Chapter 26 - Nagsayaw.

31.4K 965 147
                                    

#KAQwp
Chapter 26


"Reyna ko." Naramdaman kong kinalabit ako ni King pero hindi ko siya pinansin. Nakatuon lang ang pansin ko sa reviewer ko. Finals kasi namin mamaya sa Math at hindi ako nakapagaral dahil nagyaya manuod ng sine si King kahapon.


Sandali siyang tumahimik. Thank God! Kanina pa siya nangungulit. Palibhasa, wala lang sakanya kahit exam namin. Hindi naman ata uso ang aral sa isang to.


Maya maya ay naramdaman kong tinusok niya ako sa bewang. "Reyna ko." Nakangiti niyang sabi nang napaigtad ako.


Hinarap ko siya nang nakasimangot. "Pag ako hindi mo tinigilan, magisa ka talaga sa dinner mamaya!" I hissed at him.


Mamaya kasi ay lalabas kaming apat nila Belle at Ryan. Double dinner date daw.


Ngumuso siya at umiling. "Titigilan na nga po, Reyna ko." Sabi niya at ngumiti. Bumaling ako sa inaaral ko ngunit hindi ko napigilan ang pagngiti ko. Wala talagang kupas yung kagwapuhan niya.


Sinubukan kong magaral ulit pero wala nang pumapasok sa utak ko. Paulit ulit nagpplay sa utak ko yung pagngiti niya. Napayukyok ako sa lamesa dito sa canteen.


Magaral ka nga, Steffie! Kinabukasan muna bago kilig, diba!


Pagangat ko ng ulo ko ay napatingin ako kay King. Nakatitig lang siya sakin habang nakangisi ng malawak. Sinimangutan ko siya kaya naman napatawa siya ng bahagya. "Bakit, Reyna ko? Distracted ka?" Nangaasar na sabi niya.


I shook my head before returning my gaze to my notebook. Sinubukan kong magsolve ulit ng problem pero wala na talaga ang focus ko. Nanalo na naman tong si King sa pagaagaw ng atensyon ko. Damn it! Palagi nalang!


Napatingin ako sakanya nang tumayo siya. "San ka pupunta?" I asked him. May isang oras pa bago yung exam namin ah?


"Wait for me. I'll be back, Reyna ko." Ngumiti siya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko bago siya lumabas ng canteen.


"Oh, san pupunta yung hari mo?" Tanong ni Belle pagupo niya sa harap ko. Sunod na umupo naman si Ryan sa tabi niya pagkatapos netong ilapag yung binili nilang pagkain.


I shook my head. "I have no idea. Bigla nalang tumayo tapos I'll be back daw." I shrugged.


Tumango lang si Belle tapos ay nagumpisa na naman silang magharutan ni Ryan. Tss. Ang lalandi talaga ng mga to. Wagas lagi kung makapa-PDA. I mean not like kissing and all pero kung makapagharutan, akala mo walang ibang kasama.


Umubo ako ng peke. "Get a room. Ehem. PDA." I told them as I rolled my eyes heavenwards.


Tumawa si Ryan. "Sagutin mo na kasi yung hari mo para may ka-PDA ka narin. Tignan mo yung kapatid ko tsaka pinsan mo, PDA din lagi." Aniya ng natatawa.


Oo nga, si Erika at si Kuya DK pag nakakasama namin sila ay PDA din. Im okay with that though. Kuya DK's happy. And Erika, she's alot nicer now that they're together.

King and QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon