tiningnan ko kung may nagtatago r'on, pero wala naman. Mula sa pagkakayuko ay tumayo na ulit ako. Sunod na tiningnan ko naman ay ang walk-in close ko, wala ring tao r'on.

Sa kabila nang lahat ng ginawa ko ay hindi pa rin ako mapanatag. Hindi pa ako nakukuntento kaya pati ang pinto ay hinarangan ko ng bangko. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko matapos nang lahat nang ginawa ko kaya bumalik na ulit ako sa kama para magpaantok. Ngunit sadyang hindi ako dinadalaw ng antok dahil sa kabang nararamdaman ko.

Lumipas ang ilang oras. Hating-gabi na pero hindi pa rin dumarating ang lalaki sa panaginip ko. Hindi naman sa hinihintay ko ito o kung ano man. Gusto ko lang malaman kung ano ang totoo. Hinintay ko pa ito ng mga ilang saglit, ngunit kahit anino nito ay hindi ko naaninag.

Muli akong bumangon mula sa aking pagkakahiga. Iginala ko ang aking mga mata sa paligid ng kuwarto ko, wala akong makitang kahit isang bagay na kahina-hinala. Doon ko lang napagtanto na kanina ko pa pinagmumukhang tanga ang sarili ko. Napapraning na ako kaya kung anu-ano na ang pinaggagagawa ko. Tama nga ang doktor na tumingin sa akin, hallucination lang ang lahat. Wala talagang kukuha sa akin.

Binuksan ko na ang mga saradong bintana. Pagbukas ko ay nasamyo ko ang malamig na simoy ng hangin. Muli kong sinilip ang ilalim ng aking kama, naiiling na tumayo ako pagkatapos dahil maski ako ay natatawa na sa mga pinaggagagawa ko. Sunod kong ginawa ay ang ialis ang bangko na nakaharang sa pinto.

Sumilip ako sa labas, patay na ang lahat ng ilaw. Siguro ay natutulog na ang lahat ng kasama ko rito sa bahay. Gabi na, kailangan ko na ring magpahinga. Inilock ko nang mabuti ang pinto bago ako bumalik sa kama, pero bago 'yon ay sumilip na namang muli ako sa ilalim ng kama at tumingin sa loob ng walk-in closet ko. Nakahinga na ako ng maluwag, wala talagang kahina-hinala rito.

Tumayo ulit ako para patayin ang ilaw. Napansin niyo ba na kanina pa ako tayo nang tayo? Bugok kasi ang author, hindi siya magaling na writer kaya kung anu-ano lang ang mga description dito. Pagpasensiyahan. Pagkapatay ko ng ilaw ay agad na akong sumampa sa kama. Nakahiga na ako ng maluwag, ngunit mayamaya ay nakarinig ako ng pagkabasag ng isang bintana. Hinanap ko sa kuwarto ko kung aling bintana iyon, ngunit wala sa mga bintana rito sa kuwarto ko ang nabasag.

Bigla ay nakaramdam ako ng sobrang kaba. Nakarinig ako ng malakas at mabibilis na yabag papalapit sa pintuan ng kuwarto ko. Sunud ay ang malalakas na bangag sa pintuan ko. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Ito na ba siya? Talaga bang dumating siya?

Nangingig ang tuhod ko ng takbuhin ko ang light switch pero bago ko pa man mapindot iyon ay bumagsak na ang pinto ng kuwarto ko. Agad akong hinablot ng kung sino. Hindi ko makita kung ano ang hitsura nito dahil madilim. Titili na sana ako pero naagapan nito ang bibig ko. Agad nitong tinakpan iyon. Mula sa likuran ko ay itinakip niya ang kamay niya sa bibig ko. Siniko ko ito para makawala ako pero hindi man lang ito gumalaw. Nadama kong malaki ang katawan nito kaya siguradong kayang-kaya lang niya akong saktan.

Married to a Stranger [R-18] [Completed] [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon