Athena Aphrodite
"Ares Zyro Raixer, Bachelor of Business Management, Summa Cum Laude."
Andito ako ngayon sa graduation nila Ares, Hades, at Cassidy kasama sila tita,tito, mom, and dad. Sa sobrang lakas ng palakpak at sigaw namin ay parang nahihiya nalang yung tatlo. Syempre, proud na proud kaya kami, parehas na cumlaude si Hades at Cassidy habang eto nga, summa cumlaude si Ares.
Todo video pa kami ni mom Wynes sa speech ni Ares.
"I have so many inspirations in life, and I think that is what keeps me going. My mom, dad, my twin." Nagtawanan pa ang audience nang sumigaw si Hades ng yuck. Nakakahiya talaga tong si Hades minsan eh. "My bestfriend Cassidy and his family, and of course, the love of my life, Athena Aphrodite Bastio." Namula ako sa kilig at hiya sa sinabi niya. Nang asar pa kasi ang mga magulang ng kambal at ni Cassidy.
"They are some of the people that helped me bring out my best. I hope everyone can also find a reason to bring out their best, not just in academics but in life. Be proud of yourselves. You've reached this part of your life already. The journey is not easy, but it is worth it. Either you graduated with honors or not, whether you are a repeater or late, be proud. I am proud with all of you. Congratulations again everyone and have a nice day." Nagpalakpakan ang lahat nang matapos ang speech ni Ares. I'm so proud of him.
"Ares!!" Sigaw ko habang patakbo kay Ares na naka toga pa. Sinalo pa ako nito ng yakap at inikot dahil tumalon ako sa kanya. "I'm so proud of you. Congrats." Halik ko sa kanya.
"Chill love birds. Masyadong PDA." Sabi ni Cassidy.
"I'm so proud of you boys." Sabi ni Dad Zyto sa mga lalaki.
"Dahil diyan, let's go to Hades restaurant and celebrate!" Sigaw ni Tita Hera.
Turns out nireserve nila ang buong restaurant ni Hades ngayon kaya sarado ito for the public. Mahirap nga naman na may ibang tao lalo na parehas na makapangyarihan ang Raixer at Adallia.
"Next year si Athena naman ang icecelebrate natin." Masayang sabi in Tita Hera.
Nahihiya pa ako dahil tanggap na tanggap talaga nila ako. Mas ramdam ko pa ang pagtanggap nila sakin kesa sa sariling pamilya. Di ko gustong i-compare pero di rin talaga minsan mapigilan.
"When you graduate or need an OJT, pwede ka sa Adallia mag work." Sabi ni Tito Casper. "Cassidy will be the one handling the company by then." Dagdag pa nito.
"Why go to Adallia kung pwede naman sa Raixer?" Sabi naman ni Dad Zyto
Natatawa naman ako at pinagtatalunan pa kung saan ako mag tatrabaho.
"Daddy, tito, bakit kayo nagtatalo? Eh parehas naman na malayo ang business ng Adallia at Raixer sa fashion industry." Tawa ni Cassidy
Masaya pa kaming nagkukwentuhan. Masayang kasama ang mga pamilya nila, di mo aakalain na ang mga kinakatakutan sa business world ay sobrang down to Earth. Alam niyo bang 20% ng income ng mga kompanya nila pati itong restaurant ni Hades ay napupunta sa iba't ibang charity anonymously.
"Excuse me, hatid ko na po si Athena sa kanila. We have a flight tomorrow." Sabi ni Ares.
"Oh right. Enjoy Bali! Advance happy birthday agad Athena." Si Mom Wynes.
"Thank you po mom. Mag uuwi po ako ng ref magnet." Sabi ko.
"Ay gusto ko yan." Excited na sabi ni mom.
Nagpaalam na kami pero bago kami umalis ay nagulat ako ng hilahin ako ni Ares at halikan. Hinihingal kami pareho nang tumigil siya.
"Gosh, you don't know kung gaano ako nagtimpi wag kang halikan sa harap nila." Sabi ni Ares na ikinapula ng mukha ko.
"Tumigil ka nga." Nahihiya lang na sabi ko.
"Haay, I love you so much Athena." Sabi niya.
"Mahal din kita." Sabi ko at nginitian siya.
BINABASA MO ANG
Hate U, Love U
General FictionAthena Aphrodite, just like her name, she have beauty and brains. Ares Zyro, a cute chubby nerd na hinahabol ng mga babae due to his wealthy background. Despite their differences, love blooms between them. What if one day, she suddenly break up wit...