Chapter 24 - Nakunan.

28.1K 825 24
                                    

#KAQwp
Chapter 24


Paghiwalay namin ng yakap ay agad na nagring ang phone ko. Kinuha ko yun sa bulsa ko at napansing si Shann ang tumatawag. Napalingon ako kay King na bahagyang nakakunot ang noo habang nakatingin sa phone ko.


"Hello?" Sagot ko sa tawag.


I heard sobs on the other line. I felt my heart skipped a beat. What's happening?! "George needs you, Steffie. Nasa St. Lukes, Fort kami." Sabi ni Shann na ikinagulat ko.


"What?! St. Lukes?! Bakit?" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko.


I heard him sigh on the other line. "Nakunan si Tita Jess." Sabi niya. Halos mabitawan ko ang cellphone ko sa narinig ko. Nanlambot ang tuhod ko, mabuti nalang at mabilis akong nahawakan ni King.


"You okay? Anong nangyari? Sinong nasa St. Lukes?" Sunod sunod ang tanong niya but I kept mum. I was still dumbfounded. Paanong nakunan? Anong nangyari? God!


Inangat niya ang baba ko para mapatingin ako sakanya. "Hey. You okay? Ano bang nangyari?" Nahihimigan ko ang concern sa boses niya.


I snapped out of my thoughts. "S-Si George. I mean, yung Mom niya. Pwede mo ba akong idrop sa St. Lukes? Sa Fort?" Tanong ko sakanya.


Tumango siya at inalalayan ako papunta sa sasakyan niya. I vant believe something like this can happen. I wonder how can George handle this? Ako nga na malapit lang kanila Ninang Jess ay sobrang affected na, paano pa siya? That could've been the younger sibling she was waiting all her life.


The ride to Fort was comfortably quiet. I thank God na hindi na nagtanong ng nagtanong si King. Hindi ko rin naman kasi alam ang isasagot ko. What do I know?


Tinext ko sila Kuya DK, Kuya CK at si Belle.


To: Kuya DK; Kuya CK; Belle
Kuya DK, Kuya CK, Belle. Something happened to Ninang Jess. Nasa St. Lukes Fort daw sila George. Lets meet there.


"Thank you." Sabi ko sakanya nang nasa tapat na kami ng entrance ng lobby ng St. Lukes. "I-Im sorry if I ruined your day. Promise, babawi ako." Sabi ko at inangat pa ang kanang kamay ko.


He let out a chuckle. "You didn't ruin anything." Aniya at tinignan ako ng alanganin. "Can I come with you?" Tanong niya.


I was hesitant at first but then I remembered, I might need him. Tumango ako. "Lets have dinner after. Okay? Lets celebrate your birthday." I said to make up for this hassle.


Nagtanong kami sa lobby kung anong room ni Ninang Jessica. Pagdating namin doon ay naabutan ko sa labas si George na yakap yakap ni Shann. She was crying herself out.


"George." I called her out. Nagangat siya ng tingin sakin, I can see her bloodshot eyes from here. Shit! Just by seeing her like this hurts already.

King and QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon