2

39 0 0
                                    

Athena Aphrodite Bastio

"Saan ka na naman nagpupuntang babae ka ha? Bakit late ka na naman umuwi?" Pagkarating na pagkarating sa bahay ay agad siyang nabulyawan ng ina na si Mari. Napansin din niyang medyo natawa pa si Gwennete.

"Sorry ma, natraffic po kasi ako." Sabi niya.

Malayo kasi ang bahay nila sa Gnosis U at di naman nila afford kumuha ng dorm malapit sa univ.

"Magdadahilan ka pa. Magluto ka na doon at gutom na ako." Sigaw ni Mari.

Di na siya nagpalit at dali daling nagpunta sa kusina para makapagluto. Medyo napangiwi pa siya ng makita na paubos na ang supply sa ref. Kailangan na niyang mamalengke ang maggrocery. 

"Mag bar ako." Narinig niyang sabi ni Gwenette at lumabas ng bahay suot ang isang napaka sexy na damit. Di naman kasi maikakaila na sobrang ganda rin  ni Gwenette.

"Bilisan mo diyan! Wag kang tutulala. Maglinis ka ng bahay aba!" Rinig niyang sigaw ulit ni Mari.

Unlike Gwenette, never siyang pinayagan lumabas labas ng ina.  Pati nga ang pagpunta sa bahay ng kaklase para gumawa ng mga project ay di rin pwede. Ang tanging kaibigan naman niya na nakakasamma niya noon ay lumipat na sa France kaya wala siyang kaibigan ngayon lalo na ang mababa ang tingin sa kanya sa univ.

Prestigious school means high class people. Ang mga studyante sa Gnosis ay mga anak mayayaman kaya walang gustong makipagkaibigan sa tulad niyang middle class lang. 


Kinabukasan ay maaga siyang pumunta sa school kahit na hapon pa naman ang klase niya. Tumambay siya muna sa library dahil hindi siya nakapag aral sa bahay kahapon. Pinaglaba kasi siya ng sandamakmak ng ina at madaling araw na siya natapos.

"Gosh, antok na antok na ako." Bulong niya sa sarili. 

Nag-uunat siya ng katawan nang maramdaman na may lalaking tumabi sa kanya, si Ares.

"You look so tired, nakakapagod ba mga klase mo?" He said.

"No, wala lang halos tulog." 

"Sleep then, anong oras ba klase mo?"

"2:00" Sagot ni Athena.

"You still have 1 hour to sleep gigisingin nalang kita 20 mins bago klase mo." Sabi ni Ares.

Di naman ng nahiya si Athena na matulog sa library. Katabi lang niya si Ares na busy magbasa ng kung ano.  True to his word, Ares woke her up 20 mins before her class. 

"You're a life saver." Nakangiting sabi niya kay Ares na busy pa rin magbasa ng libro.

"Wala ka pang klase?" She asked at umiling lang ang lalaki.

HInatid pa siya nito sa building nila bago siyang tuluyang nagpaalam.

Paalis na sana si Ares campus nang makita niya ang kakambal na prenteng nakasandal sa kotse nito katabi ng kanya.

"Damn the great Ares skipped class just to watch a girl sleep. Do you like that beauty?" Hades smirked.

"She's a friend, Besides, mas matalino pa nga ako dun sa prof namin sa subject na yun, nonsense pag pasok doon." Sabi ni Ares at sumakay sa rolls royce nito.

"Mom will be so happy if she heard about this." Sabi ni Hades nasumakay na rin sa sarili nitong sasakyan. 


Ares Zyro Raixer


"Hi Mom." Bati ng kambal sa ina nitong nagbabasa sa may garden nila.

"Oh my boys are here" Hinalikan naman sila ng ina nilang si Wynes.

"Mom, you wouldn't believe what just happened earlier." Agad na dada ni Hades sa ina.

"Shut up Hades." Inis na sabi ni Ares.

"What" Tanong ni Wynes.

"You know, my dear twin, umabsent ng klase just to watch a girl sleep in the library." Ngising sabi ni Hades.

"Talaga?" Nanlalaking matang tanong ni Wynes. "I wanna meet that girl. Is she very pretty para makuha ang atensyon mo, Ares?" Tanong ng ina.

"Oh mom, she is very pretty. Nagbago nga ang isip ni Ares sa diet plan niya dahil mababawasan daw cuteness niya according to that girl eh." Pang asar na sabi ni Hades.

"Oh, I want to meet that lady that saw the charm in you Ares. Anyway, baka naman nilalapitan ka na naman for you know, because you're a Raixer?" Sabi ni Wynes.

Raixer, that surname is very powerful and very rare. Pag sinabing Raixer, unang papasok sa isip ng mga tao ang Raixer Corporation. Ito ay kilalang kumpanya sa Asia at Europe. Marami silang malls, restaurants, hotels, at resorts sa ibat ibang panig ng mundo. They are one of the richest and most powerful, kaya naman di maiiwasan namaraming babae ang humahabol sa dalawa dahil sa yaman nila. 

The twins are both good looking, mga greek god ika nga kaya from greek gods din ang pangalan nilang dalawa. The only thing is that Ares is more on a chubby side unlike Hades na inaalagaan talaga ang katawan nito kaya mas maraming mga babaeng nagkakandarapa dito.

"No worries mom, ni di nga niya alam na Raixer ako." Sabi ni Ares.

"She just became more wonderful in my eyes then." Ngiting sabi ni Wynes.

"She is wonderful mom." Sabi naman ni Ares. 

"Inlababo na ang kambal ko. I'm so proud." Maarteng drama ni Hades.

"Gago." Bulyaw naman ni Ares at binatukan ang kakambal. 

Hate U, Love UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon