Chapter 16 - Natawa.

32K 921 159
                                    

#KAQwp

Chapter 16

 

Habang nasa byahe kami ay hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Makikita ko na ulit si George after 48 years. Okay, I was just overreacting pero hindi talaga maalis ang excitement ko.

Tahimik lang si King habang nasa byahe. Pag napapatingin ako sakanya ay seryoso siyang nakatingin sa daan pero napapansin ko ang higpit ng hawak niya sa manibela dahil medyo namumuti na ang knuckles niya.

Pagdating namin sa tapat ng bahay ay hindi ko na nahintay na pagbuksan niya ako. Agad akong bumaba at tumakbo papasok ng bahay, alam ko naman na susundan niya ako dahil sabi ko kanina pwede siyang pumasok sa bahay kung gusto niya. Nang makita ko si George sa couch ay napatakbo ako sakanya.

"Georgeeee! I miss youuu!" Masayang sabi ko at niyakap ko siya ng mahigpit.

Tumawa siya at yumakap pabalik. "I missed you too, Steffie!" Aniya at bahagya siyang napatigil. "Oh. Boyfriend?" Bulong niya sakin na hindi ko naman nagets.

Paghiwalay namin ay sinundan ko kung saan siya nakatingin. Kay King, na nakatayo sa tabi ng pintuan. I shook my head at kinuwit ko ang kamay ko sa braso niya. "No, silly." Sabi ko at hinila siya papunta kay King. "This is King, friend ko." Pakilala ko kay King.

Deretso ang tingin ni King kay George kaya nagpeke ako ng ubo. "Ehem. Uhm, this is Georgina Loyzaga, George for short." Pagpapakilala ko sakanilang dalawa.

Naglahad ng kamay si George. "So you're that King Tito Angelo's talking about." Aniya.

Napakunot ang noo ko. Anong King na sinasabi ni Daddy? Kinwento ba niya si King sakanila? Gosh. Nakakahiya.

"George." Tumango si King. "You're a girl." Tila wala sa sariling sabi niya.

"Of course, Im a girl!" Tumawa si George. "Wait, akala mo lalaki ako?"

Tumango si King. "I thought..." Napatigil ako ng humarap siya sakin. "...you're Queen's someone." Ani King na siyang ikinagulat ko. Akala niya lovelife ko si George? Is that why he's acting strange simula pa kanina?

Napatingin kami kay George ng tumili siya. "Oh my gosh. Totoo nga yung sabi ni Tita Yna. Nakakakilig nga kayo kahit simpleng bagay lang. Tapos Queen pa, oh gosh!" Aniya at pinaypayan yung sarili niya. "I hate you, hindi ka nagkkwento sakin." Aniya at hinampas ako sa braso.

"What's happeni-" Napatigil si Tita Jessica ng makita niya ako. "Hi Steffie!" Aniya at yumakap sakin.

Sumunod na yumakap sakin si Tito Stephen na kakapasok lang mula sa garden. "Our little Steffie." Aniya at hinalikan ako sa tuktok ng ulo ko.

"Hi Ninong! Hi Ninang! Namiss ko po kayo!" Masayang sabi ko sakanila. Malapit din kasi ako sakanila Tito Stephen dahil pag nagbabakasyon sila dito ay lagi nila akong kasa-kasama.

"King." Nagulat kami nang magsalita si Daddy sa gilid namin. He has this serious look on his face.

King and QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon