Chapter 5 - Nasungitan.

30.9K 890 89
                                    

#KAQwp

Chapter 5

 

Mabilis na lumipas ang mga araw. Natapos ang first week namin sa school na wala kaming ibang ginawa kundi gumala at maglakwatsa.

Madalas ay nasa mall kami after class, kakain lang tapos ay tsaka kami uuwi. Noong minsan ay nanuod kaming girls ng sine dahil may boys night out daw ang boys.

Sa mga nakaraang araw ay nandyan parin yung kasungitan ni King at yung pagbabangayan nila Belle at Ryan. Hindi tuloy makalma ang table namin tuwing break time dahil sa asot pusa. Habang si King naman ay lagi akong inoobserbahan sa pagkain ko.

Seriously though. Ano bang problema niya kung konti lang akong kumain? Why is it such a big deal to him?

Nagbeep ang phone ko tanda na may nagtext.

 

Fr: Unknown

Im outside your house.

-King

Nanlaki ang mata ko kaya mabilis kong kinuha ang bag ko at tumakbo pababa. Narinig ko pa ang tawag nila Mommy pero nagwave lang ako sakanila at mabilis na lumabas ng bahay.

Halatang nagulat si King sa pagmamadali ko. "Shit. Tara na. Bilis!" Agad na sabi ko sakanya at hinila siya papunta sa sasakyan niya.

Patay ako pag nakita siya ni Daddy. Ang alam nila ay all girls kami. Ang hindi ko maintindihan ay bakit si King ang nandito.

Pagpasok niya ay agad siyang nagmaneho kaya nagpalabas ako ng buntong hininga. Nakita ko anf bahagya niyang paglingon sakin. "Bakit ka ba nagmamadali? Excited?"

I shook my head pero hindi ko sinagot ang sinabi niya. "Bakit ikaw ang sumundo sakin? Where's Belle and others?" Tanong ko sakanya.

Kumunot ang noo niya. "They asked me to pick you up. They're on their way." Simpleng sabi niya.

Nanlaki ang mata ko. "What? Paano tayo? Alam mo ba san yun? Bakit hindi nalang tayo nagsabaysabay? Bakit nauna sila?" Sunod sunod na tanong ko.

"Calm down, will you?" Aniya. "Pinagplanuhan nila to. In case, hindi pa yun malinaw sayo." Sabi pa niya na para bang ang shunga ko dahil hindi ko nagets agad.

Napailing ako at bumaling sa labas. "Sorry naman ha." Inis na sabi ko nalang sakanya.

Tahimik kaming pareho habang nasa daan. Nawala naman na yung inis ko sakanya dahil nakafocus ang utak ko sa tyan ko. Im fcking hungry! Hindi na nga pala ako nakakain ng breakfast kanina kakamadali.

Maya maya ay huminto kami sa isang gasoline station sa SLEX. Nagpark siya sa harap ng isang fastfood at nauna nang bumaba. Nagulat ako ng pagbuksan niya ako ng pinto. "Anong gagawin natin dito?" I asked him.

"Maglalaba." Malamig na sabi niya bago maglakad papasok ng fastfood.

King and QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon