3
Tinig
Nagising ako sa loob ng isang napakadilim na kuwarto. Nasaan ako? Tumayo ako sa kamang kinahihigaan ko. Dahil madilim at hindi ko makita ang paligid ko, nabunggo ako. Hindi sa isang bagay kundi sa isang tao. Napatili ako dahil sa pagkagulat.
"Huminahon ka," sabi ng iang pamilyar na tinig. Mayamaya ay nagkaroon ng kaunting liwanag. Galing iyon sa isang maliit na kandila sa gilid
Nagkaroon ng kaunting liwanag kaya namukhaan ko ang taong nagsasalita, si Casper.
"T-teka nas'an ako? Saka bakit marunong ka nang mag-Tagalog?"
"Huwag kang mangamba, mahal ko. Wala akong masamang gagawing masama sa iyo." Binuhat niya ako at dinala pabalik sa kama.
T-Teka, si Casper ba talaga 'to? Bakit marunong siyang mag-Tagalog?
"Ilang araw na rin ang lumipas mula nang pag-iisang dibdib natin ngunit hindi pa rin tayo nakakapagsiping," patuloy niya.
"Ha?! Siping-siping ka d'yan. Ikaw 'yong lalaki sa impyerno, 'no? 'Yong lalaki sa simbahan!" sabi ko nang ma-realize ko na kung sino siya.
"Hindi ka nagkakamali, mahal ko. Ako nga iyon. Nguni tang pagkakatanda ko ay sa sementeryo sa likod ng simbahan kita nasilayan, hindi sa impyerno." Tinabihan niya ako sa kama. Lumayo ako nang kaunti pero hinapit niya ako papalapit.
"Sino ka ba?"
"Sa tingin ko ay alam mon a ang ngalan ko, aking mahal." Iniyakap niya ang mga kamay niya sa akin. Pagkatapos niyang magsalita.
Kung hindi siya si Casper, sino siya? Kumalas ako sa yakap niya. "'Wag mo nga akong tawaging 'mahal ko!'"
Nabigla siya sa ginawa kong pagkalas sa yakap niya. "Ipagpaumanhin mo, mahal ko, hindi ko sinasadyang biglain ka. Gusto ko lang namang yakapin ka bilang aking asawa."
"Ano, asawa mo?" naguguluhang tanong ko. "Ako baa ng tinutukoy mo?"
"Oo, ikaw nga mahal ko. Ilang taon din ang hinintay ko para tayo'y muling magkita. At ngayong nagkita na tayong muli, hindi na ako makakapayag na mawala ka sa akin."
Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. "Okay ka lang ba, kuya? Naka-drugs ka ba o lasheng ka?"
Nginitian niya ako, at napamangha ako roon. "Maaari ba kitang halikan, mahal ko? Gusto kong muling matikman ang iyong matatamis na labi."
Naalala ko ang paghalik na ginawa niya sa akin noong nasa simbahan pa lamang kami. Panaginip lang iyon at wala na rin akong masyadong naaalala tungkol doon pero sigurado akng nahalikan na nga niya ako. Kinilabutan ako s ideyang maglalapat ang mga labi naming. Bumaba ako sa kamat at tumakbo palabras ng pinto. Pero mabilis ang estranghero at bago pa man ako makalayo ay binuhat na niya ako pabalik sa kama. Sumiga ako para manghingi ng tulong.
"Tigilan mo 'yan mahal ko. Walang pupunta rito para tulungan ka. Huwag kang mag-alala, walang mangyayari sa iyo basta nasa tabi mo ako."
Sa halip na maramdaman kong ligtas ako ay mas lalo pa akong natakot. Ano baa ng gagawin sa akin ng lalaking ito? Gagahasain ba niya ako, tapos papatayin ako pagkatapos niya akong rape-in?
"Huminahon ka, mahal ko," sabi niya sa masuyong tinig. "Hindi kita gagahasain o papatayin."
Nababasa ba niya ang isip ko? "Eh a-ano baa ng g-gagawin mo sa akin?" tanong ko sa nanginginig na boses.
BINABASA MO ANG
Married to a Stranger [R-18] [Completed] [Published]
General FictionHIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place. Natagpuan niya ang sarili sa isang lumang simbahan at sapilitang ipinakasal sa lalaking hindi niya...