Candace's POV
Nagmamadali ako ng lakad papunta sa classroom ko nang biglang may humarang sa akin sa hallway. Napabuntong hininga na lang ako nang makita ko kung sino ang humarang sa akin.
"Anong kailangan mo?" tanong ko kay Eathan na siyang humarang sa akin kasama ang mga kaibigan niya.
"Candace, babawian lang kita dahil sa pagpapahiya mo sa akin noong nakaraang linggo." Nakangising sabi ni Eathan.
Napabuga ako ng hangin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit hindi ba kayang i-take ng ego mo ang mga sinabi ko sa 'yo?" I said with sarcasm and grimaced.
Ngumiti si Eathan. "You know what Candace, ikaw pa lang ang babaeng tumanggi sa akin. Hindi ko naman matatanggap 'yon ng ganun-ganun na lang. So, gagawin ko ang lahat para makuha ka."
I laughed dryly. "That was impossible to happen, Eathan. Ugali mo pa lang, naiinis na ako. Kaya pwede ba lubayan mo ako."
"Pare, mukhang ayaw talaga sa 'yo ni Miss Candace. Hayaan mo na kasi." Sabi ng isang barkada ni Eathan.
"Just eat your pride, bro."
"Shut up!" Inis na sabi ng mga ito.
Nagtawanan ang mga barkada ni Eathan.
"She's just a weak woman." Eathan said.
I rolled my eyes. Lalagpasan ko na sana sila pero humarang si Eathan sa daraanan ko.
"Since you refused me then prepare to live miserably in this University." Nakangising sabi ni Eathan.
Tumaas ang sulok ng labi ko. Sasagot na sana ako pero may nagsalita sa likuran ko at tinawag ang pangalan ni Eathan.
"Eathan."
Lumingon ako at bahagya akong nagulat nang makita ko ang lalaking nagligtas sa akin noong nakaraang gabi. Kumunot ang nuo ko nang makita kong nakasuot siya ng uniporme. Napansin kong napapatingin sa kaniya ang mga kapwa ko estudyante lalo na ang mga babae. Sino bang hindi mapapatingin? He's one of the handsome men I saw. Mas gwapo pa siya kay Eathan.
But Dale is more handsome than this man behind me?
Kumunot ang nuo ko, bakit pumasok sa isipan ko bigla si Dale?
"Gamma Bryan." Eathan said.
Oh, so Bryan pala ang name niya. Nice.
"What are you doing?" the man named Bryan asked Eathan and his group.
Napansin kong parang biglang kinabahan si Eathan kasama na ang grupo nito. Samantalang kanina ang aangas nila. Parang ang presensiya ng bagong dating na lalaki ang nagpaurong sa mga kaangasan nila.
"Wala, Gamma, we're just talking to Miss Candace." Sabi ni Eathan at bahagyang yumukod.
Kumunot ang nuo ko. Nagtataka ako sa kinikilos ng grupo ni Eathan. Parang nakakita ang mga ito ng multo. Eh, parang kilala naman yata nila ang bagong dating.
"Eathan, you know our rules. No bullying of humans. I can let this pass but next time, I won't be merciful. I will tell this to Alpha and let's see how he will punish you. And an advice from me, before you harm someone, kilalanin niyo muna sila." Seryosong sabi ni Bryan.
"Yes, Gamma. We'll take our leave first." Paalam ni Eathan.
Parang napaso ang mga ito at nagmamadaling umalis.
I heard Bryan sighed as he shook his head so I looked at him.
"Luna." He bowed to me.
Hindi ko alam kung paano ako tutugon. "My name is Candace, not Luna." Sabi ko naman. "And please, don't bow to me. Bryan, right?"
BINABASA MO ANG
Alpha Dale (COMPLETED)
Werewolf#2. SECOND RANK ALPHA DALE HERMOSO Candace Romano is a typical college student - a graduating student. One time, she was force to fetch her friend at the Bar. Unexpectedly, she met a man named, Dale Hermoso. The next day, Candace woke up in Dale's b...
