Athena Aphrodite
Ngayon kami pupunta sa partner ng Hillary ngayon. Sinunod ko ang tinuro ni waze na address at nagulat ako ng tumigil kami sa harap ng Adallia Corporation.
"Damn, we're working with Adallia?" Gulat din na sabi ni Blanca.
"You don't know?" Tanong ko at umiling siya.
Nagpark lang kami at sa lobby ay may naghihintay na sa amin, the CEO himself, Cassidy Drake Adallia.
"Welcome to Adallia girls." Masayang pagbati niya. I can even hear the controlled squeals from the teams.
"I'm surprised that the CEO himself welcomed us." si Blanca.
"Wow princess, ganyan na trato mo sa musketeer 3 mo?" Asar ni Cassidy.
"Namiss mo lang ako sabihin mo." Sabi ni Blanca.
"Well it is true that I miss the two of you. Let me show you to your work station." Sabi ni Cassidy kaya sumunod kami.
Nasa 4th floor kami at pumasok sa isang malaking room, like conference huge room with all the materials we will be needing. May 20 mannequins doon at 6 sewing machines.
"Damn this is heaven." Sabi ko kasi sobrang aliwalas ng place.
"Next to this room is for the designers from Adallia." Sabi ni Cassidy at pinakilala din ang dalawang head from that team.
Nagmeeting kami ng mga motifs per outfit. Halo halo kaya walang definite theme ang fashion show.
"I'l expect drafts this weekend and I hope everyone will work well together." Sabi ni Cassidy na ikinatango namin.
May ilang reminders pa siya bago kami natapos. Nag aayos na ako ng gamit ng tinawag ako ni Cassidy.
"Athena, can you stay for a while? I need to talk to you." Sabi ni Cassidy na kakaiba ang ngiti. I saw longing in his face. Ganon niya ba ako ka-miss?
"Una na kami. See you later Athena." Sabi ni Blanca.
Cassidy asked me to wait in front of the company at maya maya ay nakita ko siya at ang kotse niya. He instructed me to get inside so I did.
"Saan tayo mag uusap Cassidy?" Nagtatakang tanong ko. As far as I know wala naman kaming dapat pag usapan, kung about sa collaboration naman ay dapat sa company pinag usapan.
"You'll know when we get there." Sabi niya.
We arrived at the Addalia's residences. Nagtataka ako kung bakit dito niya ako dinala pero hinayaan ko nalang.
"Mommy, Daddy, we're here." Tawag ni Cassidy.
Maya maya ay nakita ko si tita Hera na tumatakbo para salubungin kami. Mukhang galing pa siyang kitchen kasi nakasuot siya ng apron habang si tito Casper naman ay mukhang nagbibihis. He is wearing a formal dress shirt on top and basketball shorts for bottoms.
"Oh my gosh, oh my gosh." Naiiyak na lumapit sakin si tita. "My Athena, my Athena is finally home. Gosh." Yinakap ako ni tita. Di ko naiintintindihan. We were close before but not that close para maiyak si tita.
"Tita? Okay lang po kayo?" Tanong ko.
"I'm happy Athena. Sobrang saya kong kumpleto na tayo anak." Sabi niya na ikinalaki ng mata ko at napahiwalay sa yakap niya.
"A-anak?" Nagtatakang tanong ko. "A-ano pong ibig niyong sabihin?"
"Remember when we said that I have a sister with the same name as yours?" Sabi ni Cassidy na ikinatango ko. I remember, the baby that died when a chaos started in the nursery of the hospital.
"Turns out, she didn't die." Tinignan ako ng kakaiba ni Cassidy. "Turns out, she was stolen Athena. Ninakaw samin ang kapatid ko and now, we found her. We found you." Sabi ni Cassidy.
"Ako? I-I am baby Athena?" Tanong ko.
"My daughter." Yakap sakin ni tita. Nakita ko ring naluluha si tito.
"H-how? P-pano ako nanakaw sa inyo?" Naiiyak na sabi ko. All these time I have a family that is looking for me.
"Mari stole you from the nursery Athena." Sabi ni tito or should I say daddy? Pero si mama? Ninakaw ako?
"P-Paano? Bakit ako ninakaw ni mama? Sabi niya, sabi niya napulot lang niya ako." Naiiyak na sabi ko.
Nakaupo na kami ngayon sa sala. Nakahawak sa kamay ko si mommy tila ayaw akong pakawalan.
"Mari is my ex. Kami bago ko nakilala ang mommy mo." Pagkukwento ni daddy. "I broke up with her cause I fell inlove with you mommy, pero di niya tinaggap yun. In our relationship, ilang beses sinubukan kaming sirain ni Mari, kahit nung kinasal na kami. I thought she finally stopped when we had Cassidy, pero nung nalaman niyang anak ka namin, ninakaw ka niya sa nursery nung umalis kami." Sabi ni daddy.
Mama did that? Dahil lang sa pagmamahal niya kay daddy? Or dahil obsessed siya sa pera nito?
"P-pano niyo po nalaman na anak niyo ko?" Tanong ko.
"Si Gwenette. She came here 2 months after mong umalis. Sinabi niya ang ginawa ng mama niya. Lasing daw si Mari nang ikwento niya ito kay Gwnette. Nahalungkat din niya ang original birth certificate mo sa kwarto nito at agad na sinabi sa amin." Kwento ni mommy.
"Asan na po si Gwenette?" Agad na tanong ko.
"We don't know. She disappeared after her mom died." Sagot ni Cassidy or should I say kuya?
"W-why did mama died?" I asked.
"Nagkagulo kami. We were angry Athena, kinuha ka niya sa amin. Pinahuli siya namin sa pulis after gathering enough evidences. Nanlaban siya kaya napatay siya ng mga pulis. She tried to harm Gwenette kaya they have to shoot her." Sabi ni mommy.
"M-mahahanap po ba si Gwenette? Oh my gosh. I want to know how she is." Sabi ko. Gwenette did nothing but to protect me from mama, and knowing what happened to her after she saved me, gosh.
"We tried, pero hanggang ngayon wala kaming balita." Sagot ni Cassidy na may kakaibang emosyon.
BINABASA MO ANG
Hate U, Love U
General FictionAthena Aphrodite, just like her name, she have beauty and brains. Ares Zyro, a cute chubby nerd na hinahabol ng mga babae due to his wealthy background. Despite their differences, love blooms between them. What if one day, she suddenly break up wit...