26 Face Swap

25.4K 670 49
                                    

26

Face Swap

ISANG BUWAN NA ang lumipas mula nang bumukod kami ni Casper ng bahay. Everything was going so well, except for the fact na ang matandang katulong lang namin ang kasama ko rito mula alas nueve ng umaga hanggang alas tres ng hapon.

Casper is very sweet to me. Every morning, he'll cook the breakfast for me. Dapat ako ang gumagawa n'on pero mas maaga itong nagigising kaysa sa akin kaya siya na ang nagluluto. Nandoon naman ang kasambahay namin, pero mas gusto pa rin ni Casper na siya na lang ang nagluluto kaya paglilinis na lang ng bahay ang inaatupag Gina.

Hindi magaling magluto si Casper. Pero sinusubukan niya talaga, he's giving his best which I find very cute. Sabado ngayon kaya nagpapahinga siya mula sa pag-aayos ng mga bagay-bagay sa lupaing pinamumunuan niya.

I laid beside him, my head on top of his chest. Ramdam ko ang pagtaas at pagbaba ng dibdib nito, dinig na dinig ko rin ang banayad na pagtibok ng puso nito. Marahang gumalaw ang kamay nito para hapitin ang baywang ko.

His hand moved its way inside my shirt. Hinaplos ng palad nito ang tagiliran ko sa magaang paraan. Napakasarap sa pakiramdam n'on, it was giving me that unfamiliar tingling sensation.

I smiled on his chest. Then his fingers moved to tickle my side harshly. Napasinghap ako dahil doon. Mabilis akong napabangon saka ko ito natatawang hinampas sa dibdib. Impit na napatawa naman ito. "Napakabuwisit mo," anas ko sa pagitan ng pagtawa.

Hinila ako nito pabalik sa dibdib niya. He cupped my face and lifted my chin. Hinapit ako nito mas papalapit sa kaniya, then he started kissing me. "Your lips are the sweetest, my love."

I felt my cheek heating. "So is yours," I answered shyly.

Casper pressed his lips on mine once again. He started to give me that sweet deep kiss, his mouth was moving against mine passionately. Papunta na dapat kami sa second level nang biglang may kumatok sa pinto.

Napahiwalay ako kay Casper, iritadong napabuntung-hininga naman ito. He grabbed his shirt on the side table, then dressed himself. Matapos ay tumayo na ito para pagbuksan ng pinto ang kumakatok.

"You interrupted us," he said to Gina.

Nagkibit balikat lang ang matanda. "Nasa baba ang kapatid mo kasama ang asawa niya. Papaalisin ko ba at sasabihin na sa susunod na lang sila bumalik dahil ayaw niyong magpaabala?"

"Yes."

Napabangon ako. "Hindi, 'wag mong paalisin." Nakakunot ang noong binalingan ako ni Casper. Hinintay kong magsalita ito pero napatango na lang ito. Sama-sama kaming bumaba para harapin si Dominic. Naka-upo ito sa sala, at hindi ito nag-iisa, kasama niya si Vernice.

Nilapitan ni Casper ang kaniyang kapatid. "Kamusta, bakit napadalaw 'ata kayo?"

"Ang sabi kasi sa akin ni Vernice, gusto niyang bumisita sa inyo kaya naparito kami," sagot ni Dominic. Wow, akala ko ba hindi kami close. "Pasensiya na kung bumisita kami ng walang pasabi, si Vernice kasi. Bigla na lang nangungulit."

"And why is that?"

"Bigla ko kayong namiss," wika ni Vernice.

Napatingin kami sa isa't isa ni Casper. "Close kayo?" sabay pa naming tanong sa isip ng isa't isa. Sabay din kaming napailing.

Dahil nakapaghanda na ng pagkain si Gina, sabay-sabay na kaming kumain. Habang kumakain kami ay panay ng lingon si Vernice sa akin. Hindi ko alam kung ano ang problema niya. May dumi ba ako sa mukha, may muta? Hindi pa naman ako nakapanalamin bago ako lumabas ng kuwarto. Sina Casper at Dominic naman ay patuloy lang sa pag-uusap tungkol sa kanilang trabaho.

Married to a Stranger [R-18] [Completed] [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon