Candace's POV
Nang matapatan kami sa ilaw, nakita ko ang taong humila sa akin. Bahagya akong nagulat nang makita ko ang mukha niya. Namumukhaan ko siya. Siya kanina ang lalaking nakaitim na nagbabasa sa library. Hinila niya ako hanggang sa makalabas kami ng University at makarating kami sa hintayan ng sasakyan. Maliwanag ang kinaroroonan namin kaya kitang-kita ko ang hitsura niya.
"Sino ka?" tanong ko.
Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa akin. "You're safe now, Luna."
Nagulat ako. "Luna? Kuya, hindi Luna ang pangalan ko. Candace ang pangalan ko. By the way, thank you pala sa pagligtas mo sa akin."
Yumuko sa akin ang lalaki na siyang ikinagulat ko. "Luna, you're safe now. I should leave. Nice to meet you, Luna. I'm looking forward to meet you again."
"Hindi Luna ang..." Bigla na lang tumalikod ang lalaki at umalis.
Napabuntong hininga na lang ako saka ko siya sinundan ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko. "Weird." Nasabi ko na lang. Nakakapagtaka lang talaga. He addressed me as 'Luna'. Pinagkamalan niya kaya akong ibang tao?
Napailing ako saka pinara ang paparating na taxi. Nang tumigil ang kotse sa harapan ko, binuksan ko ang pinto ng backseat at sumakay. Agad kong sinabi ang address ng bahay ko.
Nang makauwi ako, eksaktong tumatawag si Papa.
"Pa!" Excited kong sinagot ang tawag ni Papa.
I heard chuckled from the other line. "Anak, hindi ka naman excited 'no."
Natawa ako ng mahina. "Pa, kailan kayo uuwi ni daddy?" tanong ko.
"We're still enjoying our vacation." I heard my dad from the other line.
I rolled my eyes. "Dad, ang sabihin mo. Ayaw mo pang umuwi dahil gusto mo pang solohin si Papa." I said in wry voice.
"Candace Romano, I don't like that tone of yours." Seryosong sabi ni Papa.
I pouted. "Sorry po." Umupo ako sa sofa. "Pero kailan po kayo uuwi? Miss ko na po kayo. I'm alone. It's lonely here, Pa."
My papa just chuckled. "Kaya mo 'yan, 'nak."
"Dad, uwi na kayo." Sabi ko.
"Sorry, my princess. But we're still enjoying our vacation. Kaya mo ng mag-isa diyan, malaki ka na." Sabi ni daddy at narinig ko pa silang nagtawanan.
Napailing na lang ako. "Okay po. Enjoy your vacation."
Sandali pa kaming nag-usap ng mga magulang ko bago kami nagpaalam sa isa't-isa. Hindi ko na sinabi sa kanila ang tungkol sa nangyari kanina dahil alam kong mag-aalala lang sila at baka mapauwi pa sila ng wala sa oras. Gusto kong ma-enjoy ng mga magulang ko ang bakasyon nila.
Tumayo ako at umakyat ako sa hagdan. Pumasok ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Habang nagpapalit ako napatigil ako nang maramdaman kong parang may nakatingin na naman sa akin. Ibinaba ko ang laylayan ng damit ko at lumapit sa may bintana. Hinawi ko ang kurtina at tumingin sa labas. Madilim sa labas dahil hindi ko pa binubuksan ang ilaw doon kaya wala akong ibang makita kundi dilim.
Binitawan ko ang hawak kong kurtina saka lumabas ng kwarto. Pumunta ako sa kusina at nagluto ng hapunan ko. While I was cooking, I really felt that someone is looking at me. Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy ako sa ginagawa ko.
Hanggang sa matapos akong kumain at pumunta sa ako sa kwarto ko, talagang ramdam na ramdam kong may matang nakatingin sa akin.
Pinatay ko ang ilaw sa kwarto ko at tumingin ako sa labas. Maliwanag sa labas dahil binuksan ko na ang ilaw sa labas ng bahay. Kumunot ang nuo ko habang nakatingin ako sa labas. Nakita kong gumalaw ang makapal na halamanan pero wala akong makita kung ano ang mayroon doon.
BINABASA MO ANG
Alpha Dale (COMPLETED)
Werewolf#2. SECOND RANK ALPHA DALE HERMOSO Candace Romano is a typical college student - a graduating student. One time, she was force to fetch her friend at the Bar. Unexpectedly, she met a man named, Dale Hermoso. The next day, Candace woke up in Dale's b...
