Chapter 29 - Nahalikan.

30.4K 870 112
                                    

#KAQwp
Chapter 29


"Nasan na ba kasi yung hari mo?" Tanong ni Belle sa tabi ko. I shrugged and focused on typing another text for King.


To: Kingkong
Kingkong ano ba!


Napakunot noo ako dahil hindi parin siya nagrereply. Nakailang texts na ako pero wala man lang siyang sagot. Nakakabwisit. Monthsary namin ngayon at absent siya, tapos kahit isang text man lang wala.


To: Kingkong
Magreply ka.


To: Kingkong
Hari ko.


To: Kingkong
Lawrence King Stratford!


Sinubukan ko pang magtext ng ilan pa pero wala parin talaga. Inis kong ininagsak ang cellphone ko sa desk ko. "Oh. Sayang naman yang phone mo, Steffie." Natatawang sabi ni Ryan.


"Oo nga naman. Kalma ka lang kasi. Baka naman natutulog pa." Pagsangayon ni Belle kay Ry at humilig pa siya dito. Nakita ko naman na hinalikan ni Ryan si Belle sa pinsgi neto.


Sinamaan ko sila ng tingin. "Pwede ba. Wag kayo mag-PDA sa harap ko." I hissed. Nakita na ngang badtrip ako sa Kingkong na to tapos kung makapag-PDA pa parang walang bukas.


Natawa silang pareho sakin kaya mas lalo ko silang sinamaan ng tingin. "Pero pag kayo ni King, okay lang mag-PDA." Ani Belle.


"Kainis talaga! Kung alam ko lang na hindi niya maaalalang monthsary namin edi sana bumili nalang ako ng ticket noon para sa concert ni Katy Perry mamaya." Sumalampak ako sa pagkakaupo sa sobrang inis.


Two weeks ago ng magrelease ng tickets pero nang maalala kong monthsary namin yun ay hindi na ako bumili. I should be spending this day with him rather than going to that concert, right? May next concert pa naman siguro siya dito. Ang kaso ay wala naman ang magaling na hari.


Ngumisi si Belle at lumapit sakin. "Tara! Baka may mabili pa naman tayong VIP tickets." Sabi niya at nagcling sa braso ko.


Napailing ako. "Sold out na." Simpleng sabi ko at itunuon na naman ang atensyon ko sa phone ko. Goodness! 11 na, at malapit na maglunch break pero wala parin talagang text si King. Napatingin ako sa paper bag na dala ko.


Naghanda pa naman ako ng regalo. Tss. Couple shirt pa naman iyon na may King at Queen sa likod tapos ay may number 01 dahil iyon ang monthsary namin. Tapos hindi lang pala siya magpaparamdam.


Nang maglunch na ay masama parin ang mood ko. Halos wala akong naintindihan sa mga lesson kanina kakahintay ng reply ni King. Just why on earth am I acting like this?! Kailan pa ako naging ganto kaclingy?


"Simula nung maging kayo." Natatawang sabi ni Belle.


Napalingon ako sakanya. "What?" Nagtatakang tanong ko. Ano daw yung sinabi niya?


She shrugged as she rolled her eyes. "Sabi mo, kailan pa ako naging ganto kaclingy. Well, simula nung maging kayo ni King." Halos mapamura ako sa sinabi niya. Really?!

King and QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon