Chapter 11 - Nagseselos.

30.2K 877 191
                                    

#KAQwp

Chapter 11

 

Pinilit kong ipikit ang mata ko dahil ilang oras na ata akong nakahiga sa kama ko pero hindi parin ako makatulog. Hindi kasi mawala-wala sa isip ko yung Erika na yun. Lalo na yung sinabi ni Gelay kanina.

"Hindi? Eh bakit Love? Tsaka may kiss pa at yakap?" Tanong ko ulit dahil kung hindi girlfriend, ay mag-ano sila?

 

Ngumuso si Gelay at binato ako ng tissue. "Nangangamoy selos." Pangaasar niya at nagapir pa sila ni Shann. Bwisit na mga to. Nagkampihan pa.

 

"She's not his girlfriend but she claims to be King's girlfriend." She started at mas lalong napakunot ang noo ko. Claim? Parang lost and found lang? May claiming area ganun? "Hinahayaan lang naman siya ni King since spoiled nga sakanya yun si Erika. They're bestfriends ever since. Mas nauna pa ata silang naging magkaibigan bago si King at Ry. I heard she just got here from London dahil may project siya doon."

 

Project? Bakit ano ba siya? Pero mas nangibabaw yung ibang tanong sa utak ko.

 

"Hinahayaan siya ni King? Tsaka bakit niya sinasabing girlfriend siya? May gusto ba yun kay King?" Sunod sunod ang tanong ko kaya binigyan lang nila ako ng makahulugang tingin. Tinaas ko ang kilay ko at sumubo ng pagkain. "I'm just curious, you know. Bawal na ba ako magtanong ngayon?" I asked them.

 

She shrugged and laughed. "Hindi naman. Kaso parang sobrang interesado ka? Nagkakagusto ka na ba kay King?" Tanong ni Gelay.

 

I shook my head. "Never."

 

She smirked. "Sabi mo eh. Pero yun nga, oo may gusto yang si Erika kay King. And everyone knows that, I mean everyone including King. Pero dahil nga iniispoil ni King si Erika, eh hinahayaan niya nalang."

 

Sumingit naman si Shann sa usapan namin. "Pero wag ka mag-alala. Hindi naman dito nagaaral yun si Erika. She's taking special classes dahil busy siya sa pagmomodel abroad."

 

Umikot ikot ako sa kama hanggang sa madako yung paningin ko sa cellphone kong umiilaw. Nakasilent kasi ito kaya hindi ko namalayan na may tumatawag pala.

Napabangon ako ng makita ang pangalan ni King doon. Namatay ang tawag at nakita ko ang 5 missed calls niya.

Napaayos ako ng upo sa kama ko ng magring ulit ang phone ko. Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ba yun. Pero sa huli ay sinagot ko parin.

"Hello?" Halos magtunog bulong ako dahil sa hina ng boses ko. Napahawak ako sa lalamunan ko dahil pakiramdam ko ay pumiyok pa ako.

"Hi." Napapaos ang boses niya mula sa kabilang linya. Fudge. Ang gwapo ng boses. Nakakainis!

Humiga ako at tumitig sa kisame. "Hmm. Bakit ka napatawag? May kailangan ka ba?" I mumbled.

King and QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon