Chapter 15 - Nakasimangot.

31.8K 846 77
                                    

#KAQwp

Chapter 15

 

Its already been a week mula nung magkasakit si King at alagaan ko siya dito sa bahay. Simula noon ay hindi na kami madalas magbangayan. I still dont know how to call us, though.

Hindi ko alam kung pasok na ba kami sa pagiging 'friends'. Pero sa tingin ko naman ay friends na kami since nakapagshare na siya sakin ng nararamdaman niya.

Sa buong linggo din na yun ay madalas na magkasama tuwing umaga si King at si Erika. Pumupunta daw talaga si Erika just to be with King dahil yun lang ang oras niya at busy siya sa mga photoshoot niya. Well, atleast that's what Belle told me.

Kaya naman buong linggo din akong hinahatid ni Kuya DK sa classroom ko. Okay narin sila ni King, I guess. Hindi sila nagsasamaan ng tingin tuwing magkikita sila. Nagtatanguan lang sila like they understand each other. Thats okay, right?

 

Isang linggo narin na hindi pumapasok si Gelay at Shann. I tried calling Gelay pero nakapatay ang phone niya. I wonder what happened. Ganun ba kalala ang away nila para isang linggo na sila parehong hindi pumapasok?

"Good morning, sweetheart." Bati na naman ni Kuya DK kay Erika. Nandito kami ngayon sa canteen. Of course dito ako dinala ni Kuya kasi alam niyang dito namin makikita ang dalawang to.

Umirap si Erika at sumandal sa upuan niya. "When will you ever stop?" Aniya.

Ngumisi si Kuya DK. "Never, sweetheart."

Nagvibrate ang phone ko kaya tinignan ko kung sino ang nagtext.

Fr: Belle

Ugh! Nakakainis na naman si Ry! Nagtatampo na naman tapos ayaw akong kausapin!

Napangiti ako at nagtype ng reply sakanya. Madalas silang ganto. Minsan nga nagtataka ako kung sino ang nanliligaw, si Belle ba o si Ryan. Mas pachicks pa kasi si Ry kaysa kay Belle.

To: Belle

Kasi naman. Sabi ko sayo diba, wag mo hayaan na ikaw ang laging naglalambing pag nagtatampo siya. Sabihin mo, siya ang nanliligaw hindi ikaw. Hahaha!

Napatingin ako kay King na deretso ang titig sakin ngunit naagaw ni Erika ang atensyon ko ng tawagin niya ang pangalan ko.

"God, Steffie! Your cousin's annoying the hell out of me!" Inis na sabi niya at humarap kay Kuya DK. "Hindi mo ba talaga magets na may iba akong gusto? No, scratch that. Na may iba akong mahal. At hindi yang paglalandi mo ang makakaalis nun." Matapang niyang sabi.

I was trying hard not to roll my eyes at her. Mas annoying pa siya kaysa kay Kuya DK. Napatingin ulit ako sa phone ko ng magtext si Belle.

Fr: Belle

Naiinis ako! Ugh! Kanina pa ako hindi kinakausap ng maayos.

I shook my head and typed another reply.

To: Belle

King and QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon