12

25 0 0
                                    

Athena Aphrodite

Naging busy kami sa mga nagdaan na araw dahil nalalapit na ang pagtatapos ng school year. Naging busy si Ares sa pagtatapos ng mga natitira niya pang requirements at ganon din ako. Kahit naman ganon ay lagi kaming sabay kumain kasama sila Cassidy at Hades.

"Tapos na!" I'm doing my happy dance sa loob ng kotse ni Ares. Ihahatid na niya ako pauwi after namin mag dinner sa restau ni Hades.

"I'm proud of you my Athena." Sabi niya at kinuha ang isang kamay ko at hinalikan ito na nagpakilig sakin.

"I'm more proud of you. Grabe yun! Yung pogi kong boyfriend gagraduate ng Summa Cumlaude! Ahhh! Can't wait to hear your speech!" Sabi ko na tila mas excited pa kesa sa kanya.

"Inspired kasi ako."Sabi naman niya.

"Athena, do you want to go to Bali? After graduation? Before I officially start as the acting CEO of the company, let's have a vacation. Don't worry, regalo satin ni mon yun." Sabi niya.

"Of course, kahit saan basta kasama ka." Nakangiting sabi ko sa kanya.


Papasok na ako ng bahay pagkatapos akong ihatid ni Ares at si Gwenette agad ang nakasalubong ko na masama ang tingin sakin. Di ko pa rin alam kung anong problema nito sakin. May gusto ba siya kay Ares kaya siya galit sakin?

"Kahit kelan talaga di ka marunong makinig." Sabi nito sakin na di ko nalang pinansin. "Sinabihan na kitang lumayo sa mga Raixer pero apaka tigas pa rin ng ulo mo. Pinagbataan ka na lahat lahat pero apaka kitid pa rin ng utak mo." Sabi nito na nakapag init ng ulo ko.

"Ano bang problema mo? As far as I know wala naman akong ginagawa sayo? May disadvantage ba sayo ang pagiging malapit ko sa mga Raixer? Wala naman di ba? Lakas ng loob mong sabihin na ang kitid ng utak ko eh ang pagiging kami lang ni Ares ang tanging ginawa ko ng tama buong buhay ko. Buong buhay ko lagi akong nakukumpara sayo, kahit anong achievement ko laging ikaw lang ang napapansin ni mama, ikaw lang ang mahal ni mama. Alam ko namang ampon ako, kaya nga nagpaparaya na ako di ba? Hindi ako nanlimos ng pagmamahal mula sa inyo kahit ang sakit isipin na yung tinuring mong pamilya ay di pamilya ang tingin sayo. Hindi ako nanlimos ng pera kahit na gutom na gutom ako, hindi ako nagrereklamo kahit na gawin niyo akong katulong dito habang ikaw pabar bar lang. Minsan lang ako magiging masaya tapos pagbabawalan mo pa ako? Si mama nga okay lang sa kanya pero bakit ikaw todo hindi ka?"

 Sobrang napuno na siguro ako kaya naibuhos ko ang lahat ng emosyon ko. Hindi ko gustong sumabatan si Gwnette pero napupuno rin ako. Buong buhay ko ramdam kong extra lang ako sa buhay nila, isang palamunin. Tao lang din ako, gusto ko lang ng isang pamilya na tanggap ako ng buo, pero buong buhay ko, di ko naranasan yun. 

Nakita kong nagulat at nasaktan si Gwenette sa sinabi ko, di na rin ako magugulat kung magsumbong siya kay mama.

"Wala kang alam Athena. Wala kang alam." Sabi nito at lumabas. Base sa suot nito ay mukhang pupunta na naman to sa bar. 

Nagulat ako sa nakita kong emosyon sa kanya, gusto ko siyang habulin at magsorry pero pinairal ko ang pride ko.

Akala ko magsusumbong si Gwenette kay mama pero nung nakita ko si mama ay mukhang wala itong alam. 

"Andyan na si Ares sa labas. Wag mong pinaghihintay at baka magsawa sayo. Gawin mo lahat ng gusto niya para di ka iwanan." Sabi ni mama na ikinakunot ng noo ko.

Araw araw kasi o basta malaman niyang magkikita kami ni Ares ay ganyang ang sinasabi niya. 

"You okay?" Tawag sakin ni Ares. Kumakain kami ngayon sa isang restaurant at di mawala sa isip ko ang sinabi ni mama.

"May iniisip lang." Ngiti kong sabi.

"Do you want to talk about it?" He asked pero umiling lang ako.

"It's nothing important." Sagot ko.

"Athena, ready na yung Bali trip natin." Excited na sabi ni Ares habang kinakain niya yung leche flan na di ko maubos.

"Wow, agad agad?" Gulat kong sabi. Parang kelan lang kasi nung nagsabi siya tapos ngayon handa na ang lahat. Di pa nga siya nakakapagpaalam sa mama niya eh.

"Well." Napakamot siya ng ulo. "Pinasakto ko kasi sa monthsary at birthday mo." Sabi nito.

Nagulat siya at naalala na malapit na ang birthday niya. Never naman siyang nag celebrate dahil di niya alam kung totoong araw ng kapanganakan niya at never naman siyang pinagcelebrate ng mama niya. Kahit simpleng bati ay wala.

"I'm happy to celebrate my birthday with you for the 1st time."  Naiiyak kong sabi. I'm just very touched.

"Than I'll make it the most memorable." Sagot niya at hinalikan ang likod ng kamay ko.


Hate U, Love UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon