Candace's POV
"SO, DAD, matagal pa bago kayo makakauwi ni Papa?" Tanong ko. Kausap ko siya ngayon sa phone.
I called them to ask kung kailan sila makakauwi. Palagi na kasi si Dale sa bahay, eh, at doon kumakain. Kinakabahan ako na baka bigla na lang silang umuwi at madatnan nila si Dale sa bahay. Though wala naman kaming ginagawa ni Dale na masama at kababalaghan pero iba pa rin ang isip ng mga magulang.
"I'm sorry, 'nak, pero may ginagawa kami ng papa mo na importante, eh."
I pouted. "Daddy, nagbakasyon ba talaga kayo o pinuntahan kayo?" I asked.
Tumikhim si Daddy. "Well, I..."
"Ako na nga ang makipag-usap sa anak natin." Narinig kong sabi ni Papa. "Hi, Candace."
"Papa, I miss you po."
"I miss you too, anak. Well, katulad ng sabi ng Daddy mo hindi muna kami makakauwi diyan kaya pasensiya ka na, anak. Hindi lang kasi namin pwedeng ipagpaliban ang ginagawa namin dito na importante."
I sighed. "Okay po, Papa. Basta sabihan niyo po ako kung kailan kayo uuwi." Then I joked, "Pa, ang haba ng bakasyon niyo, ah. Hinihintay na kayo ng mga estudyante mo."
Papa chukled. "Hayaan mo silang maghintay. Sila ang dahilan kung bakit ako nai-stress."
Natawa na rin ako.
When we ended the call, I blew a loud breath.
"Anyare sa 'yo?" tanong ni Analie na kakalapit lang sa akin. Katatapos lang nilang dalawa ni Bryan na magbanyagan. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa dalawang 'to.
Lagi na lang silang nagbabanyagan. Minsan tinatakpan ko na lang ang tainga ko para hindi ko sila marinig.
Though sinasagot ni Bryan si Analie at ganun din si Analie pero never ko silang narinig na nagsabi ng mga masasakit na salita sa isa't-isa. Para lang silang magkapatid kung magbanyagan. Nag-aaway sa maliliit na bagay.
"Tapos na kayong magbanyagan?" tanong ko kay Analie.
Analie just shrugged.
Tumingin naman ako kay Bryan. Masama ang tingin nito kay Analie kaya alam kong inasar na naman ito ni Analie.
I was about to say something when it was interrupted by one of my classmates. We were waiting for our next Professor to come and give lectures.
"Guys, wala si Prof." Imporma nito.
"Yes!" Sigaw ng mga kaklase ko.
Of course, my classmates were very happy dahil wala ang next Prof namin. It's means vacant namin ngayon. Dalawang oras na vacant. Mabuti naman.
Ilan sa mga classmates ko ang lumabas habang ang ilan kasama kami ay nandito pa rin sa room. Ayaw ko pang lumabas.
Napatingin ako sa cellphone ko nang may nag-popped out na chat head. Ngumiti na lang ako at napailing saka binuksan ang chat ni Dale. These past few days, I noticed that we've chatting a lot recently. But whatever, I was happy to reply to his messages.
"Si Kuya Dale ba 'yan?" biglang tanong ni Analie at sinilip ang cellphone ko pero inilayo ko ito sa kaniya.
Analie shook her head. "Halata kasi sa ngiti mo, eh. Sige, chat ka lang diyan."
Nginitian ko lang si Analie saka ko tinignan ang chat ni Dale.
Dale: Busy?
No. We have vacant for two hours. I replied to him.
Dale: That's nice. We can chat for long time.
Kumunot ang nuo ko. Wala ka bang gagawin?
BINABASA MO ANG
Alpha Dale (COMPLETED)
Werewolf#2. SECOND RANK ALPHA DALE HERMOSO Candace Romano is a typical college student - a graduating student. One time, she was force to fetch her friend at the Bar. Unexpectedly, she met a man named, Dale Hermoso. The next day, Candace woke up in Dale's b...
