13 Vernice

40.5K 1K 63
                                    

13

Vernice

SABAY-SABAY KAMING NAG-UMAGAHAN nila Casper at Mikeinel. Si Dominic naman ay kasalukuyang nagluluto pa lamang ng umagahan ng natutulog pang si Vernice. "Rica, do you want to go back to school?" mayamaya'y tanong ni Casper.

"Bakit mo naman naitanong? Oo siyempre gusto ko. Gusto ko rin namang makapagtapos ng pag-aaral para balang araw magkaroon ako ng magandang trabaho."

"Kung ganoon, pinahihintulutan kita na magbalik sa paaralan upang ituloy ang iyong pag-aaral. Maaari kang pumasok sa magandang paaralan na pinapasukan din ni Vernice, ako na ang bahalang mag-ayos ng iyong mga papeles," anito na hindi man lang tumitingin sa akin.

Mayamaya pa ay pumasok na sa eksena si Vernice na nakasuot lang ng manipis na night dress. Pupungay-pungay ang mata nito, magulo ang buhok at halatang bagong gising lang. Agad na nilapitan ni Dominic ang kasintahan at hinalikan ito sa pisngi. Dominic pulled out a chair for Vernice, pagkatapos ay inihanda na nito ang pagkain nito. Nakaramdam tuloy ako ng inggit habang pinapanuod ang dalawa. Para kasing napaka-sweet ni Dominic kay Vernice.

"Can I get a coffee instead of milk? I don't feel like drinking milk," reklamo ni Vernice nang abutan siya ni Dominic ng gatas.

"No," protesta ni Dominic. "Coffee isn't good for you. Bilisan mong kumain d'yan. Pagkatapos mo, maligo ka na agad dahil pupunta tayo sa University na pinapasukan mo para ayusin ang papers mo."

Nagsalita siya in a taglish way? "Uhm Vernice, bakit hindi dugo ang iniinom mo?" I ask.

"Hindi kasi ako kasing salahula mo," pabalang na sagot nito. Woah, that was rude. Ang ayos ng pagkakatanong ko pero bastos itong sumagot.

"Ouch," ani Mikeinel. "Everyone in this house drinks blood except you. 'Wag ka namang ganyan Vernice. We're not really disgusting, hindi namin kasalan kung bakit dugo ang iniinom namin."

"Humingi ka ng tawad kay Rica," utos ni Casper kay Vernice. "Wala kang karapatan na pagsalitaan siya ng ganoon."

"At bakit wala? Sino ba siya. At ikaw din Casper, tigilan mo nga ako."

Tumahimik na si Casper at hindi na nagsalita. Itinuloy na lang namin ang pagkain namin kaysa naman mauwi lang sa away ang lahat. Si Leight ang pinakaunang natapos kumain. Kanina pa pala namin kasama itong kumakain, hindi ko man lang napansin dahil napakatahimik nito.

Pagkatapos kumain ay naligo na agad ako at gumayak dahil sinabi ni Casper na sasabay daw ako kila Dominic papunta sa University. Tinanong ko kung bakit hindi na lang ako sa dati kong school mag-aral ulit, pero sinabi ni Casper na hindi na raw ako muling babalik doon kahit kailan. Sinabi din nito na binura na niya ang lahat ng alaala ng ibang tao tungkol sa akin, kaya kahit sino man sa aming lugar ay walang makakaalala sa akin. Nagalit ako dahil sa ginawa niya, pero kahit magalit man ako, wala na rin akong magagawa.

Mayari kong gumayak ay pinuntahan ko sa living room si Vernice. Natagpuan ko itong nagsusuklay sa harap ng isang malaking salamin. Nakalugay ang pulang buhok nito na may pagkakulot sa dulo. Nakasuot ito ng maikling black dress na may pagka-off shoulders. Fit na fit and suot nitong damit kaya kitang-kita ang magandang hubog ng katawan niya. Maganda na nga sexy pa, feeling ko tuloy natitibo na ako. Ano ba 'yan.

"Uhm, Vernice hindi pa ba tayo aalis?" Habang nagtatanong ako ay hindi ko mapigilang pagkiskisin ang dalawa kong kamay dahil sa niyerbos na baka tarayan ako nito.

She turned and faced me. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. Kinabahan tuloy ako dahil baka kung ano na naman ang mapuna nito. Nakasuot lang ako ng simpleng white blouse at pantalon dahil wala naman akong magandang damit sa damitan sa kwarto namin ni Casper. "Saglit lang, we're still waiting for Dmitri," matinong sagot nito sa halip na panlalait. "Leighton!" Mabilis na sumulpot sa harap ni Vernice si Leight. "Dalhin mo ang bag ko sa sasakyan, pakitawag mo na rin si Dmitri. Damuhong 'yon gusto pa 'atang masapok ko."

Married to a Stranger [R-18] [Completed] [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon