Chapter 37 - Nalusaw.

18.2K 751 234
                                    

#KAQwp
Chapter 37


The fourteen hour flight was tiresome but it was the most exciting 14 hours of my life. Pagdating ko sa Paris ay maggagabi na sa oras nila.


Agad akong nagcheck in sa hotel na sinabi ni Mommy dahil gusto kong magpahinga muna. Hindi kasj ako nakatulog habang nasa byahe sa sobrang excitement ko na makita si King. Pero bukas ko nalang siya pupuntahan, I need to rest first. As much as I want to see him now, hindi na talaga kaya ng katawan ko.


So bukas nalang, para eksaktong monthsary namin ko siya issurprise. Pagdating ko sa hotel room ko ay nahiga agad ako. I was too tired to even change my clothes.


Nagising ako kinabukasan na maliwanag na, pagtingin ko sa phone ko ay 3 na ng hapon. Then I remembered, oras nga pala ng Pilipinas itong nakasave dito. So it means, 9 na ng umaga dito sa Paris.


I took a bath and did all my morning rituals. Pagbaba ko ay nakaramdam ako agad ng gutom pero hindi ko alam kung saan masarap kumain dito. I would probably just go to King first para siya ang magtour sakin dito kung saan masarap kumain.


I hailed a cab, mabuti at marunong umintindi ng english itong nasakyan ko kung hindi ay hindi kami magkakaintindihan. Sinabi ko ang address na binigay noon ni King sakin.


The ride to Tita Liza's place was fast. Malapit lang pala iyon sa tinutuluyan kong hotel kaya naman halos 15 minutes lang ay nandun na kami.


Kabado akong lumabas ng cab. The last time I saw King's mom, it was obvious that she's mad at me for something I dont really know. Pero sana naman ay maayos na niya akong pakitunguhan ngayon. I mean, I let King be with her for almost a year, right?


Akmang iaangat ko palang ang kamay ko para kumatok sa pinto pero agad na itong bumukas. It then revealed Tita Liza. Naka-corporate attire siya, so Im guessing pupunta na siya sa company nila.


Yumuko ako ng bahagya. "Good morning po." I greeted her.


Hindi man lang siya ngumiti nang tignan niya ako mula ulo hanggang paa. "You're King's girlfriend, right?" Malamig niyang sabi.


"Opo." I nodded my head. "Uhm, nandyan po ba si Ki-"


Hindi na niya ako pinatapos at agad niya akong pinutol. "He's not here." Aniya at lumabas na ng bahay nila. Agad niyang sinarado ang pinto. "If you wanna see him, he's in the park nearby. Doon yunmadalas maglagi pag umaga." Aniya at iniwanan na ako doon before I could even utter my thank you.


Hindi ko alam kung saan yung park na sinasabi niya kaya naman nagtanong pa ako sa ilang nakasalubong ko. Nahirapan pa ako dahil hindi sila nakakaintindi ng english. Oh damn. Why is this so freaking stressful?!


Nang makakausap ako ng kapwa ko pinoy ay laking pasalamat ko sakanya. "Pinoy ka din pala." Natatawang sabi niya. "Doon yung park na sinasabi mo, sa kabilang street lang." Aniya at tinuro ang isang street.


Yumuko ako at nagpasalamat. "Thank you po. Life saver ko po kayo. Kanina pa po kasi ako nagtatanong pero walang nakakaintindi sakin." Tumawa ako ng bahagya.

King and QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon