25
Kasalan
BINISITA KO SI Vernice sa bahay nila ni Dominic. Espesyal ang araw na ito para sa kanilang dalawa ni Dominic dahil ngayong araw na ito gaganapin ang kanilang napaagang kasal.
Dapat ay sa susunod pang buwan ang kanilang kasal ngunit napadali ito dahil sa hindi ko alam na dahilan, at wala na rin akong balak pang alamin kung ano ang dahilan. Pero may hinala akong kaya napaaga ang kasal nila ay dahil sa away nila ni Dominic. Naikuwento sa akin ng kasambahay namin sa bagong bahay na binili ni Casper na likas daw na mapang-angkin ang mga lalaking bampira.
Ganoon daw sila pagdating sa kanilang kasintahan. Ayaw nila ng nalalapitan ito ng iba. Gusto nila, sa kanila lang ang mga ito. Tinatrato nila itong pagmamay-ari na hindi nila kailan man babalakin na ipahiram sa iba. Sweet, but it has some negative sides. Tulad na lang ng pananakit ni Dominic kay Vernice dahil sa sobrang pagseselos.
Pagpasok ko sa loob ng bahay ay namataan kong nakaupo si Leighton sa may hagdan.
"Si Vernice?"
"Nasa itaas, sa kuwarto nila," kaswal na sagot nito.
Tinahak ko ang hagdan patungo sa kuwarto nina Vernice. I found her sitting in front of huge mirror near the desk. Inaayusan ito ng parloristang kasama niya. Saglit na sumulyap ito sa akin, pagkatapos ay ibinalik na nito ang kaniyang tuon sa repleksiyon niya sa salamin.
Well this is awkward. Nagpunta ako rito dahil gusto ko siyang makita, gusto kong malaman kung ayos lang siya. Nakalimutan kong hindi nga pala kami ganoon kalapit sa isa't isa para makipagkuwentuhan siya sa akin tungkol sa mga bagay-bagay, tulad na lang ng nararamdaman niya ngayon.
She kept playing with her own fingers while her make-up was being fixed. Looks like she's nervous.
The make-up artist on her side snapped her own fingers. "Y'an! Ang ganda mo na!" abot-taingang anito. "Ngiti naman d'yan," sabi pa nito nang mapansing hindi siya pinansin ni Vernice.
Pinagbigyan naman ni Vernice ang parlorista. She smiled, but it did not reach her eyes. Mayari ay yumuko na ulit ito sa mga kamay niyang nakapatong sa kaniyang hita. Mukhang nag-aalala ito, tila ba napakalalim ng kaniyang iniisip.
Habang inaayusan ito ay umupo muna ako sa kama. Hindi naman siguro masama 'yon. Iniligid ko ang aking paningin. Sa side table ay maraming nakapatong na picture frames, mga picture nila ni Dominic. May mga pictures sila na magkasama. Sa ibang kuha ay mukhang bata pa si Vernice, samantalang si Dominic naman ay hindi nagbabago ang anyo. Siguro ay dahil sa pagiging bampira nito.
Sunod na inayos ng parlorista ang buhok ng bride. Akala ko mananatili lang akong nanunuod hanggang sa magsalita si Vernice.
"Yaan lang ang isusuot mo?" kaswal na tanong nito.
"Ha?" Awtomatikong napatingin ako sa suot kong t-shirt at pantalon. "Hindi, hindi. May damit ako. Sige, mukhang malapit ka naman nang matapos. Magpapalit na ako."
"Gan'yan na lang ang make-up mo?"
"Ha?" Pulos ang kataga lang na iyon ang binibigkas ko dahil nagugulat ako na kinakausap ako nito. Maybe this is her way of starting a conversation, it's a bit awkward. "Oo, nagpaayos na ako kanina. Sige magbibihis na ako," pagpapaalam ko bago magpunta sa banyo at magbihis.
Isinuot ko na ang blue simple dress na binili ni Caser para sa akin. Mayaring magpalit ay inayos ko na rin ang buhok ko. Nang makabalik ako ay tapos na ring mag-ayos si Vernice. Suot na rin nito ang kaniyang wedding gown. She looked so beautiful in her make-up and her long, elegant wedding gown. Her long eye lashes are fluttery and her natural colored lips looks so gorgeous. Hapit na hapit din sa baywang niya ang suot niyang damit. It made her look so stunningly sexy!
BINABASA MO ANG
Married to a Stranger [R-18] [Completed] [Published]
General FictionHIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place. Natagpuan niya ang sarili sa isang lumang simbahan at sapilitang ipinakasal sa lalaking hindi niya...