CHAPTER 8

4.9K 121 4
                                        

Candace's POV


I see myself in an unfamiliar place. Hindi ko alam kung nasaan ako pero isa lang ang masasabi ko sa lugar kung nasaan ako ngayon...ang ganda. Ngayong lang ako nakarating sa lugar na 'to. Maaliwalas ang kalangitan, kulay berde ang paligid, may mga halaman at bulaklak ang nakatanim sa lugar, at may mga paru-paro ang lumilipad sa mga ibabaw ng bawat bulaklak upang sipsipin ang nectar nito.

Naramdaman kong may kasama ako sa lugar na 'yon. Pasimple akong tumingin sa paligid pero wala akong makitang tao. Nagtaka ako. Talagang nararamdaman kong may kasama ako.

Napasinghap ako nang makita kong gumalaw ang makapal na halamanan sa malapit ko. Tumayo ako at lakas loob na nilapitan ang makapal na halamanan. Tinangka kong hawiin ang makapal na halaman pero bago ko pa ito magawa may bigla na lang tumalon na kung ano mula roon.

Malakas akong napasinghap saka nanlalaki ang aking matang tinignan ang kung anong tumalon mula sa makapal na halamanan.

I stilled. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. "Anong..."

Nakaharap ko ang isang malaking aso. Napailing ako. This is not a dog. This is a wolf. Mula sa hitsura nito, mukha itong isang lobo. A big brown wolf.

"Beautiful..."

NAGMULAT ako ng mata at sandaling napatitig sa kisame. I touched my chest where my heart was located. Why do I feel happy when I see him? A wolf?

Natawa ako sa sarili ko sa napailing. What the hell am I thinking?

Napabuntong hininga ako saka tinignan ang orasan. It's already five in the morning. It's time to get up.

Bumangon ako ako pero sandali akong natigilan. Pumasok sa isipan ko ang napanaginipan ko. "A brown wolf. Why do I feel that he's familiar to me?"

Tumayo ako at dumeretso sa banyo. Naghilamos ako saka rin lang ako agad lumabas. I was about to fix my bed but I stopped when I notice something on my bed.

I picked the brown strands of hair. The strands of hair are not from a woman. It's a hair from an animal who had a brown fur. Paano 'to napunta sa kwarto ko?

Napabuga ako ng hangin at hindi na masyadong pinansin ang nakita ko? I fixed my bed and headed to the kitchen. I cooked for my breakfast, and eat. After eating, washing the dishes and tidying everything at the kitchen, I went back to my room and took a bath.

Nang maayos ko ang sarili ko, agad akong lumabas ng kwarto.

Before I left, I'd made sure that everything was locked. Ini-lock ko rin ang gate saka ako nagpara ng sasakyan at nagpahatid sa university. Nang makarating ako sa school, eksakto namang nakita ko si Analie na bumaba mula sa kotse ng boyfriend nito.

Dale told her that Analie was his sister-in-law, looking at Analie's boyfriend, mukhang malayo na maging magkapatid ang dalawa. Hindi nga sila magkamukha, eh. Pwedeng hindi maging magkahawig ang magkapatid pero mayroon pa rin silang pagkakamukhaan, kunwari sa mata, sa ilong, bibig o anu pa mang parte ng mukha. Pero kahit ilang beses niya pa lang nakita ang boyfriend ni Analie at si Dale, masasabi niyang hindi magkamukha ang dalawa kaya hindi sila magkapatid.

Napabuntong hininga na lang ako. They're both lying. Napailing ako. Hindi ko alam kung sino papaniwalaan ko sa kanilang dalawa.

Forget it. If they wanted to lie then it's their choice, not mine.

"Ace!"

Napakurap ako at napatingin kay Analie. Tumatakbo ito papunta sa akin. Malawak ang ngiti niya. "How's your date with Kuya Dale?" tanong niya kaagad ng makalapit siya sa akin.

Alpha Dale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon