Athena Aphrodite
Nagtext ako kay Blanca na di ako uuwi dahil ayaw din naman ako paalisin nila mommy. Andito ako sa kwarto ko na matagal na nilang hinanda para sa akin.
"Athena?" Rinig kong katok ni mommy sa pinto kaya pinagbuksan ko ito.
May bitbit siyang isang baso ng mainit na gatas at inilapag niya yun sa table sa kwarto bago tumabi sa akin sa kama. Nakatingin lang sakin si mommy at nakahawak sa kamay ko.
"I can't believe na kasama ka namin. Kumpleto na tayo." Sabi niya.
I can feel how she is stopping herself from crying. Not the sad type of cry but rather, happiness.
"Alam mo ba, nung sinabi sa amin ni Gwenette ang totoo, gusto agad kita sunduin sa France pero naisip namin na hahayaan ka muna namin na matupad ang mga pangarap mo. Nagpapasalamat ako sa palagi kaming inaaupdate ng mga Hillary tungkol sayo." Sabi ni mommy. "I'm so proud of you Athena. Sa lahat ng pinagdaanan mo, sa lahat ng narating mo. Proud na proud kami sa yo." Naiyak ako, this is the first time in my life hearing these words. Iba pa ang epekto nito lalo na galing pa kay mommy.
"Di ko alam kung magagalit ba ako o matutuwa kay Gwenette, sa lahat ng pinaramdam at dinanas mo sa kanila. Cassidy have a hunch na ikaw ang Athena namin noon palang. Nakikibalita siya kay Gwenette sa lahat ng nangyayari sayo noon. Kaya nung nalaman ko kay Cassidy kung paano ka sinasaktan ni Mari, sobrang nagagalit ako sa kanila, pero nagpapasalamat din ako na binuhay ka nila at binalik ka nila samin." Sabi ni mommy.
"Mommy, kahit hindi maganda ang dinanas ko kila mama, wag kang magagalit kay Gwenette. Siya ang laging pumoprotekta sakin mula kay mama kahit madalas siya na rin ang nasasaktan. Alam mo po ba na walang binibigay na pera sakin si mama, pero si Gwenette, nalaman kong nagtatrabaho siya sa bar para lang magkapera ako kahit papano para sa pag aaral ko. Nalaman ko lang yun noong nakita ko ang mga transaction mula sa account ko nun. Malaki ang utang na loob ko sa kanya mommy." Sabi ko.
Nasa France ako noong nalaman ko ang mga sakripisyo ni Gwenette. Akala ko noon ay ayaw niya sakin at di niya ako tanggap bilang kapatid niya pero ang dami niyang ginawa para sa akin kaya gusto kong bumawi sa kanya kaso nga lang ay di ko alam kung nasaan na siya.
"Hindi mo maalis sakin ang magalit. Pero sige, susubukan ko, hmm?" Sabi ni mommy at yinakap ako.
"A FREAKING WHAT?!" Agad kong tinakpan ang bibig ni Blanca dahil sa sigaw niya. Buti nalang at sanay na ang mga desginers namin sa kanya at hindi na nila ito pinansin.
Andito kami ngayon sa work room at kakawento ko lang kay Blanca ang lahat.
"You are the Athena Aphrodite Adallia?! Gosh grabe ang revelation. Kaya pala minsan nakikita ko na parang magkamukha kayo ni Cassidy. Grabe, I'm so happy for you." Sabi ni Blanca at yinakap ako.
Hindi na raw kailangan palitan ang apilyido ko dahil sa umpisa palang ay di naman daw talaga napalitan ang birth certificate ko. Pineke lang ni mama lahat ng mga papeles ko. Napagusapan na rin namin na uuwi nalang ng France pagkatapos ng fashion show para kunin lahat ng mga gamit ko at magpaalam kila tito.
Naging busy na kami ni Blanca kaya natigil na kami sa pagchichismisan nitong nagdaan na mga araw. Sa condo rin niya ako tumira dahil mas malapit ito sa kumpanya kesa sa mansyon. Sobrang robot kami nitong mga nagdaan na araw. Kahit kasi anim kami ay marami pa rin ang 20 designs na tatapusin namin. Nakapag sketch na rin naman ako ng designs base sa ilang designs ng furniture na pinasa sa amin ng team ng Adallia.
"Madame, lunch?" Tawag sa akin ng isang designer at tinuro ang packed lunch na binili nila somewhere.
Sasagot na sana ako ng may kumatok sa work room namin at pumasok si Cassidy in his business attire. Ang pogi rin talaga nitong kapatid ko na to kaya di maiiwasan na halos mag laway na ang mga designers namin sa kanya.
"Aphrodite, have a lunch with me?" Sabi niya with his panty dropping smile. Walang epekto sakin yun don't worry.
I look at my team and Blanca na nakamudmod sa lamesa, mukhang nahihirapan ito pag isip ng design. Ayaw din niyang iistorbohin siya pag ganon ang pwesto niya kaya di ko na tinawag.
"Okay." Sagot ko at kinuha ang gamit ko.
Nagbilin muna ako sa team namin bago sumama kay Cassidy papuntang Hellion's Kitchen.
BINABASA MO ANG
Hate U, Love U
General FictionAthena Aphrodite, just like her name, she have beauty and brains. Ares Zyro, a cute chubby nerd na hinahabol ng mga babae due to his wealthy background. Despite their differences, love blooms between them. What if one day, she suddenly break up wit...