17 Balloons

31.6K 822 71
                                    

17

Balloons

UMAGA PA LAMANG ay hindi ko na maialis sa isip ko ang pagkikipagkita kay Althea na gagawin ko. Hindi ko kasi sigurado kung susulpot ba ito o kung tutuparin nito ang pangako niyang talagang tutulungan niya ako. Isa pa ay kinakabahan akong baka matuklasan ni Casper ang ginagawa ko at magkaroon pa ako ng problema. Aminado akong may nararamdaman din ako para sa kanya, pero iba pa rin ang pagmamahal ko sa mga magulang ko at mga kapatid ko.

Wala naman akong naging problema kay Vernice ngayon. Hindi naman ito gumawa ng kahit anong bagay para ipahiya ako o kung ano man, wala rin akong naririnig na may sinasabi itong masama tungkol sa akin sa kanyang mga kaibigan. Pero kahit ganoon ay ni isa ay walang nagtangkang lumapit sa akin para makipag-usap. Tila ba ang lahat ng mga nasa paligid ko ay iniiwasan ako.

Hinayaan ko na lang sila sa trip nila. Ayaw nila sa akin eh, ano ba naman ang magagawa ko? Kailangan ko talagang makipagkita kay Althea. I really need to see her, I must see her kung ayaw kong manatili sa lugar na ito kung saan inaaayawan ako ng halos lahat.

May tumamang nakabilog na papel sa ulo ko. Nilingon ko kung saan nanggaling iyon. Galing pala iyon sa likuran ko kung saan nakaupo ang kaibigan ni Vernice, si Brian. Nakasimangot kong tinitigan ito dahil sa pagkaiirita, sa halip na magtigil ito ay muli pa ako nitong binato ng papel saka abot-tainga akong nginitian.

"Ano bang problema mo?!" inis na tanong ko. Imbis na sumagot ay tumawa pa ito saka nakipaghigh five kay Vernice. Buwisit, ano na naman ba'ng problema ng mga ito sa akin? Nananahimik na nga ako at lahat binubuwisit pa rin ako!

Nakita ito ng guro namin sa harap kaya sinuway nito ang mokong na Brian. "Brian! Don't you know that the one you're throwing papers at is the queen of North Terata?"

"Oh yes, I know I'm throwing papers at the queen of North," Brian replied. "And I don't care if she's a queen or not. She's just a normal resident here because we're in South."

Tama na normal na residente lang ako sa kanilang lugar, pero ibig bang sabihin n'on na kailangan na niya akong ibully? Buwisit na Brian 'to. "Bakit mo ba ako winawalanghiya Brian? Wala naman akong ginagawang masama sa iyo, kaya bakit mo kinakailangang buwisitin ako, ha?"

Pero tulad ng kanina, hindi ako nito sinagot at nakangiti lang akong binalibag nito ng papel. Psh, monggoloid 'ata ang lalaking ito eh. Buti na lang hindi ko na ito makikita pa ng matagal, 'yon ay kung tutuparin ni Althea ang pangako niyang tutulungan niya ako. Siguro ay mas mabuti pang palampasin ko na lang ang mga kagaguhan ng tao sa paligid ko para hindi mawala ang concentration ko sa gagawin kong pakikipagkita kay Althea.

Baka kasi kapag inatupag ko pa ang mga kabugukan ng mga nasa paligid ko ay magkandeletche-letche pa ang series of events na maganap. Nagdismiss na ang teacher namin, oras na para kumain. Ang lungkot talaga ng pakiramdam ko ngayon. Maski sa pagkain ay wala akong kasama.

Imbis na kumain ay hinanap ko na lang ang silid-aklatan na sinasabi ni Althea. Hindi ko alam kung nasaan ang library na 'yon, hindi rin naman ako makapagtanong sa mga tao sa paligid ko dahil alam kong hindi nila ako i-eentertain. Pero parang nakita ko na ang library na 'yon eh, malapit 'ata roon sa gate.

Nagpalakad-lakad ako hanggang sa matagpuan ko ang library. Natanaw ko na ito, medyo malayo rin pala mula sa pinanggalingan ko. Iilan lang ang mga taong nakikita kong pumapasok doon, siguro ay wala ring hilig sa pagbabasa ang mga bampira rito. Nagtungo ako sa likod ng library tulad ng iniutos sa akin ni Althea, napakasukal. Punung-puno ng mga halamang hindi naalagaan at mga damong ligaw ang gawi na iyon.

Sinilip ko kung may tao na, mukhang wala naman si Althea roon. Papaalis na ako nang may marinig akong pumasuwit sa akin. "Rica?" wika nito. Binalingan ko ang tumawag sa akin. Narito na pala si Althea. Hinila ako nito para maitago ako sa likod ng gusali ng library. "Hindi ka ba nila nasundan?"

Married to a Stranger [R-18] [Completed] [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon