Athena Aphrodite
Ilang buwan na nakalipas simula nung pinagluto ko ng lunch si Ares. Syempre tuwing wala akong ginagawa ay pinupuntahan ko siya sa opisina nila at pag weekends ay andun ako sa bahay nila kasama siya. Pero syempre, di maiiwasan na may kababalaghan na nangyayari pag nasosolo niya ako. Lagi tuloy akong glowing.
Busy ako sa pagdedesign para sa isa naming subject nang biglang may pumwesto sa harap ko. Andito kasi ako ngayon sa library at dahil onti ang tao ay nasolo ko ang isang lamesa dito.
"Excu-" Pagsasabihan ko sana tong taong to dahil sa dami ng bakanteng lamesa ay dito siya nakisiksik. "Blanca?!" Gulat sabi ko nang makita ko ito. Napagalitan pa nga ako ng librarian sa ingay.
Inayos ko ang mga gamit ko at hinila siya papunta sa garden.
"Gaga ka! Ilang taon kang walang paramdam tapos bigla kang susulpot na parang mushroom." Sabi ko.
"Gosh, wow, welcome back to me ha." Irap nito na agad din naman akong dinambahan ng yakap.
"Takte di ko ma-process. Bat andito ka?" tanong ko.
"Well, may mga bagay kaming need gawin dito pero babalik din naman kami sa France pagkatapos na pagkatapos. Hoy, anong nababalitaan ko na kayo na ni Ares Raixer?" Sabi nito.
Kinwento ko naman sa kanya ang lahat lahat mula sa umpisa at ang lukaret kanina pa ako nabubugbog sa sobrang kilig.
"Grabe apaka swerte mo na kay Ares ka napunta at hindi kay Hades. Gago yun eh." Sabi niyang pabiro pero ramdam ko ang hinanakit dun.
"Balita ko magkababata kayo ah? At mukhang may history kayo ni Hades." Tanong ko.
"Yeah, magkapit bahay kami ng mga Adallia at Raixer noon. Prinsesa pa nila ako noon at sila ang 3 musketeers ko." Panimula ng kwento niya at nagkwento pa ng mga kalokohan nila nung bata pa sila. "History with Hades? Di ko masasabing history yun kasi wala naman kami. We were hmm, childhood friends with benefits?" Nanlaki ang mata ko sa narinig.
"What? Nagawa sayo ni Hades yun?" Gulat na tanong ko.
"I liked Hades." He emphasizing the ed. "And I know na parang kapatid lang ang turing niya sakin noon kaya ginawa ko lahat para mapansin niya ako bilang babae. Yun nga, we became friends with benefits. Alam mo yun, parang kami pero walang label but with jugjugan. He confused me. He is possessive, caring, and really acts as my boyfriend. He let me feel that I'm special pero turns out nag expect lang ako. He ended our set up nung kwenstyunin ko siya about kung ano ba kami then that same day nakita ko siya na may kasama nang ibang babae." Pilit na ngiti ni Blanca.
Gosh mababatukan ko tong si Hades eh. Naturingang gree god ang anyo pero demonyo ang ugali. Bagay na bagay sa pangalan niya.
Ilang beses pa kami nagkwentuhan ni Blanca bago siya nagpaalam na pupunta siya sa dean's office. BInigyan din niya ako ng reg form para sa isang fashion design school na pinapasukan niya sa France. Pwede daw kasi ako makakuha ng scholarship doon kaya naman nag fill up ako at binigay sa kanya.
Maya maya ay tumawag na si Ares na nasa gate na siya kaya naman dali dali na akong lumabas.
"Hey goddess." Sabi niya at hinalikan ang noo ko habang nakayakap ako sa kanya.
"Ares, alam mo ba, andyan si Blanca. May gagawin daw sila dito bago bumalik ulit ng France." Kwento ko.
Napangisi naman si Ares at biglang may tinawagan sa telepono.
"Hoy digma." Si Hades.
"Alam mo ba, syempre hindi kasi gago ka." Sagot ni Ares. "Andito daw sa Pilipinas si prinsesa." Dagdag ni Ares.
"Prinsesa?" nagtatakang tanong ni Hades.
"Gosh demonyo ka talaga. Kinalimutan mo yung prinsesang tinapos pagkatapos mo gamitin. Tong si musketeer 2 talaga." Ngisi ni Ares.
Saglit na natahimik ang kabilang linya na mas nagpatawa kay Ares.
"Eh ano ngayon kung andito siya? Hanapin mo pake ko." Sabi ni Hades.
"Hoy Hades, anong ginawa mo sa kaibigan ko ha." Kunwari wala akong alam.
"Wala. Pake ko diyan sa kaibigan ko. Good bye na, busy ako." Sagot nito saka pinatay ang tawag.
"Pikon talaga. Guilty kasi." Tawa ni Ares.
Saglit pa kaming nagkwentuhan ni Ares hanggang sa makarating kami sa harap ng bahay.
"Athena, malapit na birthday namin. Invited ka ha." Sabi ni Ares.
"Syempre, anniversary natin yun eh." Sagot ko naman.
"Gosh, ilang linggo nalang mag iisang taon na tayo. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na naging akin ka." Sabi niya.
"Di rin ako makapaniwala na naging akin ang pinaka cute, pinakamatalino, pinakasweet, pinakacaring, at pinakamalibog na boyfriend ko." Natawa naman si Ares.
"See you tomorrow. Good night and I love you so much Athena." Sabi nito.
"Ingat sa pag uwi oko? Good night Ares. I love you too so much." Sabi ko at hinalikan ito.
BINABASA MO ANG
Hate U, Love U
General FictionAthena Aphrodite, just like her name, she have beauty and brains. Ares Zyro, a cute chubby nerd na hinahabol ng mga babae due to his wealthy background. Despite their differences, love blooms between them. What if one day, she suddenly break up wit...