9

25 0 0
                                    

Athena Aphrodite

Bukas na ang birthday nila Ares pero wala pa akong nabibili pang regalo. Natatakot kasi ako magg paalam kay mama. Bahala na nga.

"Ma..." Masungit akong nilingon ni mama na nanonood ng TV. Papasok palang ako at si Gwenette naman ay nakaalis na.

"Anong kailangan mo?" Malamig nitong sagot sakin.

"Ano po kasi... birthday na nila Ares bukas ay may gaganapin pong party sa isa sa mga hotel nila. Pwede po ba ako umuwi ng medyo late? Bibilhan ko po ng regalo si Ares." Dahan dahan kong sabi. Bawat bukas ng bibig ko ay tinitignan ko ang reaksyon ni mama.

"Sige." Yun lang ang sagot nito pero sobrang nagulat ako. Sobrang unexpected kasi. Madalas pag may mga alis kasi ay si Ares pa ang nagpapaalam para sakin. 


Si Cassidy lang ang nakasama ko ngayong lunch. Busy daw kasi si Ares at Hades para sa party nila bukas. Nagsabi naman sakin si Ares kaninang umaga bago ako ihatid. 

"You're coming tomorrow?" Tanong ni Cassidy at tumango lang ako dahil puno pa ng sandwich ang bibig ko.

"You know, napapansin ko lang ha, di kayo magkamukha ni Gwenette." Sabi ni Cassidy.

"Ah kasi ampon lang ako." Sagot ko. Di naman kaso sakin pag pinaguusapan yun. Malaki ang pasasalamat ko kila mama na kinupkop nila ako kahit na single mom lang siya at bata pa rin si Gwenette nun.

"Oh, sorry. Medyo tanga ko rin. Buwan lang ang pagitan niyo ni Gwenette. Di ko naisip." Kamot ulong sabi ni Cassidy.

"Okay lang. Marami nang nagtanong niyan." Tawang sagot ko. 

"So never mong nameet parents mo?" 

"Never. Sabi ni mama, napulot lang niya ako sa harap ng hospital nung pinacheck up niya sai Gwenette. Sinubukan daw niyang magsabi sa mga pulis pero baka daw mauwi lang ako sa ampunan kaya kinupnop na lang niya ako. Wala rin namang naghanap sakin so baka nga ayaw sakin nung mga magulang ko." Sagot ko.

"Saang hospital ba yun? Baka naman may CCTV sila noon." 

"Sarado na yung hospital na yun sabi ni mama kaya di na ako nagtanong pa." Sagot ko at tumango nalang si Cassidy.

"You know, I never believe that my sister is dead." Sabi ni Cassidy at kitang kita ko ang lungkot sa mga mata nito. "Mom is still resting in her room that day at nasa harap kami ng nursery room ni Dad para tignan si baby Aphrodite. Dad do not want to leave that time pero nagpumilit akong bumili ng ice cream sa labas. Then ayun, bago kami bumalik sa nursery ay nagkakagulo na ang lahat. We lost baby Aphrodite. We lost my sister." Ramdam ko kung paano sinisisi ni Cassidy ang sarili sa nangyari.

"Hindi ko alam lahat ng pangyayari pero I know that baby Aphrodite do not want you blaming yourself. Hindi mo kasalanan yun Cassidy. Wag mong sisihin ang sarili mo." Sagot ko. Ngumiti naman si Cassidy, isang malungkot na ngiti.

"Kaya ba iniisip mo na di pa patay ay kapatid mo dahil sa guilt?" Tanong ko. Pagkakaalala ko kasi ay may bangkay na natagpuan kaya di ko gets bakit umaasa pa rin si Cassidy.

"It might sound crazy but my gut is telling me that my sister is alive." Sagot nalang niya at di ko na tinanong pa. 

Pagkatapos ng klase ay pumunta ako sa mall para mamili ng bibilhin para kila Ares at Hades. Inisip ko na idamay ng bili ng regalo si Hades dahil alam kong magtatampo yun pag di ko niregaluhan. 

"Athena." Nagulat ako nang makita si mama papalapit sakin. "Nakabili ka na ba ng panregalo mo?" Tanong niya at umiling naman ako.

"Ganon ba, tulungan na kita." Mas nanlaki ang mata ko sa narinig. Totoo ba to? Medyo naluluha ako dahil ngayon ko lang makakasama lumabas si mama. Madalas kasi ay sila lang ni Gwnette ang lumalabas.

Nakailang store din kami bago napagdesisyonan na isang simpleng bracelet at necklace ang bibilhin ko. Sa ipon ko mula ang pinang gastos ko. Pina engrave ko rin yung necklace para kay Ares. 

Hate U, Love UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon