Chapter 44 - Naglasing.

27.5K 910 325
                                    

#KAQwp
Chapter 44


Natigilan siya sa sinabi ko. Of course, Im right. Kung hindi ako nakipagbreak sakanya ay malamang nasa Paris parin siya ngayon. Umuwi lang naman siya dahil nakipagbreak ako eh. Just, damn!


"Kung hindi ako nakipagbreak, edi sana nasa Paris ka parin, diba? Tama ako diba? Diba?!" Dinuro ko ang dibdib niya. "Nasa Paris ka parin at kasama mo sana ngayon si Gelay." Nabasag ang boses ko pagkasabi ko ng pangalan ni Gelay kaya agad ko siyang tinalikuran. Mabilis akong pumasok sa loob ng bahay namin, not even wanting to hear his answer. I heard him calling me but I ignored him.


Ayoko na. Pagod na ko sa lahat ng kasinungalingan niya. Paulit ulit na eh. Paulit ulit na kaya hindi ko na alam kung magagawa ko pa bang maniwala sa sasabihin niya.


Buong gabi akong nakatulala sa loob ng kwarto ko. Ni-hindi ko na magawang umiyak dahil pagod na pagod na ako sa mga nangyayari.


Sana pwedeng tanggapin ko nalang si King at maging okay na ulit kami. But its not as easy as that. He lied to me, at hindi lang ng isang beses. God knows how many times he lied to me while he was in Paris. Nasira na yung tiwala eh. I gave him my full trust but he ruined it. At mahirap ng ibalik iyon.


But the things is, I dont hate him. And I hate myself for it. I hate that even though he hurted me bad, I still dont hate him. Not even close. Not even a bit.


Napatingin ako sa phone ko nang makarinig ako ng katok sa pinto ko. "Steffie, iha." Narinig kong sabi ni Manang mula sa labas. My forehead turned into a full crease. Its 2 in the morning, anong kailangan ni Manang?


"Bakit po?" Tanong ko pagbukas ko ng pinto.


Bakas ang pagaalala sa mukha niya. "Yung dating nobyo mo, si King. Nasa labas ng gate. Hindi daw siya aalis hangga't hindi ka lumalabas." Aniya na ikinagulat ko.


Dali dali akong pumunta sa gate namin. Hindi ko alam bakit pero kusang naglabasan ang mga luha ko habang tinatahak ko ang daan papunta doon. Bakit ba kasi siya nandito? Hindi ba talaga siya titigil?


Pinunasan ko ang mga luha ko at lakas loob na lumabas. Hindi ko ipapahalatang umiyak ako. Hindi. "Ano pa bang kailangan mo?" Malamig ang tonong ginamit ko.


"Reyna ko, please." Nakita ko ang luhang tumakas sa mata niya. I wanted to wipe it away. Gusto kong tigilan na niya tong ginagawa niya. I want him to stop. Cause I dont know how long can I hold it in. Agad kong naamoy ang alak sa hininga niya. Naglasing siya?!


"You're drunk. Umuwi ka na." Firm kong sabi.


Nagulat ako ng lumuhod siya at yakapin niya ang tuhod ko. "Pakinggan mo ako, please. I cant do this. Hindi ko kayang mawala ka sakin. H-Hindi ko kaya."


Bumigat ang paghinga ko. Tangina! Bakit ba niya kailangan lang lumuhod.


Sana naisip mo yan bago ka nagsinungaling sa akin ng paulit ulit.


"Kayanin mo. Dahil tayo? Wala nang tayo, King. Wala na. Sinira mo yung 'tayo' natin. Sinira mo." Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilin ang sarili kong umiyak. Pilit kong kinalas ang pagkakahawak niya sa tuhod ko pero mas hinigpitan niya lang iyon.

King and QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon