Chapter 36 - Namimiss.

20.2K 704 172
                                    

#KAQwp
Chapter 36


Napabuga ako ng buntong hininga. "No, King. You think Im doing this on purpose?" Napailing ako. "Im not that low, King."


I cant believe it! Im not that desperate to do everything to have him back here. Yes, I love him and yes, I miss him. Pero naiintindihan ko naman kung bakit siya nandun. For him to spend time with his mom. For him to catch up all those years of them apart.


And besides, alam kong may problema sakin si Tita Liza. I dont exactly know what's her deal with me. Pero kung papauwiin ko dito si King ay mas lalo lang madadagdagan ang galit niya sakin.


"Sorry. I-I didnt mean it that that way. Sorry. Im just worried na baka kaya ka nagkakaganyan dahil umalis ako, Reyna ko." Mahinang sabi niya sa kabilang linya.


Kinalabit ako ni Tyler at pilit inabot sakin ang isang pirasong fried chicken. I shook my head. "Mamaya na." I mouthed him pero sadyang makulit siya kaya no choice ako kundi kunin ang inaabot niya.


I let out a sigh. "Look, King. I get it. Really. At hindi ko to ginagawa para pauwiin ka dito. Im just really stressed sa E kaya nakakaligtaan kong kumain minsan. But that doesnt mean na hindi ako kumakain para magalala ka at umuwi ka dito." Pagod na sabi ko.


"Okay." He paused. I kept mum waiting for him to say another word. "Four months, Reyna ko." Aniya.


Tumango ako. Four months.


But the four months, became five, six, seven and now's the eight month he's in Paris. Uuwi na dapat siya nung ika-fourth month niya pero pinaextend daw siya ni Tita Liza ng isa pang buwan.


The fifth month, I was kind of okay with it. Isang buwan lang naman. I can handle. Nakatagal nga ako ng apat na buwan eh, ano ba yung isang buwang hinihiling ng Mommy niya.


But then, its been 8 months. 8 months without King was pure hell, I must say. To think na dumalang narin yung paguusap namin. Aniya ay pinapatulong siya ni Tita Liza sa kompanya kaya naman halos dalawang beses nalang kami sa isang linggo makapag-Facetime. That adds up to my stressful life.


Napatingin ako sa phone ko. Nung isang araw pa kami huling nagkausap ni King. Napasandal ako at agad kong naramdaman yung pamilyar na bagay na dumadaloy sa mata ko.


Monthsary namin sa isang araw, at anniversary na namin next month pero wala parin ata siyang balak umuwi. Mukhang nageenjoy narin kasi siya makasama ang Mommy niya doon.


"Miss crying lady of the year, umiiyak ka na naman." Napapunas ako ng luha ko nang pumasok si Tyler sa office ko.


Umayos ako ng upo at nagtaas ng kilay. "If you're here to annoy me, Ty. Wala -"


Hindi niya ako pinatapos ng tumawa siya ng malakas. "Annoy you? Kailan pa ako naging annoying? Im just here to pay my cry baby bestfriend a visit." Aniya at nilapag ang dala niyang pizza sa table sa receiving area ng office ko.

King and QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon