Chapter 3 - Nakasulat.

35.2K 1K 96
                                    

#KAQwp

Chapter 3

 

The rest of the day passed by like a blur. Im not really the friendly type of person pero dahil sa sobrang click ni Belle at ni Gelay ay naging instant friends kami.

Nang uwian na ay agad kong niligpit ang gamit ko dahil inaantay na ko ni Kuya DK sa parking. Nagtext siya kanina na dismissed na daw sila kaya ihahatid niya ako pauwi. Si Belle naman ay susunduin daw nila Tita Arisse dahil may pupuntahan sila.

"Bye!" Masayang sabi ni Gelay at nagulat ako ng hilahin niya ako para makapagbeso siya sakin.

Ngumiti ako ng bahagya at nagpaalam. "Bye." Sabi ko sakanya at binalingan si Belle na kausap si Tita sa phone. "I have to go. Inaantay na ko ni Kuya DK." Sabi ko at nakipagbeso sa kanya.

Ngumiti siya at nagwave ng kamay sakin. She didnt say a word, prolly because Tita was on the other line, talking perhaps. Nagumpisa na akong maglakad palabas pero agad din akong hinarang ni Ryan. Napataas ako ng kilay dahil sa pagharang niya sakin.

Ngumiti siya. "Hi, Queen." Aniya.

Umiling ako at bumuntong hininga. "Steffie. Its Steffie." Simpleng sabi ko dahil kanina pa ako pilit na tinatawag na Queen ng mga kaklase ko. I was starting to get annoyed with it.

Pinipilit nila na Queen ang itawag sakin para daw partner kami ni King. Like seriously? Kami ni King? Nagpapatawa ba sila?

"Queen nalang. Para bagay na kayo netong kaibigan ko." Sabi ni Ryan at inakbayan si King. Napatingin naman ako kay King na bahagyang napasimangot sa sinabi ni Ryan.

"Shut up Ry." Aniya kay Ryan ay inalis ang pagkakahawak neto sa balikat niya para lumabas na ng room.

I shook my head. "Talagang siya pa yung nagwalk out noh?" Di makapaniwalang sabi ko at tinabig si Ryan para lumabas na dahil nababadtrip na ako talaga.

Ang kapal ng mukha niyang magwalk out. Chicks ba siya? Nakakainis. Hari-harian na nga pachicks pa.

Nakasimangot ako ng makarating ako sa sasakyan ni Kuya DK. Pumasok ako sa loob agad at pinaharurot agad niya yung sasakyan.

"I checked my sched at ngayon lang kita maihahatid pauwi dahil maaga kaming pinalabas. Starting tomorrow ay hanggang gabi na ang class ko. Pati rin si CK." Sabi ni Kuya DK.

Nanatili ang tingin ko sa labas. Tumango ako ng bahagya. "Magtataxi nalang ako. Or magpapasundo kay Manong para sabay kami ni Belle." Sabi ko sakanya.

Makakauwi naman ako ng buo at buhay kahit hindi nila ako i-hatid sundo. And besides, makakasabay ko naman si Belle. Sadyang may lakad lang sila kaya hindi siya nakasabay sakin ngayon.

"Problem?" Tanong ni Kuya DK nang matapat kami sa red light na stoplight. "May nangaway ba sa reyna namin?" Tanong niya ulit.

King and QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon