Chapter Three
Her POVNanlulumong umupo ako sa swivel chair ko sa sarili kong opisina. Masikip ang dibdib ko at bumuhos na lang bigla ang kanina ko pang pinipigilang mga luha.
Seeing him with another girl breaks my heart.
I buried my love for him for a long time ago but why do I feel this shit? Dapat wala na. Dapat tapos na. Dahil noon pa lang, pinagtabuyan na niya ako. Pinalayo na niya ako at nagsimula na siya ulit ng wala ako.
Pero bakit ganito? Bakit sa lahat ng makikilala ko, siya pa? Bakit hindi ko pa rin matanggap?
Nagulat ako sa pagtunog ng cellphone ko at nakita kong may incoming call ako kay Summer. I immediately answered it as I took a deep breath.
"Winter?" I tried to smile kahit na hindi niya ako nakikita. Kinalma ko ang sarili ko bago sumagot.
"Yes, Summer?"
"Kumusta? Napatawag ka kanina? Pasensya talaga, ah. May papers na inasikaso lang talaga." Paliwanag niya.
"Ano ka ba, okay lang 'yon. I just want to know if you're fine."
"I am fine. Ikaw?"
Gusto kong sabihin na hindi ako okay, na wala akong gana, na hindi ako masaya, na masakit. Pero ayoko naman na malaman niya pa 'yon dahil alam kong magtatanong siya kung bakit.
May balita na kaya siya kay Thunder na ngayon ay si Mateo Racal?
"Summer, may balita ka ba kay Thun?" Nagkunwari akong walang alam para malaman ko kung may updates ba siya sa sarili niyang kapatid.
"Wala. Pero ang alam ko, nandito na siya." Sagot niya sa mababang tono ng boses. "Bakit?" Dagdag niya.
"Uh, wala. Just asking." Huminga ako ng malalim at naalala ko na naman ang mukha nilang dalawa na masaya sa harapan ko kanina.
Kung hindi kaya nangyari ang lahat ng naganap noon sa buhay naming dalawa, ako pa rin siguro ang babaeng mahal niya? Nakaka-inggit.
"Bakit bigla mo 'yan natanong?"
"Wala nga. Matagal na rin naman. Baka lang naman may balita ka." Sagot ko.
"Umaasa ka pa rin ba na babalik siya sa'yo pagtapos ka niyang pagtabuyan?" Diretsong tanong ni Summer na siyang ikinagulat ko.
Umaasa ba ako? Halata ba? Hindi ko naman maiiwasan, e. Iniwan niya akong mahal ko pa rin siya at bumalik siya na mahal ko pa rin siya.
In short, walang nagbago.
"I'm not. Gusto ko lang malaman kung may balita na sa kanya." Pinunasan ko ang luhang dumadaloy sa pisngi ko. Pasalamat na lang ako at hindi ako naririnig ni Summer na humihikbi.
"Anyway, can I invite you to dinner later?" He asked.
Nag-isip ako ng gagawin ko mamaya at napatingin ako sa wall clock ko. Maaga pa naman sa dinner at may ilang oras pa ako para tapusin ang trabaho ko.
"Sure." I replied at nagpaalam na ako para maaga ako matapos dito. Around 7PM niya ako susunduin dito, magpapaalam na lang ako kay daddy mamaya.
Malapit na akong matapos sa pagbibilang ng pera sa kumpanya nang maramdaman kong maiihi na ako. Hininto ko muna ang ginagawa ko at tumayo na para mag-comfort room. Wala akong sariling comfort room sa office ko dahil inaayos pa lang ito kaya lumabas ako at dumiretso sa pinaka-comfort rooms naming lahat.
Matatagpuan ito sa third flood ng building namin. Ang opisina ko ay sa 5th floor kaya kailangan ko pang mag-elevator.
Nagmadali akong dumiretso sa comfort room. Nang matapos ako ay nag-ayos na muna ako ng sarili ko. Paglabas ko ay saktong nakasalubong ko ang boss namin.
BINABASA MO ANG
Weather You Like it or Not Book Two
Aktuelle LiteraturSometimes, leaving and letting go is way better than to stay and feel the pain.