Chapter 1 - Napaupo.

61.8K 1K 194
                                    

#KAQwp

Chapter 1

 

 

Naramdaman ko ang marahang pagyugyog ng kama ko kaya unti-unti akong nagmulat ng mata para tignan kung sino yung gumagambala sa pagtulog ko. "God! Stop that!" Sigaw ko kay Belle.

Belle Patricia Marquez, my sister from another mother. We've been together for as long as I can remember. I think mula pa noong fetus kami ay magkaibigan na kami. Prolly because bestfriend ni Mommy ang mommy niya, si Tita Arisse.

"Queen Stefany Manuel Montefalco! Wake up!" Aniya at patuloy ang pagtalon sa kama ko para magising ako. Ibinaon ko lalo ang ulo ko sa unan. Damn!

Maya maya ay naramdaman ko nalang na hinihigit niya ang paa ko. "Shit Belle! Mahulog ako!" Sabi ko at kumapit sa headboard ng kama ko.

Tumawa siya at binitiwan ang paa ko. "Kasi naman! First day natin ngayon sa South University! I dont wanna be late!" Sabi niya.

"Oh please. Dont remind me." Sabi ko at umayos ng upo. First day namin ngayon sa South U as Senior High. Nakakainis lang dahil kailangan pa naming magtranfer kahit pagraduate na kami ng high school just because of my cousins. Ugh! Nakakainis talaga pag naaalala ko.

Hinila niya ako patayo. "Dali na! I heard marami daw gwapo dun! Kaya bilisan mo na." Aniya at tinulak ako papunta sa banyo.

Here we go again with the 'gwapo' thing. Basta talaga narinig niyang maraming gwapo ay parang automatic na tumataas ang energy niya.

Bago ko isarado ang pinto ng banyo ay hinarap ko siya. "Walang gwapo don! Pangit ang mga tao don!" Sabi ko sabay sarado ng pinto.

Tawang tawa ako habang naririnig ko ang pagkatok niya sa pinto ng banyo ko. "Totoo ba? Steffie! Sagutin mo ko! Bakit sabi nila marami daw gwapo? Steffie!"

Hinayaan ko siyang magwala doon at nagumpisa na akong maligo. Hinayaan ko yung sarili kong magbabad sa ilalim ng shower para mawala yung antok ko.

Paglabas ko ng banyo ay napansin kong wala na doon si Belle. Siguro ay nasa baba na naman yun at kinukulit si Mommy.

Sinuot ko ang uniform ng South U. Maganda naman yung uniform. Lampas lang ng kaunti sa tuhod ko yung skirt at may necktie din kami na pangbabae.

Binlower ko ang mahaba kong buhok para magkaroon ito ng volume. Ayoko kasi ng straight na straight ang buhok ko. Naglagay din ako ng powder at lip tint. Im the type of girl na hindi lalabas ng hindi nakaayos.

King and QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon