Chapter 12 - Napanganga.

29.9K 879 138
                                    

#KAQwp

Chapter 12

 

(PS. Read the author's note!!)

 

Napatawa ako ng malakas dahil sa sinabi niya. What did he just say? Ako? Nagseselos? Biggest joke I've ever heard.

Hinarap ko siya. "Try mo bumili ng papel de liha sa baba, tapos pakikuskos yang mukha mo. Masyado na atang makapal." Sabi ko at umirap bago siya tuluyang iwan doon.

Pagbaba ko sa canteen ay namataan ko kaagad sila Ryan at Belle na naghaharutan sa isang table. Umupo ako sa harap nila kaya automatic silang napatingin.

"Uh oh. You're on beast mode. What happened?" Sabi ni Belle at lumapit pa sa lamesa para pagaralan ang ekspresyon ko.

Napasimangot ako at kinuha ang shake na nasa harap ni Belle at uminom doon. Badtrip. Ang ganda pa naman ng gising ko tapos masisira rin lang pala nung dalawang yun. Bwisit. Magsama sila!

"Kalma ka lang, Steffie. Ano bang nangyari? Parang anytime mangangain ka ng tao." Sabi ni Ry at humilig kay Belle. "Nakakatakot pala magalit si Steffie, babe." Aniya pa.

"Yung kapatid mo. At yung bestfriend mo. Sila ang problema ko." Inis na sabi ko at inalis ko ang pagkakaakbay niya kay Belle. "Wag ka ngang feeling boyfriend. Nanliligaw ka palang, anong babe. Sumbong kaya kita kay Tito Patrick."

Tumawa si Belle at lumipat sa tabi ko. "Chill, Stef. Ano bang ginawa ni Erika at King?" Tanong niya sakin.

"Nakakainis. Eh sa ayaw ko ngang tawagin akong Queen. Tapos tinarayan pa ako. At maarte daw ako. Tapos nung sumagot ako, ako pa sinuway ni King. The hell?! Ako pa mali? Ang kapal niya." I hissed.

Tumawa si Ryan, yung malakas at napapahawak pa talaga siya sa tyan niya. He finds this funny? To hell with him. Hindi ito nakakatuwa. Nagtaas ako ng kilay kaya unti unting nawala ang saya niya. "Kasi naman. King's just really protective of her. Parang kapatid na rin ni King si Erika. You dont have to be jealous, you know."

Lalong napataas ang kilay ko. "Oh shut it. Magbestfriend nga kayo." I scoffed before rolling my eyes heavenwards. "Hindi ako nagseselos. Di ba pwedeng nakakairita lang talaga sila?"

Bahagyang tumawa si Belle sa tabi ko. "May gusto ka na ba kay King?" Tanong niya.

"Ewan ko sainyo." Sabi ko at tumayo na para umalis doon dahil for sure ay hindi nila ako tatantanan sa selos selos na yan. Goodness! Nababaliw na sila para isiping nagseselos ako.

Habang naglalakad ako ay tumunog ang phone ko. Naaninag ko si Erika at King na pababa ng hagdan kaya kahit ayaw ko ay alam kong makakasalubong ko sila dahil aakyat ako sa rooftop para magpalamig.

"George!" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko ng sagutin ko ang phone ko.

"I miss you too." Natatawang sabi niya sa kabilang linya.

Lumapad ang ngiti ko. "Kailan mo ba ako pupuntahan ulit dito? Namimiss na kaya kita." Sabi ko at ngumuso.

King and QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon