36

29 0 0
                                    

Athena Aphrodite

"Athena." Narinig kong may tumatawag sakin pero yung lakas ng tibok ng puso ko ang tanging binibigyan ko ng pansin at ang lalaki sa harap ko na tuluyan nang naging greek god.

"Ay pangit!" Sigaw ko nang sigawan ako ni kuya Cassidy na ikinatawa ni Ares.

"Seriously?" Sabi nalang niya.

"You surprised me!" Pagdedepensa ko.

"Kung hindi ka kasi nakatulala di ka magugulat." Sabi naman niya at inirapan ko siya.

"Uhm excuse me. Can we go ahead with the measuring? I need to go back to the company." His baritone voice stopped us from fighting.

Nag ehem ehem pa si kuya at bumalik sa pagiging seryoso na akala ko di gumaganti sakin kanina.

"Please follow me." Sabi ko nalang at naunang naglakad.

We head straight to the elevator, ayaw kong gamitin yung exclusive elevator ni kuya kasi di naman ako empleyado ng Adallia. Thankful naman ako na office hours kaya wala masyadong nagamit ng elevator at lahat ay busy sa kanilang mga ginagawa. It is awkward between us, talagang walang umiimik saming dalawa habang nasa elevator kami.

Things got more awkward nang makita ko na wala pa rin sila Blanca. Plano ko kasing siya nalang ang magsusukat kay Ares pero surprise, wala akong choice.

"You're working alone?" Nagulat ako nang marinig ang baritono niyang boses.

"No, my team is just taking a break." Sabi ko habang kinukuha ang measuring tape at notebook. "Your outfit is still on the process, do you want to look at it? Though it is still not final." Sabi ko.

"No need, I trust the the outfits will be great." Sabi niya at tumango nalang ako.

"Okay. Susukatan na kita." Sabi ko.

I need to measure the circumference of his neck, doing that kailangan ko pang kumuha ng stool kasi ang tangkad niya, plus I can feel his stares at me while doing so. Sobrang awkward nang pagsusukat ko sa kanya cause I need to be very close to him and I can smell his scent. Nanlalaki din ang mata ko pag natatamaan ko ang malalaki niyang mga muscles and damn, ang tigas nun.

I can also see na may mga kalmot siya sa likod and love bites? Iba pa yun sa mga nakita ko sa leeg niya. I asked him to remove his shirt kasi may measurements sa designs na need maipakita kaya need ko makita ang upper body niya. Napainom pa ako ng tubig nang matanggal niya iyon ng tuluyan.

"How's France?" Nagulat ako nang magtanong ito.

"It's fine." Simpleng sagot ko. Akala ko nung una ay tatahimik pa ito pero nagulat ako na ang dami niyang tinatanong. Like kamusta yung pag aaral ko sa France, yung job ko sa Adallia, if I made friends etc. etc. Puro simpleng sagot lang naman ang binibigay ko sa kanya.

"Why are you laughing?" Tanong ko kas out of nowhere tumawa siya. May nakakatawa ba sa ginagawa ko?

"Well, mukhang pinapak ka. Nag iwan pa ng mga ebidensya." Sabi niya sabay nguso paturo sa leeg ko. Agad ko namang inayos yung turtle na suot ko. Kasi naman, ilang araw na nakakalipas ay di pa rin ito natatanggal.

"Just shut up." Sabi ko nalang kahit nakikita ko siyang napapangisi. Bakit siya ngumingisi? Nababaliw na ba siya?

"You're outfit will be quite revealing for the upper body. Is that alright?" tanong ko. Syempre need namin malaman kung comfortable ba ang mga models especially na hindi naman siya professional model.

"Don't worry. Kahit pati lower body pa." Nasamid nalang ako sa sinabi niya at dali daling niligpit ang gamit na ginamit ko.

"We'll just message you if we need additional measurements or if we need you for fitting." Sabi ko. Gusto kong umalis pero need ko maging professional.

Napalingon naman kami sa pinto nang bigla itong bumukas at iniluwa ang team namin kasama si Blanca na halos maibuga ang kapeng iniinom.

"Oohlala." Sabi nang bruha at nakitang naka topless pa rin si Ares. Di rin mawawala ang pagkakilig ng iba pang team members.

"Welcome back Blanca." Bati ni Ares habang inaayos na ang damit.

"Ares?! Damn, naging greek god ka na talaga." Sabi ni Blanca na tulad ko ay di makapaniwala sa laki ng pinagbago niya.

"Well, change of looks." Sabi lang niya.

Ilang minuto pa sila nagkwentuhan ni Blanca habang ako ay pilit pang pinapakalma ang sarili nang may kumatok sa pinto.

"You're done?" Si Cassidy.

"Yup." Sagot lang ni Ares.

"Great. Athena, let's go. Nagpatawag ng dinner si mommy." Sabi ni Cassidy. "You too Ares and Blanca." Sabi niya na ikinalaki ng mata ko.

Pinauwi namin ng maaga ang buong team at pinahatid sa driver. Nauna nang bumaba sila Cassidy at Ares dahil nag ligpit pa kami ni Blanca.

"Damn, Ares changed, a lot." Sabi ni Blanca.

Pinipigilan kong maluha ang sarili. Did he changed because of how I hurt him before?

Hate U, Love UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon