Athena Aphrodite
Di ko alam pero kahit na namamaga ang pisngi ko sa sampal ni mama, masaya ang puso ko lalo na nung nakita ko ang concern ni Ares sa akin. Normal lang naman maging concerned siya di ba? I mean magkaibigan kami, pero bakit binibigyan ko ng meaning?
Andito ka ako ng tapat ng bahay ngayon, tila nagdadalawang isip pa ako kung papasok na ba ako. Natatakot kasi ako na makita si mama, kahit naman hindi ako late umuwi ngayon ay natatakot pa rin ako.
Pagkatapos ng ilang sandali ay pumasok na ako at laking ginhawa ko na makita na wala pa si mama, nasa trabaho pa ata. Pumasok ako sa kwarto ko para magpalit ng damit nang bigla itong bumukas.
"Athena!" Sigaw ni Gwenette na bigla nalang pumasok sa kwarto ko. Buti nalang tapos na ako mag bihis. "Layuan mo ang mga Raixer!" Sabi niya.
"Pero bakit? Wala naman akong masamang ginagawa? Magkaibigan lang kami." Sabi ko. Totoo naman kasi na wala akong dahilan layuan si Ares o si Hades.
"Alam mo bang pinuntahan ako ni Ares kanina at pinagbantaan? Pati si mama dinadamay mo pa?! Stay away from them Athena. Pinagbabalaan kita." Sabi nito at umalis.
Matagal nang cold ang pakikitungo sakin ni Gwenette at di ko alam kung bakit. Dahil ba sa ampon lang ako?
Nagbuntong hininga nalang ako at nag umpisa maghanda ng dinner at maglinis para naman di ulit magalit si mama. Maya maya ay bumaba si Gwenette suot ang revealing niyang mga damit.
"Mag babar ako." Sabi lang niya at umalis.
Pagkatapos kong magluto at mag linis at pumanhik muna ako sa kwarto para gawin ang mga activities ko nang tumunog ang phone ko. Isa itong notification sa bank account ko na may pumasok na pera. Dito kasi pumapasok ang mga allowance na natatanggap ko. Tinignan ko ang date at tamang tama na araw ng sweldo ngayon. Kahit naman cold sila mama ay binibigyan pa rin nila ako ng allowance. Kahit di kalakihan ay napagkakasya ko naman ito.
Ares Zyro
"Ares, kelan mo dadalhin dito yung girlfriend mo?" Nasa dinner kami ngayon at kanina pa ako kinukulit ni mom tungkol kay Athena. Apaka daldal naman kasi ng kambal ko at ako ang bukambibig.
"Oh? May girlfriend ka na Ares?" Si tita Hera, asawa ni Tito Casper na may ari ng Adallia Corporation. If Raixer is on no. 1, Adallia is on no.2. They are mom and dad's friends bago pa man sila naging successful parehas kaya heto at madalas silang bumibisita sa bahay.
"Is it Athena? That girl is beautiful and smart, like her name. Athena Aphrodite." Si Cassidy, anak ni Tita Hera at Tito Casper. Classmate ko siya at bestfriend namin ni Hades.
"Back off Cassidy." Inis na sabi ko. "She's just my friend po. Well, I like her, but for now, friends po muna kami." Sabi ko.
"Athena Aphrodite, she have a same name with Cassidy's sister." Sabi ni Tita Hera na medyo may lungkot sa boses.
Cassidy supposed to have a younger sister, like what tita said, her name is Athena Aphrodite, kaso nga lang ay nagkagulo sa hospital na pinaganakan ni tita at nagkasunog sa nursery noon. Nailigtas ang mga baby sa nursery noon, except baby Athena. Sa sobrang sunog nito ay di na makilala ang bangkay, inassume nalang na si baby Athena yun dahil siya lang ang baby na kulang sa mga nakaligtas na babies sa nursery.
"Mommy..." Si Cassidy.
"I'm fine anak." Ngiti ni tita. "Now I want to see that girl more." Sabi nito.
"Yeah anak, bestfriend, girlfriend, friend with benefits, kung ano man friend yan, we want to meet her. Invite mo siya on weekends anak." Sabi ni Mom.
"I don't know Mom. As far as I know, strict ang mama niya. I should ask her first." Sagot ko nalang.
BINABASA MO ANG
Hate U, Love U
General FictionAthena Aphrodite, just like her name, she have beauty and brains. Ares Zyro, a cute chubby nerd na hinahabol ng mga babae due to his wealthy background. Despite their differences, love blooms between them. What if one day, she suddenly break up wit...