37

30 0 0
                                    

Athena Aphrodite

Nakarating na kami sa labas ng mansyon. Halos sabay lang kami ni Ares kaya sabay din kaming pumasok sa loob.

"Ma'am, Sir, nasa dining room na po sila." Sabi nung isa naming kasambahay.

"Mamsh, bakit parang di ko magugustuhan ang pangyayari?" Bulong sakin ni Blanca habang patungo sa dining room.

"OA ka lang. Kakain lang naman tayo." Sabi ko sa kanya.

Pagkadating namin ay nanlaki ang mata ko na makita hindi lang basta family dinner ito.

"OMG, Athena! Blanca! I miss you both!" Bati ni Mom Wynes. Iniisip ko pa nga kung may karapatan pa akong tawagin siyang mom ngayong wala naman na kami ni Ares.

"H-hello po." Sabay naming sagot ni Blanca.

Yeah, kumpleto ang mga Raixer ngayon at andito sila. Pati si Hades na akala naming nasa ibang bansa ay nandito din. Nasa isang mahabang lamesa kami, ang dalawang dulo ay si Dad Zyto at si Daddy Casper, syempre sa gilid nila ay sila mommy at mom. Ang akward pa nga na kaharap ko si Ares na napakaseryoso ng mukha, tapos si Blanca naman kaharap si Hades na parehas ding hindi maipinta ang mga mukha.

"Looks like were complete. Grabe, limang taon na noong huli ko kayong nakita." Sabi ni Dad sa amin ni Blanca. Nag umpisa na kaming kumain at halos mga magulang lang namin ang nag uusap tapos kami tahimik lang. "Kamusta naman ang France? Balita ko kilalang designers na kayo doon ah." Dagdag pa niya.

"Okay lang naman po dad. Masaya po kasi malaki ang circle namin sa fashion industry ni Athena." Sagot ni Blanca.

"Naku, buti nalang magaling kayong dalawa at priority niyo ang goals niyo. Balita ko sa mommy mo Blanca kaliwa't kanan ang mga manliligaw niyo doon eh." Si mommy.

Sabay naman kaming nabilaukan ni Blanca lalo na at saktong nainom pa kami ng tubig noong sinabi ni mommy yun.

"Mommy." Nasabi ko nalang.

"What? Totoo naman." Kibit balikat niya.

"Hoy, baka naman mabasag yan." Biglang sabi ni Cassidy kaya napalingon kami sa kanya na nakatingin sa kambal.

Sobrang higpit ng hawak ni Ares sa baso habang si Hades naman ay panay ang hiwa sa steak niya kahit hiwa naman na yun, bale pinggan na minmo ang hinihiwa niya.

Natawa naman ang mga magulang namin sa di malamang dahilan. Napasinghap naman ako sa titig na binigay sakin ni Ares kaya napayuko nalang ako sa pagkain ko.

Of course ano pa bang aasahan ko? I know he is still angry at me, sinaktan ko siya kahit ang tanging ginawa lang niya ay mahalin ako. I wouldn't be surprised if maghiganti pa siya.

"Anyway, I think you guys are curious as to why we are all here." Panimula ni daddy kaya sa kanya ko nalang tinuon ang pansin ko.

"Yeah, I'm quite curious tito. This is a very unusual day to have our family gathering." Sabi ni Ares in his domineering  aura.

"Well, since Raixer and Adallia have long been friends, we decided that you and Athena will get married to strengthen our bonds. Not just in business but also as a family. This is not a must, nasa inyo pa rin ang desisyon." Sabi ni daddy na nagpatahimik sa amin.

A what? Marriage? With Ares? Di ba nila alam kung bakit kami naghiwalay ni Ares? Pinoprocess ko pa ang lahat sa utak ko, why would they think about marriage? Sa ex ko pa? I'm 100% sure that Ares wouldn't like it. I hurt him! Hanggang ngayon ay sobrang naguguilty pa rin ako sa ginawa ko.

Tututol na sana ako ng kunin ni Ares ang atensyon namin.

"Of course tita and tito. I would love to get married to Athena, tulad ng pagmamahal niya sa akin noon." Di man pansin ng iba pero I know how sarcastic he is. I knew it he wants a revenge. 

Natahimik ako, should I let him? Pag hinayaan ko ba ang gusto niya mapapatawad niya ako? I mean I mahal ko pa rin siya, oo hanggang ngayon hindi nawawala ang pagmamahal ko sa kanya, pero I doubt that he still loves me. 

"Athena? How about you? Do you agree?" Mommy asked. Di ko alam anong sasabihin ko.

Napatingin naman ako kay Ares na seryosong nakatingin din naman sakin. I saw how he smirked like saying na wala akong choice kundi ang pumayag. 

"Besh?" I felt Blanca hold my hand. She knows everything, kaya gets ko ang concern niya.

"P-pumapayag po a-ako." Sabi ko as I look at Ares.

I heard mom and mommy shirked in joy and they are excited for us. Ikakasal ako sa taong mahal ko, pero bakit di ko magawang matuwa?

"Congrats bro, itatali ka na." Asar ni Hades kay Ares. Etong playboy talaga na to, takot na takot matali. I even saw Blanca roll her eyes in his statement.

"Oh, Hades, I also have one for you." Putol ni dad sa kaligayahan ni Hades.

"Congrats bro." It's Ares turn to tease him.

"Dad? Sino?" tanong ni Hades. 

I felt how Blanca reacted to the news, para siyang nanigas sa kinakaupuan niya.

"It's the daughter of a close friend of ours. You'll meet her once lumuwag na ang schedule niya." Sabi ni mom. "And oh, you don't have a choice. Remember na may kasunduan tayo na pag may nilaro ka na namang babae ay magpapakasal ka sa mapipili namin unless na may babe kang seseryosohin but wala naman diba?" Dagdag ni mom

Hindi umumik si Hades.

"Tita,tito, mom, dad, sorry but I need to leave early." Sabi ni Blanca na bumasag sa katahimikan. I know she feels upset, di man niya sabihin ay alam kong may gusto pa rin siya kay Hades ngayon and this news will hurt her.

"Why, you can stay here Blanca." Sabi ni mommy pero umiling si Blanca.

"Sorry tita but I can't leave our team alone, besides I still have sketches to finish since maaga po kaming nag out kanina." Sabi ni Blanca. 

Tumango nalang naman sila. Dad asked Hades to drive Blanca back but she refused saying nakapag book na siya ng grab. I even saw Hades' eyes followed Blanca as she leave. 

"Gosh, finally, magiging daughter in law na kita." Sabi ni mom Wynes na tila tuwang tuwa.

"haha, opo." Sabi ko nalang.

Hate U, Love UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon