Chapter 8 - Napatigil.

28.2K 842 53
                                    

#KAQwp

Chapter 8

 

"Kuya DK naman. Kausapin mo na ako." Pang ilang ulit ko nang sabi. Pinaglaruan ko yung mga daliri ko habang nakaupo ako sa kama ng guest room namin.

Kagabi after niyang sabihing tumawag si King ay agad siyang tumalikod at umakyat sa guest room para matulog. I was too shocked to even react pero nang makarecover na ako ay sinundan ko si Kuya DK pero ayaw niya akong kausapin.

Si Kuya CK naman ay sa kabilang guest room na natulog dahil hindi na ulit binuksan ni Kuya DK yung kwarto.

Hindi ko alam kung anong pinagusapan nila over the phone but I have a hunch na nalaman na ni Kuya na kaya gusto kong maginom kagabi ay dahil kay King.

"Kuya naman eh." Sabi ko at hinila ang braso niya.

Nagmulat siya ng mata at tinignan ako ng mabuti. Nanatili siyang nakahiga. "Talk." Malamig na sabi niya.

"S-Sabi niya kasi wala daw akong boobs." Nahihiyang sabi ko at yumuko. "N-Nainis lang ako kasi naalala ko na naman yung napahiya ako noon." I told him truthfully.

Umupo siya sa kama. "Bakit kasama mo siya? At nasan kayo? Tagaytay ang sabi nung King. Pinayagan ka ni Tito?" Sunod sunod na tanong niya.

Halos marinig ko na yung kabog ng dibdib ko sa tenga ko sa sobrang lakas neto. "Hindi alam ni Daddy. Alam niya nasa resthouse kami ng friend namin ni Belle." Sabi ko at nagangat ng tingin sakanya para magpaliwanag.

Kung kanina ay masama lang ang timpla niya, ngayon ay mas lumala pa ito. "You lied?" Umiling siya na para bang disappointed siya sa nangyayari.

I shook my head. "Of course not!" Agad na sabi ko. "Dapat talaga doon kami pupunta. But Belle and others played with us. Ayaw nilang sabihin saan yung resthouse. Mag-uhm-bonding daw muna kami ni King." I explained.

Hindu ko pwedebg sabihing date ang gustong mangyari ng mga kaibigan namin. Belle would surely be in trouble.

Masama parin ang tingin niya sakin kaya naman hinawakan ko siya sa braso. "Im telling the truth Kuya. You know me." I told him.

Tumango siya at niyakap ako. "Fine." Aniya.

"Please dont tell Dad. He'll go beast mode on." I can hear my voice pleading.

I heard him sigh. "Okay." Aniya at inilayo ako mula sa pagkakayakap at matamang tinignan. "Pero gusto kong makausap yung King. In person." Seryosong sabi niya.

Umiling ako at humiga sa kama. "No need. Ako mismo ayaw ko na siyang makausap so dont bother, Kuya." Sabi ko at pinikit ang mata ko.

Halos saglit lang akong nakatulog dahil bothered ako kay Kuya DK. Never niya akong natiis katulad kagabi na ayaw niya talaga akong kausapin kaya nahirapan akong matulog kakaisip.

King and QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon