46

30 0 0
                                    

Athena Aphrodite

Our 2 weeks honeymoon comes to an end. Now, back to reality na kami. We also came from France para tuluyan nang magpaalam sa pamilya ni Blanca at kunin pa ang natitirang gamit ko dun. Although sa Hillary Apparel pa rin ako nagtatrabaho, sa Philippine branch na ako na-assign as the creative director. 

"Baka naman kambal na yang dinadala mo Athena ha." Biro ni Blanca habang andito kami ngayon nagsusupervise sa ongoing photoshoot. Halos patapos na nila ang buong project at finishing stage nalang at ang fashion show for the official release nalang ang kulang.

Kita na ang umbok ng tiyan ko dahil 4 months na ito. Minsan nga ay kailangan ko pang gisingin ng madaling araw si Ares para sa mga cravings ko.

"Baliw. Isa lang to, sure kami." Sabi ko.

"There you are." Nagulat sila nang biglang sumulpot si Cassidy sa set.

"What are you doing here?" Tanong ko.

"Well, Mrs. Raixer, if nakakalimutan niyo, may family dinner tayo ngayon." Sabi ni Cassidy na ikinalaki ng mata ko. Sakto naman na tumunog ang phone ko, si Ares, saying he is already in the building at hinahanap ako.

"Well, my hubby is here. Saan ka sasabay Blanca?" Tanong ko. Sinasama na talaga namin si Blanca sa mga family gathering namin dahil we treat her as a family na talaga.

"Well,  I need to rain check. May date ako ngayon." Sabi niya. 

"Date?" Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang yakapin ako ni Ares mula sa likod. "May date ka?" Tanong ni Ares.

"Yeah. A friend from France." Sagot ni Blanca na ikinalaki ng mata ko.

"Don't tell me, si Alexandre?" Tanong ko. Alexandre is our friend in college. Siya ang ginagawa naming model madalas dahil mala greek god din ang katawan.

"Who?" Tanong ni Ares.

"Oh, friend namin sa France ni Blanca. We ofter made him our model, tapos ayun, niligawan si Blanca. Ay nililigawan pala. Ilang years na di pa rin natigil. I salute." Sabi ko na ikinailing nalang ni Blanca. 

"Ohh. Alexandre ha." Kakaibang ngisi ni Ares.

"Well, love birds, tara na at andun na raw sila." Sabi ni Cassidy.

Nag paalam na kami sa mga tauhan at kay Blanca saka pumunta sa mansion. Even though hindi na ako dito nakatira ay nasa same village lang ang bahay namin ni Ares kaya anytime ay pwede kaming pumunta dito. Ares said that saglit lang akong nakasama nila mommy at daddy kaya naman kahit bumukod na kami ay sa malapit lang para atleast ay walking distance lang kami pag na miss ko sila.

"Hi grandparents." Bati ko sa mga magulang namin.

"Our pregnant goddess." Bati sakin ni mommy at yinakap ako. "Asan si Blanca? Bakit di niyo kasama?" Tanong niya.

"May date po mommy." Sabi ni Ares pero nakangisi kay Hades na naghahain ng ulam sa mesa.

"Date?" Si mom. 

"Opo, our friend from France. Long time suitor niya yun. Grabe dedication. Epitome of greenest flag of guys and raised the standards so high." Sabi ko. Damn, Alexandre is a rare type of guy na sobrang tinamaan kay Blanca.

"Wife, nagseselos ako." Bulong sakin ni Ares na kinatawa ko.

"Hubby, ikaw lang ang papasa sa standards ko so chill." Sabi ko at sinundot ang dimple niya.

We were catching up while eating. Ang dami ko pa ngang nakain dahil si Hades ang nagluto at mukhang gustong gusto ng baby ang mga luto ng uncle niya.

"Nga pala kuya, I remember nung honeymoon namin to Bali, nakita ko si Gwenette. FA namin siya." sabi ko na ikinatigil ni kuya sa pag kain at lumingon sakin.

"What airline?" Tanong niya at sinagot ko naman.

"But I think she's using a different name. I asked the others kasi but they said they don't know any FA names Gwenette sa flight na yun." Sabi ko.

Cassidy nodded but iba ang aura niya. Tila sobrang seryoso kahit na kumakain lang naman siya. 

"Do you know what name she use?" Biglang tanong ni kuya. Bakit parang sobrang desidido niya na makita si Gwenette?

"I can't remember. Sorry." Sagot ko. 

Ang dami niya pang tanong kesyo anong hair color, gano kahaba, anong uniform at kung ano ano pa. 

The dinner ended at andito na kami sa bahay ni Ares. I am already sitting in our bed while Ares is still in the bathroom.

"So kamusta ang date?" tanong ko kay Blanca na nasa condo na niya.

"Well, as usual. Alex is a good guy. Nga pala may pasalubong siya sa inyo at kay inaanak. Bigay ko nalang sayo bukas." Sabi niya.

"Wow, tell him to go to the company bukas. Kunin ko kaya siyang ninong?" Tawang sabi ko.

"Oh, he would love that. Kaso ang gusto niya sa 2nd baby daw." Aba pala desisyon tong si Alexandre ah.

"Di pa nga ako nanganganak tapos naka set na agad siyang maging ninong ng 2nd baby?" Sabi ko.

"Who?" Biglang tanong ni Ares na nakatapis lang ng twalya habang tinutuyo ang buhok niya. Damn my very beautiful view. Rawr.

"Alexandre. Sabi raw niya kay Blanca na gusto niyang maging ninong ng 2nd baby natin." Tawa ko.

"2nd baby? Well, I like that. Should we start?" Ngisi niya.

"Hep! Bako kayo mag chukahan pakiusap, wag habang kausap ako." Sabi ni Blanca sa phone na agad naman naming ikinatawa ni Ares.

Ilang minuto pa kami nag kwentuhan ni Blanca before ending the call. Ares is now wearing a shite sando and boxers, his go to sleeping outfit. Minsan lang siya mag pajama talaga. He came into sa room holding the stethoscope bag.

"Hubby, ilang beses mong papakinggan si baby sa isang araw?" Tawang tanong ko. 

"I just love listening to our baby." Sabi niya as he place the stethoscope in my tummy.

Hate U, Love UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon