14

25 0 0
                                    

Athena Aphrodite

On the way na kaming papuntang airport ni Ares. Katabi ko siya ngayon dito sa back seat dahil nagsama siya ng driver para may mag uuwi ng kotse niya. Magkahawak ang kamay namin habang naka sandal naman ang ulo ko sa balikat niya.

"Still sleepy?" Sabi niya at hinalikan ang noo ko.

Ang aga kasi ng flight namin kaya inaantok pa talaga ako. 

"Medyo lang naman. Sa eroplano na siguro ako matutulog." Sagot ko naman.

Maya maya ay nakarating na kami sa airport, tinatanong ko kay Ares kung anong gate kami mag checheck in pero hinila niya ako kung saan at may tauhan siyang nagtutulak ng mga bagahe namin.

"WTH?!" Gulat na gulat ako nang makarating kami sa private jet niya. Oo sa kanya, hindi sa pamilya niya.

"Hindi ko hahayaan na may ibang makakita sayo no. Sobrang ganda mo pa naman." Sabi niya habang ginagabayan ako paakyat ng hagdan. 

"Sobrang possessive naman ng boyfriend ko." Sabi ko at nginisian lang  niya ako.

May isang FA ang nagsisilbi samin doon. May kwarto, CR, at mini bar din sa loob nito. May ilang upuan din na naka convert into sofa at sobrang engrande ng design nito.

"How did you afford this? Pagkakaalam ko studyante ka palang ah." Tanong ko.

"Well, may monthly allowance kaming natatanggap ni Hades maliban pa sa allowance pag tumutulong kami as intern sa kumpanya ever since we reach legal age. Inipon ko yun to invest in stocks. I am also a stock holder in Adallia and Raixer. So ayun, I afford this." Sabi ni Ares.

Damn mas nainlove ako sa talino niya.

"Pa-share naman ng tips and tricks pano magpalago ng pera. Cause damn, you are so talented in it." Sabi ko.

"Sure. Well, di mo naman need yun pag kinasal na tayo." Sabi niya na ikinagulat ko.

Kasal? Although I see myself marrying Ares in the future, medyo may pagkabahala ako.

"Am I asking for too much?" Tanong nito. Napansin niya siguro ang reaction ko.

"N-no. It's just that, I surprised. I'm surprised na plano mo kong iharap sa altar." Ngiti ko sa kanya.

"Of course. Ikaw yung tipo ng babae na hinaharap sa altar, Athena. Saka as if naman pakawalan pa kita. Apaka laki kong tanga kung ganon." Sabi niya.

"Isa rin akong malaking tanga pag pinkawalan kita." Sagot ko.


Ilang oras ang naging byahe namin papuntang Bali. Nasa himpapawid palang ang kitang kita na ang magaganda beach nito at mga kapaligiran. Mas na excite tuloy ako. Pagkababa ng sasakyan ay may naghihintay na samin na sasakyan na maghahatid sa isa sa mga hotel ng Raixer dito.

"Ares!" Sigaw ko nang makita ang room na pag sastayan namin. Sabi ko kasi sa kanya noon ay wag kami masyadong gagastos sa trip namin. Usapan namin yun.

"Hey, I promise sinabihan ko si mom." Nagtaas ang dalang kamay ni Ares na parang sumusuko.

"This is a freaking villa!" Sabi ko.

Ang design kasi ng hotel nila na to ay may building kung saan may presidential suites, regular rooms, restaurant, bar, at mini mall. Pero nag ooffer din sila ng mga villa na hiwalay sa building at mas private. 

"Okay na rin to. Atleast walang makakita sayo pag naglangoy ka." Sabi niya at inayos ang mga bagahe namin.

Medyo malayo ito sa hotel building pero may maganda kaming access sa beach. May sarili rin kaming pool dito.May sarili din na jacuzzi sa tabi ng pool at sa loob ng banyo. May sauna pa at gym. Ayoko na hulaan magkano ang presyo nito dahil sa design palang ay manlulula ka na.

"Pagbigyan mo na si mom. Graduation at birthday gift niya to satin." sabi ni Ares at yinakap siya mula sa likod habang nagmamasid sila sa view mula sa villa nila. May ceiling to floor windows kasi sila doon.

"Rest for a while. Mag oorder ako ng food. Gigisingin nalang kita. Okay?" Sabi nito at hinalikan ang noo ko.

Lumabas siya ng kwarto at nahiga naman ako sa king size bed na sobrang lambot at sarap magtatatalon. Pwede ka nga rin umorde ng ibat ibang unan dito. Magkahiwalay kami ng kwarto ni Ares pero magkatabi lang ito.

Mabilis akong hinila ng antok at nagising sa mga halik ni Ares sa mukha ko.

"Wake up my goddess, food is ready." Tinignan ko ang oras at dalawang oras din akong nakatulog.

Pumunta kami sa balcony kung saan may naka set up na lunch overlooking sa magandang view.

"Feeling ko sa isang linggo nating stay dito, di ko pa rin tapos malibot yung hotel niyo palang." Sabi ko. Their hotel has lot to offer, kaya kilala talaga ang mga hotel nila.

"We can extend if you want." Sabi ni Ares na agad kong ikinailing.

"Baka nakakalimutan mo mag sastart ka na sa company niyo next week." Paalala niya.

Masaya silang kumain at nagkwentuhan bago nagpasyahan maglangoy muna sa pool nila. Bukas na sila maglalangoy sa dagat dahil medyo pagod din sila sa byahe. 

Nagulat ako ng makita ang mga panligo na nilagay ni mama sa maleta ko. Sinabihan niya kasi ako na nagsuksok daw sila ng mga bathing suit, di ko naman aakalain na to piece ito. Alam ko namang maganda ang hubog ng katawan ko pero nahihiya pa rin ako!

"Athena?" Rinig niyang tawag ni Ares at ang katok nito sa kwarto niya.

"Palabas na." Sagot ko at kinuha ang bath robe bago lumabas.

Hate U, Love UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon