CHAPTER 6

4K 117 2
                                    

Candace's POV


"Saan ka pupunta?" tanong ko kay Analie dahil mukha itong nagmamadali kahit pa wala naman na kaming klase.

Napatigil si Analie sa pagtayo at tumingin sa akin. "Uuwi na?" patanong niyang sagot na parang hindi pa sigurado.

Binigyan ko siya ng pilit na ngiti saka ako napailing. "Bakit parang nagmamadali ka?" Tanong ko at tinignan ko ang oras sa suot kong wristwatch. "Nangako ka na pupunta ka sa bahay at doon ka kakain ng dinner. My parents are still on their vacation at hindi ko alam kung kailan sila uuwi. Let's go to my house?"

Ngumiti si Analie saka umiling. "My dinner rin kasi kami ngayon ni Kian. Actually, someone wanted to apologize to you and he's asking you have a friendship date with him."

Kumunot ang nuo ko. "Friendship date? Maliban sa 'yo wala na akong ibang kaibigan. Sino ba 'yan?"

"Alpha... I mean, si Kuya Dale. He is my cousin. He wanted to apologize for what he had done."

Natawa ako. "Apologize? Analie, naririnig mo ba ang sinasabi mo? He kidnapped me. Mabuti na lang at wala siyang ginawang masama sa akin dahil baka hindi siya papatawarin ng magulang ko. But anyway, I don't care kung pinsan mo siya. Basta ayaw ko sa kaniya. Malay ko ba baka may gawin pa siyang hindi maganda sa akin. I'm just being vigilant." Kapagkuwan parang may tumusok sa puso ko nang banggitin ko ang salitang "ayaw ko sa kaniya."

Analie sighed and hold my hand. "Ace, I know masama ang loob mo dahil sa nangyari. I'm actually at fault because of this. Kian and I had a fight, and I went to that bar to get drunk. I accidentally called you. But Kuya Dale and Kian arrived early than you. Kian took me home and Kuya Dale stayed there in case you come." She explained.

Habang nagsasalita si Analie, nakatitig na lang ako sa palad niya. Sa kaliwang palad niya, nakita ko ang tattoo na kapareho sa akin. That red wolf mark or tattoo. Well, they are the same kaya kahit ano na ang itawag ko.

"Ace, nakikinig ka ba?" Analie suddenly touched my forehead so I looked at her.

"What?" I asked her.

Kumunot ang nuo ni Analie. "Kanina pa ako nagsasalita rito. Nakikinig ka ba?"

"Ahmm, why do you have this?" I asked Analie as I showed to her my left palm.

Analie stilled and her eyes widen. She looked at me. I could see the joy in her eyes but she didn't say anything. "You accepted him..."

"Uh? Accepted who?" tanong ko.

Parang natauhan si Analie, tumikhim siya at tumingin sa akin. She smiled and held my hand. "Alam mo, huwag mo ng pansinin 'to. Though I already have an answer but I won't tell you. Malalaman mo rin pagdating ng tamang oras."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Huhulaan ko?"

"Kung kaya mo, why not?"

Inumang ko ang kamao ko sa kaniya pero natatawa lang siyang lumayo sa akin. "Biro lang ito naman. Pero seryoso ako, huwag mo ng pansinin 'yon. Malalaman mo rin sa tamang oras kung ano talaga ang ibig sabihin niyan."

Kumunot ang nuo ko. "Teka lang, hindi ko naiinintindihan ang sinasabi mo."

Ngumiti si Analie. "Hindi mo kailangang intindihin ang sinabi ko. All I wanted to say is," lumawak ang ngiti ni Analie, "umuwi na tayo."

I rolled my eyes. "Alam mo kung hindi lang kita best friend baka ginawa na kitang..." napabuntong hininga ako. "Forget it." Sabi ko na lang at kinuha ang bag ko. "Tara na, umuwi na tayo."

Tumango si Analie. "Let's go."

Sabay kaming lumabas ng room at habang naglalakad kami sa may hallway, may bigla na lang humarang sa harapan namin.

Alpha Dale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon