Athena Aphrodite
Andito ako ngayon sa labas ng hotel ng mga Raixer. Talagang pinasundo pa ako ni Ares sa driver nila dahil baka raw mawala ako. Apaka OA din naman kasi ng lalaking yun. Mahigpit ang security ng hotel ngayon dahil maraming mga kilalang artista at pulitiko ang dadalo nung party. Talagang sobrang gara ng party nila. Typical Raixer.
"Hello po ma'am. May invitation po?" Tanong nung guard at binigay ko ang invitation kong may QR at after nilang i-scan at makumpirma ang invitation ay pinapasok ako.
Dumaan pa ako sa 2 security check bago tuluyang makapasok. Lahat ay dumadaan dun para rin sa security ng lahat.
I am wearing a A line blue formal dress na abot hanggang ankle ko. I am also wearing a 3 inch black heels at nakatali ng pony ang buhok ko at kulo sa dulo. Nakakagulat man pero nilagyan din ako ng light make up ni Gwenette at tamang tama lang iyon.
Pagkapasok ko ng hall ay marami nang tao ang naguusap usap. Hinahanap ng mata ko kung nasaan si Ares at yun na nga at nakita ko siya na may kausap pero di naman maipinta ang mukha niya. Nakakunot ang noo nito pero sobrang gwapo nito sa kanyang black suit na nagpapayat ng kanyang hitsura. Naka glasses pa rin naman ito pero nakaayos ang buhok nito at nakalabas ang kanyang noo.
"Athena!" Nagulat ako na nasa harap ko na si Ares at sobrang saya nang mukha. "Damn you're so beautiful." Sabi niya na kumikinang pa ang mukha.
"You look handsome too." Sabi ko.
"Let's go. Punta na tayo sa table natin." Sabi niya at hinila ako.
Nanlaki ang mata ko ng makita na nasa table ako kasama ng pamilya niya at ang pamilya ni Cassidy. Nahiya tuloy ako.
"Hi Athena. You look so pretty my dear." Sabi ni Mom Wynes.
"Thank you po. Ang ganda niyo rin po." Sagot ko.
"Bantayan mo yang si Athena, Ares. Baka maagaw." Biro ni Dad Zyto
"Kung pwede lang ibulsa dad ginawa ko na." Sabi ni Ares na ikinatawa ko nalang.
Nag-umpisa na ang party at sobrang saya nito. Pinakita rin ag baby pictures ng kambal na sobrang ikinahiya nung dalawa. Takte sila pa nahiya eh sobrang pogi nila since birth. Literal!
"Come with me." Biglang bulong sakin ni Ares sabay hila sa akin kung saan.
Maya maya ay dumating na kasi sa rooftop ng hotel at nanlaki ang mata ko sa nakita. May naka set up na candle light dinner dito at talagang private lang. Dagdag mo pa ang magandang view na makikita mula dito.
"Para saan to?" Tanong ko.
"Gusto kitang masolo. Sobrang naging busy ako noong mga nagdaan na araw kaya madalang lang kita makita. Saka halos lahat ng lalaki ay napapatingin sayo kanina pagkapasok na pagkapasok mo palang. Bat kasi ang ganda ganda mo?" Paghihimutok nito.
Natawa nalang ako sa sinabi niya at sinamahan siya sa lamesa. PInaghila niya ako ng upuan at sabay kaming kumain.
"Ares." Tawag ko.
"Hmm?" Sagot niya at ibinaba ang hawak na tinidor.
"Happy Birthday" Sabi ko at iniabot ang regalo ko.
Ares accepted it and opened it.
"I love it." Malaking ngiti na sabi niya habang hawak ang necklace na may A shape na pendant. Pinagmasdan niya ito at nanlaki ang mata nito nang mabasa ang naka engrave sa pendant.
Mine
Nakailang kurap pa siya bago ako tinignan na naka nganga pa.
"Happy Birthday boyfriend." Sabi ko.
"The fuck? Totoo ba? Sinasagot mo na ako?" Di niya makapaniwalang tanong at tumango lang ako.
"Yes! May girlfriend na ko! Happy Birthday to me!" Parang tanga niyang sigaw bago humarap sakin at yakapin ako.
"I love you, I love you, I love you. I love you so much. Di mo alam kung gaano ako kasaya ngayon." Sagot niya habang nakayakap ng mahigpit sakin.
"I love you too Ares." Sagot ko.
"Isa pa nga."
"Ayoko nang ulitin." Biro ko.
Bumitaw ng yakap si Ares at nakasimangot kaya natawa ko.
"I love you Ares. I love you. I love you. I love you." Sabi ko.
Nagulat ako ng biglang may malambot na bagay ang dumampi sa labi ko. Nakita ko ring natigilan si Ares sa ginawa.
"S-sorry. Na carried away." Sabi niya at lalayo na sana nang pisilin ko ang cute niyang pisngi at halikan. Naramdaman ko ring natigilan siya bago gumanti ng halik.
"I love you Athena Aphrodite. Mahal na mahal kita." Sabi niya habang magkadikiy ang mga noo namin.
"I love you too Ares Zyro." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
Hate U, Love U
Ficción GeneralAthena Aphrodite, just like her name, she have beauty and brains. Ares Zyro, a cute chubby nerd na hinahabol ng mga babae due to his wealthy background. Despite their differences, love blooms between them. What if one day, she suddenly break up wit...