28

22 0 0
                                    

Athena Aphrodite

"Gwenette? Anong ginagawa mo?" Tanong ko.

Papasok na dapat ako ng univ pero nakita ko siyang ineempake lahat ng gamit ko. Pinapalayas na ba talaga nila ako? Umaasa ako na kahit onti, sana iniisip nila na pamilya pa rin nila ako kahit inampon lang nila ako.

"Leave Athena. Hindi ka titigilan ni mama hanggat di ka aalis. Just leave." Sabi niya habang zinizipper ang maleta. Lahat ng gamit ko nakalagay na sa 3 malaking maleta. Halos wala ng kalaman laman ang kwarto ko. 

"G-gwenette, wala akong mapupuntahan." Naiiyak kong sabi.

"May taxing naghihintay sayo sa labas. Bilis. Bago magising si mama." Sabi niya at kinakaladlad ako  kasama ang mga maleta ko. 

Tinulungan naman siya nung driver na ipasok lahat ng maleta ko sa loob.

"P-pano ka?" Tanong ko. Alam ko, alam kong siya ang sasalo sa lahat ng galit ni mama sakin.

"Leave. Forget about us. Start anew Athena." Sabi niya.

Nagulat ako na pumuntang airport ang taxing sinasakyan ko at mas ikinagulat ko na makita ang pamilya ni Blanca na naghihintay.

"Athena." Yakap sakin ni tita. "Come with us, okay?" Malalam na sabi nito sakin.

"A-ano-"

"Here." Naputol ang sasabihin ko nang ibigay sakin ni Blanca ang passport ko kasama ang one way ticket to France.

"Binigay lang sakin ni Gwenette kagabi. May visa ka na at ayos na lahat. Di ko alam pano niya nalaman pero nakahanda na lahat. Ikaw nalang kulang." Sabi ni Blanca.

"Let's go iha. You'll be with us, don't worry." sabi ni tito.

I look at the street again before I enter the airport. Ayokong umalis sa totoo lang, ayokong mapalayo sa pamilya ko kahit nasasaktan ako. Ayokong lumayo kay Ares pero may magagawa ba ako? 

Nasa eroplano na ako, listening to the announcement of the pilot of our destination. Totoo na, wala nang atrasan. I'm leaving this country holding into the happy and painful memories. 

"Finally dalawa na magiging daughter ko." Masayang sabi ni Tita pagkadating namin sa mansion nila.

"Salamat po sa pagpapatuloy sakin dito." Sabi ko. Nahihiya kasi ako.

"Ano ka ba Athena. Di ka naman na bago samin. We are happy to have you here." Sabi ni tito.

"True! Saka magiging classmate na kita. Malay mo naman andito pala sa France ang forever mo." Sabi ni Blanca

"Maybe." Sagot ko nalang pero alam ko sa sarili ko na walang papalit kay Ares sa puso ko.

Moving here in France isn't easy. Aside from wala akong kaalam alam sa french kundi bonjour, ay naninibago ako sa kultura dito. Although it is easier since Blanca is with me, di pa rin mawawala sakin ang pagkamiss sa Pilipinas.

"You deactivated your accounts?" Tanong ni Blanca sakin.

"Yup, baka kasi pag may makausap ako sa Pilipinas ay umuwi ako." sagot ko.

Ilang araw kong balak kontakin si Gwenette pero hindi siya nagrereply maski seen man lang. Gusto ko malaman kung anong kalagayan niya. Sigurado akong siya ang nahihirapan ngayon kay mama.

"You know, your sister is one of a kind." Sabi niya.

"Yeah. Growing up, I always try my best pero para kay mama, si Gwenette lagi ang perfect. Siya lang ang pinapansin ni mama. We were never close you know, but nitong mga nagdaang buwan, especially when I left, parang di ko siya kilala. Parang mali ako ng kilala sa kanya." Sagot ko. 

"Maybe she isn't expressive, but she cares for you." Sagot ni Blanca na ikinatango ko.

Gwenette is a huge mystery for me. 

Hate U, Love UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon