Chapter 22 - Nakakabaliw.

28.2K 924 89
                                    

#KAQwp
Chapter 22


"So, ihahatid na ba kita sainyo?" Nahimigan ko yung pagaalinlangan sa boses ni Shann.


I shook my head. Nagbago na ang isip ko. "Just drop me off to Gold's Gym." Sagot ko sakanya. I suddenly wanna workout. To let off some steam, that is.


"Naggym ka din sa Gold's?" Tanong niya sakin nang magumpisa siyang magmaneho. Tumango lang ako pero hindi na ako nagsalita. Umaga palang pero parang sobrang pagod na ako sa araw na to. "Great! Sama nalang ako sayo magworkout." Aniya na ikinagulat ko.


Napatingin ako sakanya at napataas ng kilay. "Anong sasama?" Gulat kong sabi.


"Sasama." He said in a duh tone. Tss.


I shook my head. "Ayoko ng may kasama. Sa ibang gym ka magwork out." Inis na sabi ko. Ayoko nga siyang kasama, mamaya ay kulitin lang ako neto tungkol kay King. Imbes na mawala ang stress ko sa pagwoworkout ay baka madoble lang. So thanks, but no thanks.


"Cmon. Dont be so harsh on me, Steffie. Im broken hearted." Aniya at nagpaawa ng mukha. Hindi naman siya nakakaawa. "And besides, doon ako nagwoworkout so bakit pa ko pupunta sa ibang gym."


"Ayaw kitang kasama." I said blandly.


He laughed. "Oh cmon. Ang harsh mo. Kasama mo na nga ako ngayon eh." Aniya at binalingan ako. "Are you worried na baka lalong magselos si King?" Nagtaas baba siya ng kilay.


Akmang bubuksan ko ang pinto ng sasakyan nang pigilan niya ako. "Steffie! Joke lang! Grabe ka!" Aniya na halatang kinabahan sa gagawin ko.


Ibinagsak ko ang sarili ko sa upuan. "Mang-inis ka pa. Bababa talaga ako kahit umaandar ka pa." Inis na sabi ko.


Ngumuso siya ng bahagya at tumango. "Titigil na nga eh." Sabi niya at nanahimik na hanggang sa makarating kami sa Gold's. Pagdating namin ay agad akong bumaba. Maya maya pa ay nasa tabi ko nang naglalakad si Shann.


I guess wala talaga akong choice kundi pakisamahan siya ngayon kahit na ang lakas niyang manginis. "Saan ka magsstart?" Tanong niya sakin nang papasok na ako sa locker room ng girls.


"Treadmill." Sabi ko at pumasok na sa loob para makapagpalit na ng damit. Nagiiwan talaga ako dito ng mga damit na pangwork out at pamalit para incase biglaan akong magwork out ay may magagamit ako, katulad ngayon.


Paglabas ko ay dumeretso na ako sa treadmill. Dito naman talaga ako madalas magumpisa. Nakita kong nakatayo doon si Shann, pagkakita niya sakin ay inabutan niya ako ng red na gatorade. Tinanggap ko iyon. May pakinabang din naman pala na sumama siya sakin ngayon.


Bago ako magumpisa ay napilitan akong buksan ang phone ko. Kailangan ko ng music habang nagwoworkout kundi ay mabilis akong tatamarin. I turned my phone on airplane mode para wala akong matanggap na kahit anong text o tawag.


Nagwarm up muna ako. I did some stretching before I start with my usual routine. Walking muna ng 5 minutes tapos ay jog ng 10 minutes bago itaas ang speed ng treadmill. Tuloy tuloy ako sa pagtakbo, hindi ko pinapansin si Shann kahit na napapansin kong panay ang tingin niya sakin.

King and QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon