14 Magkapatid

38.5K 1K 113
                                    

14

Magkapatid

HUMAHANGOS NA DUMATING si Casper sa kakahuyan. Agad itong nagtungo roon nang maamoy ang dugo ng asawa. "Rica!" tawag nito sa asawa nang makita itong nakahandusay at duguan. Nilapitan niya ito at ikinalong ang ulo nito. "Mahal ko, a-anong nangyari?"

Nilinga ni Casper ang paligid at natagpuan niya si Vernice na nakaupo sa tabi. May hawak itong kutsilyo at duguan ang kamay nito. Makita pa lang ito ay parang alam na ni Casper kung ano ang nangyari. Galit ang nanuot sa kanyang damdamin kaya agad niyang dinakma si Vernice saka niya ito sinakmal sa leeg.

Napahiyaw si Vernice. Alam niyang nasasaktan ito ngunit wala siyang pakialam. Pagbabayaran nito ang pananakit na ginawa nito sa kanyang asawa. Nanlalaban si Vernice pero wala itong magawa dahil wala itong panama sa lakas niya.

Bumalibag si Casper palayo kay Vernice dahil may malakas na puwersang humila sa kanya papalayo rito, si Dominic. "Tarando ka Casper!" wika nito bago banatan ng isang malakas na suntok sa mukha ang kapatid. Agad din itong napasugod sa lugar nang marinig ang pagsigaw ng kasintahan. Laking gulat na lang nito nang makitang pinapatay na ng kakambal niya si Vernice.

Bumawi si Casper ng suntok saka ito bumangon. Nagsukatan ng tingin ang dalawa. Ang mga asul nitong mata ay naging ginintuang pula na dahil sa sobrang galit na nararamdaman. "Sinaktan niya ang mahal ko, pagbabayaran niya ang ginawa niya!"

Muling sinugod ni Casper si Vernice ngunit naagapan siya ni Dominic. Humarang ito sa direksyon ni Vernice, saka siya nito binigyan ng malakas na suntok sa sikmura. Napaubo si Casper sa ginawang atake ng kapatid. Nagpalitan ulit ng malalakas na atake ang dalawa.

Sa laban nila, si Dominic ang mas nananalo dahil mas sanay ito sa pakikipaglaban kaysa sa nakababatang kakambal. Naidlip ng daang taon si Casper kaya kinalawang ang fighting skills nito.

Sumulpot si Leight at Mikeinel. Mabilis nitong nilapitan si Rica at binigyan ng paunang lunas. Leight cut his wrist and fed his blood to Rica. Tinanggap ni Rica ang dugo. Hindi nagtagal ay nagsara na ang hiwa niya sa leeg pati ang saksak sa kanyang dibdib. She drank a huge amount of Leight's blood until she fully recovered.

Bumangon si Rica mula sa pagkakahiga niya nang wala na siyang maramdamang sakit. Tila ba kakagising lang niya at wala siyang iniindang kahit ano. Nakita niya agad ang kambal na nagbubugbugan, lahat ng nasa daan ng mga ito ay sinisira ng dalawa.

Hindi niya alam kung sino sa dalawa ang kanyang asawa dahil magkamukhang-magkamukha ang dalawa. Nahindik siya nang makitang duguan ang mukha ng isa. Ngunit mas nahindik siya nang makita si Vernice na nakahandusay sa gilid, bumabaha ang leeg nito sa dugo at tila ba nag-aagaw buhay na ito.

Tinakbo niya ang direksyon nito. Naisip niyang ito ang nagtangkang pumatay sa kanya, pero wala siyang galit na nararamdaman para rito. Bagkus ay awa pa nga ang naramdaman niya nang makita itong naghihirap. "Vernice, Vernice!" Ikinalong niya ang ulo ng babae saka inalis ang mga buhok na nakaharang sa mukha nito.

Putlang-putlang ang mukha nito, tila ba wala na itong buhay. "Dmitri..." dinig niyang usal nito. "Dmitri, nasaan si Dmitri?" Kinagat ni Rica ang sariling pulso para paduguin iyon at ipainom kay Vernice. Ngunit sa halip na tanggapin iyon ay inihilig ni Vernice ang kanyang ulo at tinanggihan iyon. "Dmitri..." mahinang usal nito sa pangalan ng kasintahan.

Napakahina ng boses nito na halos hindi na niya marinig. Si Dominic, kailangan nito si Dominic. "Dominic!" sigaw na tawag niya rito. Tumawag siya sa kambal ngunit ni isa sa mga ito ay walang pumansin sa kanya. Patuloy lang ang kambal sa pagpapatayan. "Dominic!" Paulit-ulit siyang tumawag hanggang halos mawalan na siya ng boses.

Married to a Stranger [R-18] [Completed] [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon