Athena Aphrodite
Kakain na dapat ang lahat nang bigla akong hilahin ni Ares. Mula sa pagkakatanda ko, papunta itong rooftop at di ako nagkakamali. Tulad ng last year ay may nakahanda ulit sa rooftop na exclusive for us. I remember, 1 year ago, sinagot ko siya. 1 year ako masaya kami. Masaya pa rin naman kami, pero sa gagawin ko, di ko na alam.
"Happy anniversary Athena." Sabi ni Ares at hinalikan ako.
Just this day, palipasin natin ang araw na to. Sulitin natin ang araw na to
"Happy anniversary at happy birthday Ares." Sabi ko at yinakap siya.
"Gosh, you don't know how I miss you. Nilalayuan mo ko these past few days." sabi niya na kinayuko ko. "It's fine. Masaya akong andito ka ngayon." Sabi niya habang inaangat ang ulo ko para humarap sa kanya.
"I love you Ares. Mahal na mahal." sabi ko at hinalikan siya.
Naramdaman kong gumanti ng halik si Ares na punong puno ng pagmamahal. Tumigil lang kami nang kapusin na ako ng hininga na ikinatawa niya.
"Let's eat first. Mamaya kita kakainin." Tawa niya na ikinapula ko.
"H-hoy! Mangarap ka no." sabi niya.
I treasured each second we are together as we reminisce to the past. In this candle light dinner we talked, we laughed, and we show how much we love each other.
Habang pinupunasan ko ang labi ko after kumain ng dessert ay tumayo siya at nilahad ang kamay sakin.
"Can I have this dance my goddess?" Masayang sabi niya na agad ko namang tingaggap.
We danced to the mellow music with his arms around my waist and mine around his neck.
"Athena Aphrodite." Rinig kong sabi niya. "Last year, well, last year and 1 day ago kasi 12mn na." Natatawang sabi niya. "In this place, I received your sweet yes. You became my girlfriend. Apaka swerte ko sayo kasi minahal mo ako ng totoo." Naiiyak ako sa sinasabi niya. "In this place, a year and a day later. Can I have a sweeter yes from you?" Sabi niya na ikinakunot ng noo na naging gulat.
He let go of me and kneel down in front of me with a small box in his hand containing a ring that compliments our promise ring.
"This to fulfill the promise I made 6 months ago. 6 months later, gagradute ka na, remember my promise? Papakasalan kita. Now here I am asking, Athena Aphrodite Bastio, will you marry me?" Sabi niya.
I cried, he really is the sweetest man I ever love. He never failed to show me how much he loves me. Sasagot na sana ako ng umilaw ang phone ko signalling I received a text.
Time's up Athena Text ni mama na nagpabalik sakin sa realidad. I look at Ares waiting for my answer. I cried.
"I'm sorry." Walang pigil na tulo ng luha ko. I saw how hurt he is and slowly stood up. "I'm sorry Ares. I'm sorry." Iyak ko.
"Hey, hush now. Sorry, nabibilisan ka pa? You don't need to say immediately." sabi niya.
"You don't understand." It's now or never Athena. "I- I used you. I used you Ares." Sabi ko. Parang sinaksak na naman ng libo libong patalim ang puso ko nang makita ang sakit sa mukha ni Ares.
"W-what do you mean? Athena. What do you mean?" Tanong niya, pinipigilang maiyak.
"A-akala mo ba mahal talaga k-kita? Wake up Ares. You're not my type. You're so fat, obese. Di tayo bagay! Pinakisamahan lang kita para sa apilyido mo. Di ko na kayang magpanggap. D-di kita mahal. G-ginamit lang kita. Pinaglaruan lang kita." Pinigilan kong mautal pero di ko kaya, nasasaktan ako. Sobrang nasasaktan ako.
"Athena, tell me it is a joke. Please. Di na kita mamadaliin, kahit next decade pa tayo magpakasal. Please take it back. Mahal mo ko. Alam kong mahal mo ko." Nagmamakaawang sabi niya.
Oo Ares. Mahal kita. Mahal na mahal kita.
"It's the truth Ares. I don't love a fattie like you. Pasalaman kang Raixer ka." Sabi ko sa kanya. "Good bye Ares." Sabi ko at nagmamadaling iniwan siyang tulala.
I'm sorry. I'm sorry Ares. Mahal na mahal kita.
Umiiyak akong lumabas ng hotel. Nakasalubong ko pa si Hades at Cassidy na hinahanap si Ares pero di ko sila pinansin. I took a cab and went home. Pinipigilan kong bumalik doon at magsorry. Gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko pero napigil yun nang bumukas ang pinto at nakita ko si mama.
"Ano? Anong sabi ni Ares?" Tanong niya.
Hanggang ngayon, pera, pera pa rin ang importante sa kanya.
"W-wala na kami ni Ares ma. Hiwalay na kami." Sabi ko at agad na nakatanggap ng sampal.
"Tanga! Walang kwenta!" Sigaw ni mama habang sunod sunod na hampas sa akin. "Bumalik ka doon at mag sorry!" Sabi pa nito at inilingan ko.
"Wala na kami ma! Wala ka ng makukuha kay Ares dahil galit siya ngayon sakin!"Sabi ko.
Halos mabugbog ako ni mama kung hindi lang dumating si Gwenette na galing kung saan.
"Ma enough! Tama na please" Pagmamakaawa ni Gwenette.
"Mga inutil! Mga walang utang na loob! Pagkatapos ko kayong buhayin ganito igaganti niyo sakin?! Mga walang modo!" Sigaw ni mama.
Hinila ako ni Gwenette sa kwarto ko. Wala na akong paki sa nangyayari sa sakit ng puso ko. I just hurt the man I love. Sinaktan ko si Ares. I attacked his insecurities which I know will hurt his confidence.
"Tahan na Athena." Sabi ni Gwenette pero wala na akong paki.
BINABASA MO ANG
Hate U, Love U
General FictionAthena Aphrodite, just like her name, she have beauty and brains. Ares Zyro, a cute chubby nerd na hinahabol ng mga babae due to his wealthy background. Despite their differences, love blooms between them. What if one day, she suddenly break up wit...