Chapter 10 - Nakatunganga.

28.7K 841 73
                                    

#KAQwp

Chapter 10

 

Halos wala akong tulog kakaisip kung sino yung Erika na yun. Pagkatapos tanungin ni Belle si King ay hindi siya agad nakasagot hanggang sa nagpass out si Belle kaya naman tuluyan ng nawala ang atensyon ko sakanya.

Nang masigurado kong tulog na si Belle sa guest room ay tsaka lang uli nagsink in sakin yung pangalan ni Erika. Who is she? At bakit parang masama ang pakiramdam ko sa pagkabigla ni King?

Kinabukasan ay maaga akong nagising para icheck si Belle. Saktong kakagising niya lang pagpasok ko. "Hangover?" I asked her.

Humawak siya sa ulo niya at bahagyang tumango. "Shit. Ang sakit ng ulo ko."

Inabot ko ang gamot sakanya at tubig na dala ko. "Papasok ka pa? Magpahinga ka nalang kaya." Sabi ko.

She shook her head after drinking the meds. "Kailangan kong pumasok. Club day diba? Ayokong mawalan ng club." Sabi niya.

Tumango ako ng maalalang ngayon pala kami mamimili ng club at sabi ni Mam, kailangan daw present para makapili ng club na gusto namin.

Tumayo siya at nagpasyang maligo na. May uniform naman siya dito dahil alam na agad ng parents namin na magoovernight at magoovernight kami.

Nagpasya akong bumaba dahil nakaayos naman na ako. Nakita ko si Mommy na nagaayos ng lamesa. "I heard about this King." Bungad niya sakin at nginitian ako.

Napalibot ang paningin ko sa bahay para tignan kung nandun sa Daddy kaya tumawa si Mommy. "Chill, baby. Wala dito ang Daddy mo, umalis na for work." Aniya at tumawa. "So who's this King? Siya ba yung naghatid sainyo ni Belle kagabi?"

Literal na nanlaki ang mata ko. "W-What? N-No Mom!" Umiling ako. Shit. Sabi na kasing wag nang lumabas ng sasakyan eh, pero sadyang matigas ang ulo ni King kaya lumabas siya para tulungan ako kay Belle hanggang sa gate namin.

"You dont have to hide things from me, you know. Okay lang yang crush crush. Your Dad wont know." Sabi niya at kinindatan ako.

Umiling ako at umupo sa lamesa. "Hinatid niya lang po kami kasi nagpasama akong sunduin si Belle." Pagaamin ko kay Mommy.

"King." She smiled. "Yun dapat yung pangalan mo, kung naging lalaki ka. Kaya nang malaman naming babae, ay ginawa naming Queen." Pagkkwento ni Mommy.

Tumango ako at natawa. "You thought lalaki ang baby niyo nun ni Dad?" Tanong ko sakanya.

"Nung mga unang buwan, naisip ko lang yung pangalang King. Parang ang ganda kasi." Ani Mommy at hinawakan ang balikat ko. "Anyways, I wanna meet him. I wanna meet the first guy that dares to be with you." Aniya.

"Mom! Its not like we're dating or what. Classmates lang po." Defensive kong sabi.

King and QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon